Chapter seven

1683 Words
LINDSAY Ten thirty na nang gabi bago namin natapos ang ginawa naming group study para sa thesis namin. Kaya nagpasya na rin akong umuwi gabi na at panay ang text sa akin ni mama kung nasaan na ako. Nandito kami sa kanilang kusina dahil tinutulungan ko si Ella na magligpit sa aming ginagamit na mga baso at plato. Gusto ko rin makaalis muna sa veranda dahil pakiramdam ko hindi ako makahinga sa mga titig sa akin ni Miko. "Bhe, Ella. Kailangan ko nang umuwi. Hinahanap na ako ni mama. At isa pa gabi na rin. Magagalit kasi si Papa kapag gabi na ay wala pa rin ako sa amin. Dahil marami daw maloko na tao ngayon.” "Sige, Bhe. Pero magpaalam ka muna sa kanila. "Alam mo, bhe. Napapansin ko si Miko na palaging na katitig sayo. Namula naman ako bigla sa aking narinig. Napansin din pala ni Ella ’yon. "Naku, parang hindi naman. Guni-guni mo lang 'yon, bhe." "Oy, bhe. nagbublush ka. Umamin ka nga sa akin inlove na ang bhe ko? Ano?" "Anoʼng pinagsasabi mo diyan? Ikaw Ella ang lakas mong makapang-intriga, ha! Kaloka ka kang bakla ka. Hindi pa rin ako makaligtas sa nga pang-iintriga mo," nakasimangot kong saad sa kanya. "Deny pa more. Kita ko ʼyong mga landian ninyo kanina. ʼYong mga tinginan ninyo. Oh, ano sabihin mo na lang kasi, Bhe. Ikaw, ha. Parang hindi mo ako best friend. Naglilihim ka sa akin," nakangusong tugon sa akin. Alam ko ang mukha na ito nagtatampo na ito sa akin. "Anoʼng landian ka diyan! Nag-uusap na nga lang ʼyong tao landian agad? Sige na nga sasabihin ko na huwag ka ng magtampo riyan. Pero atin- atin lang ito, ha. Pag- ito may ibang makakaalam kalbo ang labas mo sa akin," pagbabanta ko kay Ella. "Yes, bhe. Promise. You know naman na I know how to keep secrets. Kaya sige, na go. Zipped na itong bibig ko," Itinaas pa nito ang kanyang kamay na tanda ng pangako pagkatapos ay umaktong nay zipper ang bibig. "Oo, na. Matagal ko ng crush si Miko," pag-amin ko sa kanya. "Ahhh!" tili ni Ella. Mabilis ko naman tinakpan ang kanyang bibig. "Ano ka ba, Bhe! Sabi huwag maingay. Baka marinig nila tayo." "Ano ka ba. Ang layo ng veranda at kusina, hindi nila ako maririnig. Pero seryoso, bhe. I'm happy for you akala ko kasi tatanda ka na ng dalaga. Hindi ka kasi mahilig sa mga fafa," saad nito sabay yakap sa akin. Kinurot ko naman ang kanyang tagiliran. "Grabe naman. Nineteen pa nga lang ako tapos matandang dalaga agad. Sige na aalis na ako. Baka wala na akong masakyan pa na jeep kapag masyado akong gabihin," "Segi na magpaalam ka na sa prince charming mo. Para maka gorabelz ka na baka hinahanap kana sa inyo. Alam mo naman si tita masyado kang bini-baby kaya hanggang ngayon wala ka pa rin jowa," masama ang tingin kong ipunukol sa kay Ella bago sumagot. Napatawa na lamang ito sa aking inasta. "Tse, choice ko naman yon dahil sa pag- aaral ako nakafocus. Nakakahiya naman sa anonymous sponsor ko kapag hindi ako mag-aral ng mabuti. Baka sabihin ako pa ang tinutulungan. Pakipaglandian lang ang inaatupag ko," . "Na-curious naman ako bigla 'yang anonymous sponsored mo, bhe. Baka secret admirer mo iyan," "Talaga? Bakla ka talaga ng taon. Paano naman ako magkakaroon ng secret admirer? Hindi ba puwedeng may mga taong nagmamagandang loob at ako ang napili nilang tulungan." "Kung iyan ang sabi mo, bhe. Halika ka nga balik na tayo sa may veranda baka nagtaka na ang mga iyon matagal tayong hindi bumabalik," hinila na ako kaagad ni Ella pabalik sa kanilang veranda. "Ah, guys. Mauna na akung umuwi, ha. Lumalalim na kasi ang gabi at hinahanap na ako ng mama ko," paalam ko sa kanila. Wala sanang problema kung narito lang ang sasakyan ni Ella dahil paniguradong ihahatid ako nito. Kaso ginagamit pa ng kanyang tita. Sila, Mira, Yana, Justine at Miko may mga sasakyan naman sila kaya hindi problema ang pag-uwi nila. "Sige mag - iingat ka, Lind," saad ni Yana. Samantalang si Justin at Mira ay wala tila nay sariling mundo ang dalawa busy ito sa pakipaglampungan sa isa't-isa. Naghahalikan ang mga ito sa harapan namin. Walang pakialam kong nandito man kami. Narinig pa namin ang ungol ni Mira. Akmang tatalikod na sana ako nang may humahawak sa braso ko. Paglingon si Miko. "Ihahatid na kita sa inyo," sabi ni Miko. "Naku! huwag na, Miko. Salamat na lang kaya ko naman sarili ko. Baka makaabala lang ako saʼyo," Nahihiya kong tugon. "No, worries about me. Gusto kong ihatid ka. Kaya huwag ka ng tunanggi." "Ano kasi ano, nahihiya kasi ako, Miko" nakatungo ang ulo kong tugon. "Oh, comʼo Linds. Huwag ka nang mahiya I insist. Baka ma paano ka pa sa daan," pangungumbinsi ni Miko sa akin. "Ay, 'yun naman pala, Bhe. Kaya go ka na. Hindi ba mahihirapan kang makahanap ng masasakyang jeep sa nga oras na ito," singit ni Ella pinandilatan ko ito ng mata para tumigil ayaw pa rin paawat ang bakla. "Nag-offer na nga ng rides ang fafa, Miko mo. Ay este si Miko," "dugtong pa nito. Kinurot ko na ang tagiliran ni Ella dahil talagang nakakahiya. 'Yan kaya ayaw kong malaman niya kung sino ang crush ko abg tabil ng dila. Pero kung sa bagay may punto naman si Ella talagang pahirapan ang pagsakay ngayon ng jeep sa mga oras. "Let's go, Linds," saad ni Miko habang hila- hila niya ang kamay ko. Hindi pa nga ako naka oo. Lumingon ako sa aking likuran. Nag-thumb up pa ang bruha tila yata kinikilig pa. "Ahm, Miko. Hindi ba talaga ako nakaka abala sa iyo?" alangan kong tanong. Kinakabahan naman ako ng bigla ng hawakan ni Miko ang kamay ko. Gusto kong hilahin ang aking kamay pero baka sabihin maarti ako kaya hinayaan ko na lamang iyon. "Ihahatid ba kita kung nakakaabala ka sa akin? Mas importanti ka. Baka mapahamak ka pa," Umiiling - iling lang ako sa kanya bilang tugon. . "Yon naman pala. From now huwag ka ng mahiya sa akin," sabi nito. As if naman magkakasama pa kaming muli. Ngayon lang ito sunod na araw wala na. Dahil walang ng traffic sa daan kapag ganitong oras. Isang oras nang makarating sa eskinita . "Ahm, Miko dito na lang ako." "You sure? Malapit na ba ang bahay mo?" tanong ni Miko. "Hindi naman kasi makapasok ang sasakyan mo sa mismong bahay namin. Masyadong makipot ang daan." "Sige, pero ihahatid na kita sa mismong bahay ninyo. Iwan ko lang itong sasakyan ko rito," saad nito. “Naku! Huwag na ano ka ba. Salamat at hinatid mo ako. Malapit lang naman bahay namin dito,” Pagdadahilan ko dahil ang totoo ayaw ko lang makita ako ni mama na may kasama akong lalaki at mas lalong ayaw ko makita si Miko sa mga chismosa naming mga kapitbahay. “Okay, sige.” maikling tugon nito. "Maraming salamat sa paghatid, Miko.” “Your always welcome. Basta ikaw.” Sabay pisil sa aking pisngi. Lalabas na sana ako ng pigilan ako ni Miko. “Ahm, Lindsay wait.” mukhang nag-aalangan ito sa kanyang sasabihin. “Bakit, Miko. May sasabihin ka?” tanong ko sa kanya. “Lindsay, can we friends?” “Sure, kaibigan lang naman pala, eh.” ani ng aking isipan. “Oo naman,” maikli kong tugon. “Friends?” sabay namin sabi. Napatawa pa ako kami. Unang naglahad sa kanyang palad si Miko at walang pag- atubiling tinanggap ko iyon. Matagal niyang binitawan ang kamay ko. Nakaramdam naman ako ng pagkailang sa klase ng pagtitig niya sa akin. “Ah, sige Miko. Hinahanap na ako ni mama,” saad ko sabay hila sa aking kamay. “Yeahh, I'm sorry. Kita na lang tayo sa school.” “Okay, sige. Salamat ulit sa paghatid. Ingat ka sa pagmamaneho,” kumakaway pa ako sa kanya. “I will, mag - iingat ako para saʼ yo,” mahina nitong sabi. “Ano' ng sinasabi mo, Miko?” sabi ko ulit dahil hindi ko masyadong marinig ang kanyang sinasabi. “Ah, ano wala. Wala akong sinasabi,” natataranta nitong tugon sabay kamot sa ulo. “Bye, Lindsay. Good night,” hindi na ako makasagot pa dahil pinapaharoroot nito ang kanyang sasakyan. Nagsimula na akong maglalakad ng maramdaman kong may sumusunod na naman sa akin kaya binilisan ko sa paghahakbang. Tumingin ako sa aking likuran at nakita ko ang dalawang lalaki ang nakasunod sa akin. Magkahalong kaba at takot ang aking nararamdman. Kaya binilisan ko ang aking lakad ngunit naramdaman ko na binilisan din ang lakad ng mga ito. “Dios ko po! Tulungan niyo po ako huwag niyo pong hahayaan na mapahamak ako,” mahina ko pang dasal. At kumaripas na ako ng takbo nanginginig na ang aking mga paa dahil sa tindi ng takot gusto ko ng umiyak.. Nagulat na lang ako may dalawang tao humawak sa aking magkabilang braso. “Ahh! Ahh? Tulong!, Tulungan niyo po ako!” sigaw ko pero wala pa rin naka rinig sa akin. “Mama! Papa! Tulungan niyo po ako,” humikbi kong sigaw dahil natatakot na ako. “Bitawan niyo po ako. Parang awa niyo na po,” pagmamakaawa ko sa lamilatinadyakan ko siya pero hindi parin ito natinag... “Pakawalan ninyo ako! Ayaw kong sumama sa inyo! Saan niyo ako dadalhin? Wala akong kasalanan ninyo!” Nanglaban ako ng sapilitan nilang akong ipinasok sa sasakyan pero wala pa rin akong nagawa dahil wala akung laban sa lakas ng dalawang tao na humahawak sa akin . “Tumahimik ka! kung ayaw mong madali 'yang buhay mo,” sabi ng isang lalaki. “Parang awa niyo na pakawalan niyo na po ako.” “Naririndi na ako sa ingay ng babaeng iyan. Patahimikin mo na.” utos ng isang lalaki. Nagpupumiglas ako dahil sa aking narinig. “Pakawalan niy_” hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng bigla nalang tinakpan ng panyo ang aking ilong at ilang sandali lang nakaramdam ako ng antok at pagkahilo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD