First Encounter
Chapter one
"Mama, alis na po ako. Hinihintay na ako ni Ella," paalam ko kay mama. Alas singko pa lamang ng madaling araw gising na gising na ang diwa ko. Naghahanda na ako sa aking mga lulutuin. At pagsapit ng alas-siyete ng umaga nagsisimula na akong magluto ng mga ulam na gagawin kong paninda sa tuwing umaga. Sa City hall ang punterya ko kasi marami na akong mga suki roon.
Panganay ako sa apat na magkakapatid, sa hirap ng buhay, sa edad kong labing walo natuto na akong magbanat ng buto para makatulong kay mama at papa.
Plain housewife lamang si mama at construction worker ang ama ko. Kung minsan hindi pa sapat ang kita ni papa para sa gastusin namin sa bahay.
“Sige, anak. Mag-iingat ka, ha,” bilin niya sa akin.
"Salamat po, Mama," Nagmamadali na akong lumabas ng aming bahay bitbit ang basket na sinisidlan ko sa aking niluluto. Kailangan magsipag ng pagtitinda dahil nag-iipon na rin ako sa susunod na pasukan para pang-enroll ko ng kolehiyo.
“Ang tagal mo naman, beshy, Alam mo naman monday, kaya ma-traffic ngayon," reklamo ng mahadora kong best friend. Nakalimutan ko pala na araw ng lunes ngayon. Medyo may kalayuan pa naman ang City hall kailangan pa namin sumakay ng jeep.
"Ito na nga eh, pasensiya na. Alam mo naman beshy naligo pa ako. Hindi naman p'wede maglako ako na walang ligo, " Lambing ko sa kanya. Si Ella bata pa lamang kami siya na ang kasama ko, kalaro, kakampi at taga -pagtanggol ko.
"Oo, na haba ng paliwanag mo. Sinasabi ko lang naman na ma-traffic ngayon," Natatawang tugon nito at kinuha na nito ang isang basket na may lamang ulam.
Mahirap man kami sa buhay, masasabing thankful pa rin ako dahil napapaligaran ako ng mga taong nagmamahal sa akin, itong si Gabriel, na ang gustong ipatawag ay Ella. Kahit brusko pa itong tingnan kaysa sa kanyang ama. Natatawa na lamang ako dahil masusuka raw siya kapag tawagin sa kanyang tunay na pangalan.
At siyempre ang mama Linda at papa Mario ko, pinuno nila kami ng pagmamahal.
Isa at kalahating oras bago kami nakarating ng City hall. Kanina pang alas-otso ng umaga ang pasukan ng mga trabahante kaya nagtatiyaga kaming naghihintay sa labas para pagdating ng pananghalian sa akin na sila bibili.
'Yung iba naman ay magpahatid na lamang sa loob.
"Lindsay, inday. Pabili ako, Nandiyan ba' 'yung paborito kong ginataang langka?" tanong ng isa sa mga suki ko.
"Siyempre naman po, Ate Flor. Malilimutan ba kita? Ito ang paboritong ginataang na langka," magiliw na tugon ko sa kanya.
"Ay, salamat naman. Inday, ang sarap ng mga tinda mong ulam," puri nito sa mga tinda ko. Naikinangiti ko naman.
"Ay, aba! Ang best friend ko nagluto ng mga 'yan," sabat naman ni Ella. Bahagya ko siyang siniko kasi nahihiya ako.
"Totoo? Aba, pwede ka na pala mag- asawa, Inday,” malakas ang tinig nitong sabi.
"Aheem! Ano ang pinagkakaguluhan ninyo rito? At ano'ng sinasabi ninyong puwede ng mag-asawa?" ani ng baritonong boses. Na tila ba isang DJ ng radyo na napakasarap pakinggan ang tinig.
"Si Mayor!” ani ng isa.
"Magandang tanghali, Mayor. Bumili lang po kami ng ulam," saad ni Ate flor.
Nagtitilian naman ang mga kakababaihan pati ang mga nag fe-feeling babae rito sa labas ng City hall. Tila mga kiti-kiting pinuputulan ng buntot.
Napaangat ako ng tingin sa lalaking nagsasalita. Oh, s**t! na malagkit. Tila may dagang nag-uunahan sa pagtakbo sa loob ng dibdib ko dahil sa biglang bumilis ang t***k ng aking puso. Lalo ma at nagpang-abot ang aming paningin. Nakatuon ang mata niya sa akin. Nauna akong nagbawi ng tingin dahil hindi ko kinaya ang mga titig niya sa akin. Para akong kakainin ng buhay.
"M-magandang tanghali po, Mayor," kinabahan kong bati sa kanya.
"Mayor, magandang tanghali," maarting bati naman ni Ella, na halos magtatalon pa sa kilig.
“Besh, ang g'wapo ni Mayor," bulong nito sa akin. Ngunit siniko ko siya para manahimik.
"Next time, huwag kayo rito sa daan magbebentahan. Nakakaabala kayo sa mga tao," malamig ang tinig nitong wika.
Pakiramdam ko sobrang pula ngayon ang aking mukha. Nagsimulang nanginit ang sulok ng aking mga mata. Wala naman kaming ginawang masama. At isa pa na sa tabi nga lang kami. Paano kami makakaabala? Eh, ang luwang ng daanan.
"Pasensiya na po, Mayor," hinging paumanhin ni Ate Flor. At dinala niya kami sa may sulok ngunit hindi pa man kami nakalayo kay Mayor napatigil kami sa paglalakad.
"Sasusunod huwag kayong magturo na hindi kaaya-aya sa mga bata," pangaral nito.
"Pasensiya na po, Mayor Vi. Hindi na po mauulit." hinging paumanhin ni Ate Flor.
Tila nanginit ang bunbunan ko ng tawagin ako nitong bata. For his information, hindi na ako bata, dalaga na ako. Nais ko sanang kutusan ang lalaking iyon. Wala akong pakialam kong Mayor pa siya.
"Beshy, ang g’wapo ni Mayor Vi, ano?" kinikilig nitong ani. Pati ang mga kababaihan ang lagkit ng tinginan sa papalayong Mayor, may kasama pangkagat ng labi. Ang landi lang.
"Tsskk, saang banda friend? Kayo lang yata ang nagagwapuhan?" mataray kong sagot sa kanya kahit ang totoo sobrang gwapo naman talaga ng lalaking 'yun.
"Naku, kunwari ka pa. Kita ko rin ang mga tinginan mong ganyan, hoy! Alam ko ring crush mo ang g'wapong mayor natin at hindi lang basta g'wapo, mabait pa at walang kinikilingan. Kaya nga binansagan siyang Youngest and fearless Mayor, oh, 'di ba bongga!" pagmamalaking sabi ng malandi kong kaibigan. Kunti na lang kukutasan ko na ' to.
“Naku! Wapakels ako. Kung ano pa man ang ibansag sa kanya. Basta ang mahalaga sa akin maubos na itong paninda natin. Medyo matumal yata ang paninda natin ngayon. Asan na ba ang iba? Hindi ba sila manananghalian?" nag-aalalang saad ko. Kailangan maubos ang lutong ulam na tinda namin kung hindi lunod ang pinang-capital ko.
"Pasok na lang kaya tayo sa loob beshy. Baka busy pa sila Ate Malou at Lenet," suhestiyon ko kay Ella.
"Eh, beshy. Hindi kaya pagagalitan na tayo ng tuluyan si Mayor Vi,"
"Sige, ako na lang ang papasok hintayin mo ako rito.” Kaagad na akong kumilos papasok ng loob. Ngunit nakailang hakbang palang ako ng patungong entrance ay tila umurong ang mga paa ko. Bigla na lang hinampas ng kaba ang aking dibdib, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Lalo na ng muling magtama ang aming paningin. Ang lalim ng kanyang mga titig sa akin. Napayuko ako sa aking ulo dahil tila sinusuri ako nito ng mula hanggang paa.
Nagulat na lang ako ng biglang may nagsalita sa aking harapan.
"Follow me in my office," wika nito sa baritonong boses. Magsasalita pa sana ngunit naglakad na ito. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.