LINDSAY
“Tulong! Tulungan ninyo ako!
May nakakarinig ba sa sa akin? Please, maawa kayo pakawalan niyo ako dito!” Tuluyan na akong napahagulhol ng iyaka dahil kanina pa ako nagsisigaw pero wala man lang tumulong sa akin. Wal akong naririnig na kahit ano'ng kaluskos.
Halos na mamaos na ang aking tinig dahil kanina pa ako nagsisigaw. Pakiramdam ko sobrang tuyo na ng aking lalamunan.
“Kuya, naririnig niyo ba ako? Sagutin niyo ako? Ano ba? Bakit niyo ako dinukot? Wala akong kasalanan sa inyo!” muli kong sigaw ngunit wala talagang sumasagot sa akin
.
Ibig sabihin nito nag - iisa ako rito.
Ang huli kong naalala ay iyong tatlong lalaki na sapilitan akong pinasakay ng kanilang sasakyan. Hindi ko alam kong ilang oras akong nakatulog tapos ngayon nagising na lang akong may piring ang mga mata at may tali ang mga kamay at paa ko. Naramdaman ko ang hapdi ng aking pulsuhan dahil kanina ko pa sinubukan na ang aking mga kamay.
Ni hindi ako makakakilos sa higpit nang pagkatali nila sa akin. Kahit ano'ng pagpupumiglas ko hindi pa rin ako makawala sa gapos nila sa akin. Para akong hayop na kakatayin na ginagapos nila.
“Diyos ko, sino ang may gawa sa akin nito?
Wala naman po akong natandaan na may nakaaway ako. Tulungan niyo ako Diyos ko,, ulungan mo akung makawala dito,” pepe kong dasal at napahagulhol na ako ng iyak.
“Wala naman akong nagawan nang kasalanan. Mabait naman ako. Pero bakit napunta ako dito?” tanong ko sa aking sarili.
“Nalulungkot ako para kay mama at Papa sigurado akong hinahanap na nila ako. nag - aalala na sila sa akin ngayon. Baka ano pa ang mangyari sa mga magulang ko.
Kailangan kong makahanap ng paraan para makatakas dito. Ginamit ko ang aking buong lakas upang matanggal ang tali sa aking mga kamay.
“Diyos ko, maawa kaayo sa akin. Tulungan niyo po akong makawala dito. Huwag mo po akong pababayaan. Marami pa akong pangarap sa buhay. Paano na ang pag- aaral ko? Kung nandito ako ngayon nakatali ang mga kamay at paa. Ang inaalala ko sina mama at papa.
Natigil ako sa aking lawat pagpupumiglas nang may narinig akong mga yabag at ilang sandali pa ay nakarinig ako ng langingit na bumukas na pinto. Sigurado akong may mga kasama akong tao dito.
“May tao ba rito? Magsalita kayo. Pakawalan niyo ako rito. Tulungan niyo po ako kung sino man kayo. Maawa po kayo sa akin. Ano ba ang kasalanan ko sa inyo ha? Bakit niyo ako dinukot? Wala po akong natatandaan na may atraso ako sa ibang tao. Lalo na sa inyo!” sige pa rin ako sa pagsasalita kahit wala man akong narinig na ano mang tugon. Pero hindi pa rin ako sumusuko baka sakaling matauhan ang mga ito.
“Kuya, kuya. Pakawalan niyo ako. Promise hindi naman ako magsusumbong sa mga police at isa pa anak mahirap lang po ako. Wala pong pantumbos ng ransom ang mga magulang ko kaya wala kayong mahihita sa akin.” tumatangis kong sabi.
“Tumahimik kang babae ka! Naririndi na ako sayo!” narinig kong sigaw ng isang lalaki.
“Kung gusto mong ayaw matuluyan. Tumahimik ka diyan! Kung ayaw mong pasabugin ko iyang bungo mo! dugtong pa nito. Narinig ko pa ang pagkasa ng baril at pagkatapos naramdaman ko na lang ang isang bagay na nakatutok sa sentido ko.
Mas lalong rumaragasa ang kaba sa aking dibdib. Ang lakas ng t***k ng puso ko. Nakaramdam na naman ako ng takot sa kanyang sinasabi. Paano kung totohanin nito ang kanyang banta. Nanginginig ang buo kong katawan. Mariin kong ipinikit ang aki g mga mata. Siguro hanggang dito na lang ang buhay ko. Kahit ang takot na takot ako ay pinilit kong itikom ang aking bibig.
“Masunurin ka naman pala.” saad nito. Tumatawa ito ng tunig demonyo. At lalakad papalayo sa akin. Narinig ko ang tunog ng upuan na hinihila.
“Wala pa ba si Boss?” tanong ng isa.
“Wala pa maghintay na lang tayo. Darating na si boss mayamaya. Paniguradong tiba-tiba na naman tayo.”
“Boss? Ibig sabihin may nag-uutos sa kanila na ipadukot ako? Pero sino? Ano ang kailangan niya sa akin.”
“Si-sino? Si-sino ang nag- utos sa inyo? Sabihin ninyo sa akin!” nauutal kong sigaw ko sa kanila.
“Sabing manahimik ka diyan!” sigaw ulit ng lalaki kanina. Napaatras ako dahil nararamdaman kong naglalakad ito palapit sa akin. N
“Mukhang magtatagalan pa ang may kailangan sa iyo.” hinaplos nito ang lantad kong hita. Dahil nakasuot lamang ako ng dress na hanggang tuhod ko ang manggas nito. Kinikilabutan ako sa paraan ng paghaplos nito sa akin. Natatakot ako sa maaring gawin nila. Wala man lang akong kalaban-laban.
“A_ano'ng gagawin mo? Lumayo ka sa akin!” nahihintakutan kong sigaw sa lalaki
“Relax, simple lang. Papaligayahin kita ta at papaligayahin mo rin ako. Para patas tayo. Unfair naman kung si Boss lang ang makakatikim sa iyo. Kaya habang wala pa siya ako muna ang mauuna,” mala demonyong tumatawa ito. Nagpatuloy ang masaganang luha ko sa akin mga mata. Hindi ko maiwasan ang magtanong bakit nangyari sa akin ito.
“Mukhang virgin ka pa at mas lalong mukhang ang sarap mo. Ang suwerte naman ni bossing sa iyo. Fresh at bata,” wika nito sabay kagat sa aking tainga. Kahit nahihirapan akong umatras dahil sa tali ko ay nagsusumikap pa rin akong makalayo sa demonyong lalaking ito.
“Mga bastos! Lumayo ka sa akin ang baho ng hininga mo! Mga walang hiya kayo. Mga hayop! Magbabayad kayo sa batas!” sigaw ko sa kanila halos na walan na ako ng tinig dahil sa kanina pa ako sigaw ng sigaw. Narinig ko naman na nagtatawanan ang dalawang kasama nito sa aking sinabi.
“Tol, ang baho pala ng hininga mo. Bakit ba hindi ka nagsipilyo,” natatawnag saad noong isa.
“Anoʼng sabi mo? Huwag mo akong ipahiya. Kung ayaw mong masasaktan,” napaigik ako dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa aking panga.
“Itigil mo na iyan Magnus. Baka maabutan tayo ni Boss. Lagot tayo pagnagkataon,” saway nang isa sa kanila. Pero ang hayop tila wala man lang narinig.
“Huwag ka ng umangal, Ben. Panigurado akong matagal pa iyon at aminin mo. Hindi lang ako ang naglalaway sa magandang dilag na ito. Kundi pati rin ikaw ay sabik na sabik na malasahan ang masarap na ulam na ito. Tingnan mo hita pa lang iyan. Ulam na. Kaya huwag kang maingay hindi naman malalam iyan ni Boss kung walang magsasalita.”
“Bahala ka, pero pagnagkataon malalagot talaga tayo nito. Baka wala tayong makuha na pera.”
“Sige, pero pagnagsawa na si bossing sa iyo. Siguro akong puwede ibigay ka na sa amin at pagsasawaan ka muna namin bago ka namin patayin.” muling nitong hinaplos ang aking hita. Pilit naman akong nagpupumiglas.
“Pero sa ngayon gusto ko munang matikman kung gaano ka sarap ang iyong labi.” Sinabunutan nito buhok para makatingala dahil nakayuko ako at tinago ko ang aking mukha sa pagitan ng aking dalawang tuhod.
Napahiyaw ako sa sakit ng aking anit dahil sa pagkakahila nito sa aking buhok.
“Aray! Bitiwan mo ako! Mga walang hiya kayo! Mga baboy!” Ayaw kong madampian man kahit sino ang aking labi lalong- lalo na sa lalaking hayop na ito.
“Huwag ka ng magmatigas pa dahil wa_” hindi na nito natapos ang sasabihin dahil naramdamdam kong bumulagta ito sa tabi ko.
“What the hell did you do to my Lindsay?” isang malakas na sigaw ng baritonong boses ang umaalingaw sa loob ng silid.
“Bo-boss, wa-wala po akong ginawa.” nauutal na tugon ng lalaki na bumastos sa akin kanina.
“Ano'ng wala! Kitang-kita ko ang ginagawa mo! Tapos sasabihin mong wala!
You're such a great lier jerk!” muli na namang sigaw nito.
“Bossing, wala kaming kinalaman diyan. Pinigilan namin siya pero ayaw makininig,”
“Bring that bastard out side!” utos nito.
“Okay boss, Magnus. Halika na lumabas na tayo. Sabi ko naman sa iyo. Huwag mo 'yang gagawin.”
At nararamdaman ko na lang na may brasong yumayakap sa akin. Napahagulhol naman ako sa kanyang mga bisig.
“Hussh now. Don' t be scared, baby. Nandito lang ako,” ani ng lalaki. Nakaramdam naman ako ng safety sa mga bisig nito. Pero agad din ito nawala nang maalala ko na ito pala ang nagpadukot sa akin. Pero infairness ang titigas ng mga muscle nito sa braso at ang bango pa ng lalaking amoy baby.
Na curios naman ako bigla kung ano ang hitsura nito, guwapo kaya? Kasi ang ganda naman ng boses nito.
“Hay! Ewan. Tumigil ka na nga Lindsay! Itigil mo 'yang kalandian mo. Hindi dapat ganyan ang iniisip mo. Dapat ang inaatupag ay kung papaano ka makakatakas mula sa mga walang hiya na iyon,” kastigo ko sa aking isipan.
Ngunit hindi rin naman ito nagtatagal kinuha niya ang mga brasong nakayapos sa akin. Nakaramdam naman ako ng panghihinayang ng tanggalin nito ang braso nakapulupot sa akin.
“Stay here, okay? May tuturuan lang ako ng leksyon,”
As if naman makakaalis ako hindi ba nakita nito na may mga tali ang aking mga kamay at paa. At tuluyan na nitong nilisan ang aking kinaroronan dahil narinig ko ang tunog pagbukas at pagsara ng pinto. Naiwan na akong mag-isa.
.