LINDSAY
Hindi na ako nakapagpaalam ng maayos kay mama dahil sa pagmamadali ko. Tinakbo ko na ang maliit naming eskinita papuntang labasan dahil sa pagmamadali ko. Five minutes na akong late sa napag-usapan namin na group study sa bahay nila Ella.
“Grrr..kung minamalas nga naman!” palatak ko sa aking sarili. Dahil hindi pa ako makahanap ng jeep na masasakyan patungo sa bahay nila Ella. Kasalanan ʼto nang Mayor na iyon. Kung hindi lang niya ako ninakawan ng halik, eh. Hindi sana ako matulala ng halos isang araw. Hindi puwede na hindi ako maka - attend ng group study namin para sa thesis dahil ako magde-defend noon next week.
“Naku! Mayor! Sarap mong_” hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko dahil hindi ko alam ano'ng idudugtong ko pero itong maharot kong isipan nakiki gulo pa.
“Anoʼng masarap Lindsay? Masarap bang humalik?” tanong ng aking malanding isipan. Bakit ko ba iniisip ang magnanakaw na iyon. First kiss ko iyon ninakaw niya kaya big deal sa akin iyon. Pinangako ko sa aking sarili na dapat mapapangasawa ko lang ibigay ang unang halik at unang, ano ko. Basta ʼyung ano. Huwag niyo ng tanungin. Katulad kina mama at papa.
“Bhe, na saan ka na ba? Nandito na sila lahat ikaw na lang ang kulang.” chat message sa akin ni Ella na may kasama pang-pictures.
“I'm on the way, Bhe. Sabihin mo sa kanila malapit na ako.” reply ko kay Ella.
“Bhe, guess who?” sunod nitong mensahi. Napakunot naman ang noo ko.
“Alam mo na man na wala akong load lagi, Bhe. Umaasa lang ako lagi sa free data kaya useless lang iyang pinadala mong pictures.” inis kong reply. Alam kasi nito na minsan lang ako magload. Papasahan pa ako ng picture.
Nasa jeep na nako. Panay na ang chat sa akin ni Ella. Nakakahiya ako na lang ang hinihintay nila. Bakit ba kasi nakalimutan ko. Nahalikan lang ako ng Mayor na iyon. Naging makalimutin na ako.
“Hay, sabing kalimutan mo na nga iyon. Pinapaalala pa talaga. Erase! Erase! Erase! Umalis ka na Mayor sa isipan ko,” naiiling-iling kong saad.
“Ineng, ano ba ang nangyari sa iyo?” Bakit may masakit ba sa iyo?” may himig na pag-aalang tanong sa akin ng matanda na katabi ko sa jeep. Inilibot ko ang aking paningin sa ibang kasama kong pasahero. Nakatuon lahat ng paningin nila sa akin. May ilan pa na mukhang natatakot sa akin. Baka akalain ng mga ito na bago akong takas sa mental. Mabilis akong umiiling sabay sabing.
“Wala po, Manang. Nagpractice lang po ako may sinalihan kasi akong contest. Paramihan ng maraming iling,” pabulong ko pang sabi ng matanda.
“Ay, ganoon ba Ineng? Sige practice ka lang diyan. At kapag nanalo ka balatuhan mo na lang ako,” pabulong rin tugon sa akin.
“Toinks! Hiningan pa talaga ako ng balato.”
Pagkababa ko ng jeep ay kaagad akong naglakad papasok ng gate ng subdivision na kinaroroonan ng bahay nila Ella. Napatigil ako sa paglalakad nang maramdam kong may tao na sumusunod sa akin. Medyo madalim kasi ang daan kahit may mga ilaw naman ang nga poste dahil natatakpan ito ng mga puno. Ngunit paglingon ko wala naman akong nakitang tao. Nagpatuloy ako sa aking paglalakad dahil baka guni-guni ko lang iyon. Sino rin naman ang mag-abala na sundan ako. Kung hold upper wala naman itong mahihita sa akin. Fifty pesos nga lang ang pera laman ng coins purse ko, pamasahi ng jeep. Tapos maliit na johnson baby powder lang ang laman nitong bag ko.
Biglang rumaragasa ang kaba sa aking dibdib baka rapist itong sumusunod sa akin. Kukunin pa ang p********e ko o hindi kaya may multo. Kumaripas ako ng takbo dahil sa aking naiisip. Mabuti na lang at natanaw ko na sila Ella nakatayo sa kanilang gate.
“Bhe! Bhe!”, kaagad kong tawag kay Ella. Humahangos pa ako nang makalapit sa kanya.
“Oh, na paano ka, Bhe? Mukhang hinahabol ka ng multo?” natatawang tanong nito. Pawis buong mukha pati buhok ko sabog.
“Be-beh, ma-may multo na sumusunod sa akin,” nagkanda utal-utal kong saad ni Ella.
“Multo ka diyan, beh. Masyado ka lang praning kaya kung ano-ano naririnig mo. Ayusin mo itong sarili mo,” sinuklay ko ang aking mahabang buhok na sabog dahil sa pagtakbo ko. Pagkatapos hinila ako nito patungong veranda. Nariyan na ang mga kasama namin sa group study. Sina Yana, Mira pareho kong kaklase sa lahat ng subject sila. At si Justine naman ay graduating student na. Kilala ko sila si Justine member din ito sa basketball player ng campus namin. Pero ang hindi ko inaasahan nandito si Miko Saavedra ang campus crush at varsity player ng school namin.
“Oh, hindi ba nagulat ka rin, beh. Unexpected iyan,” malanding bulong sa akin Ella. Dahil bukod sa kay Mayor si Miko ay tinitilihan din ng mga kababaihan sa school namin. Dahil sa bukod na guwapo, mabait din ito pala kaibigan sa lahat. Magaan ang awra nito dahil palaging nakangiti. Hindi katulad ng magnanakaw ng halik na iyon laging salubong ang kilay.
“I-I'm so-sorry na late ako. Pasensiya na kayo at pinaghihintay ko kayo,” hinging paumanhin ko sa kanila. Nagpakilala sa akin si Justine at si Miko.
“Lindsay, right? By the way, I'm Miko Saavedra,” nakangiting lahad nito sa kanyang kamay. Grabe ang guwapo niyang tingnan. Nakakahawa ang kanyang ngiti.
“Nice to meet you, Miko,” nakangiti ko rin tingnanggap ang kanyang kamay. At napang-abot ang aming mga tingin.
“Ahem, ahem, magsimula na tayo, guys.” kaagad na binawi ko ang aking kamay dahil matagal nitong binibitawan ang kamay ko.
Halos nakadalawang oras na kaming ginagawa nangangawit na ang likod ko katutok ng laptop ni Ella. Panaka-naka akong tumingin sa bandang gawi ni Miko tahimik lang ito nakatutok sa kanya rin dala na laptop.
“Guys, let's take a break. Gumawa ako ng meryenda natin,” basag ni Ella sa katahimikan. Inilapag nito ang dala tray may laman juice at isang box ng pizza na pina-deliver ni Ella kanina.
Nauna ng kumuha si Yana at Mira ng meryenda. Kukunin ko na sana ang isang baso ng juice nagulat akong may ibang kamay na humawak sa baso na kukunin ko sana. Napatingala ako sa taong kasabayan ko. Akala ko si Ella. Laking napaawang ang labi ko nang si Miko ang nakita ko. Ilang segundo rin kaming nagkatitigan. Nang maramdaman ko ang kanyang mainit na balat ang dumantay sa aking kamay ay mabilis kong binitawan ang baso.
“Si-sige, sa iyo na lang,” nahihiyang tugon ko
“No, it's okay. Sa iyo na lang,” balik nitong sabi sa akin kaya tinanggap ko na lang.
“Lindsay, can I set beside you?” biglang sabi ni Miko. Nakapagat ako sa aking pizza dahil sa naiilang ako sa mga titig sa akin ni Miko.
“Aheem,” makahulugang tikhim ni Ella. Nang tingnan ko ito, malanding kumindat ito sa akin.
“Si-sige, Miko,” maikli kong tugon. Nanlaki ang mata ko nang pinahid nito ang kumakat na catsup sa bibig gamit ang kanyang daliri at pagtapos sinubo niya ito.
“Ayiee,” sabay na tukso nito sa amin. Kaya nagyuko ako sa aking ulo dahil sa hiya. Si Miko naman tila balewala ang tukso nila sa amin bagkus malapad itong ngumiti.
“You know, napansin na kita dati pa. But you're so aloof. Mahirap lapitan,” bahagya itong ngumiti at napakamot sa kanyang ulo na tila ba nahihiya. Lihim naman akong napangiti sa aking narinig.
“Hindi naman, Miko. Nahihiya lang kasi ako,” kiming tugon ko.
“Why? You know your so beautiful kaya wala kang dapat ikahiya,” seryosong sabi nito. Pakiramdam ko sobrang pula ng buong mukha ko sa aking narinig. Minsan lang may magsabi sa akin na maganda ako at isang Miko Saavedra pa.
“You look much prettier and cute when your blushing,” ani nito sabay pisil sa aking pisngi. Ngunit sabay kaming napalingon sa aming likuran ng may biglang tunog ng flash ng camera kaming narinig. Ngunit wala naman kaming nakitang tao. Nang tingnan ko si Miko nagkibit balikat lang ito.
Nandito pa rin kami sa Veranda kaya kita kami sa labas. Lagi na lang kasi pakiramdam ko may sumunod sa akin kahit
“Comʼ on, don't mind the sound, I'm sure pusa lang iyon,” natatawang saad nito.
“Hindi naman ako natatakot,” pagtatanggol ko sa aking sarili.
“Hmmp, wala akong sinabing ganyan.” natatawang saad nito.
Napasimangot naman ako dahil pinagtatawanan niya ako. Ngunit kalaunan na pangiti lamang ako dahil sa napaka kalog din pala nito.
"Hmmp, binobola lang mo naman yata ako,”
“Oo, naman, Bhe. Ang ganda mo kaya,” sang-ayon ni Ella. Nakinig pala ito sa usapan namin kaya wala ng nagagawa. Napakamot na lamang ako sa aking ulo.