CHAPTER 4
HINDI MAKAPANIWALA si Ara nang mabuksan ang mga paperbag na naglalaman ng mga pinamili ni Ryan para sa kaniya. Puno iyon ng iba't ibang pabango, sabon, shampoo, at personal necessities para sa kaniya . At ang mga damit, parang alam na alam ng bumili ang sukat niya, dahil saktong-sakto ang mga iyon sa kaniya.
Isa pa, lahat ng mga pinamili nitong damit ay mga klaseng gusto niyang suotin. May mga long ang short dresses na iba-iba ang design at kulay, may floral, plain, stripes at iba pa. May mga jeans, rompers, and shorts. He also bought some pairs of underwears. Nang mabulatlat ang mga iyon isa-isa, ay uminit ang kaniyang pisngi. She can not imagine Ryan buying those underwears for her.
Dahil sa mabining dapyo ng sariwang hangin sa likod-bahay ay naigupo siya ng antok sa duyan. Ni hindi niya alam kung paano siyang nakapanhik sa loob ng kuwarto niya. At pagkagising niya, tumambad sa kaniya ang mga pinamili ni Ryan para sa kaniya. Kailangan niyang makababa at nang mapasalamatan ang kabaitan ng binata. Agad siyang pumasok sa banyo at nag-shower.
TUTOK ANG ATENSYON ni Ryan sa panonood ng balita sa telebisyon nang maagaw ang atensyon niya ng babaeng pababa ng hagdan, wearing a knee-length Floral Maxi dress that he bought for her. It looks like someone kicked in his chest when he saw Ara. She looks beautiful with that simple outfit. And her face…
Dumako ang mga mata niya sa maamong mukha ng dalaga. Wala itong makeup, pero lalo lang lumutang ang kagandahan at kainosentihan ng mukha nito.
Ipinilig niya ang ulo, sabay mariing pikit ng mga mata. This isn't right. He should not entertain this kind of feeling.
Nagmulat siya nang marinig ang pagtikhim ni Ara. Nakatayo na ito sa harapan niya.
“Thank you pala sa mga gamit. Hindi ko alam kung paano ko babayaran ang mga tulong mo, pero…”
“Alagaan mo lang ang sarili mo at magpagaling. It is better if you recover the soonest.”
He can guarantee her safety. Habang nasa poder nito ang babae, ay walang makagagalaw rito. Ngunit mahihirapan sila dahil sa amnesia nito. Ni hindi nila alam kung sino ang mga gustong pumatay kay Ara. Gayunpaman he will do everything to protect her.
“ Nagiging pabigat na ba ako masyado kaya gusto mong madaliin ang pagbalik ng alaala ko? ” may lungkot sa tinig ng dalaga.
Mabilis na nag-iwas ng tingin si Ryan. Bigla siyang nabalisa sa tanong ni Ara. Masyado bang obvious ang nararamdaman niya at nahalata iyon ng dalaga? Gusto niyang mawala na ito sa poder niya dahil…
“ Huwag kang mag-alala, paggaling ko, aalis agad ako. Gagawin ko rin ang lahat para di ka masyadong maabala sa akin. Ayaw kong maging pabigat sa iyo o kahit kanino kung maaari. ”
“ That's not what I mean, Ara. Kung may alala ka na, mas maigi. Mas ligtas ka. ”
Nabahala si Ryan sa tinuran ni Arabella. He was worried that she might misunderstand his point. At may bahagi ng isip niya na ayaw sa pakiramdam na iyon. Bakit kailangan niyang mag-alala sa babaeng ito kung ano ang tingin sa kaniya?
Umigting ang ekspresyon ng binata sa sagot ni Arabella. Totoong sa kabila ng pag-ayaw niya sa presensya ng babae sa Villa ay hindi pa rin niya maikakaila sa sarili na nag-alala siya para dito. And telling him she was a burden hit him in the gut.
“ You are right. Pipilitin kong makaalala. Ayaw ko rin ng pakiramdam na… nasa panganib ako. I want to live peacefully. ” Pero hindi siya matatahimik at magiging masaya hanggang hindi bumabalik ang alaala niya.
Dahil salungat ang isip niya sa kaniyang nararamdaman, umusbong ang galit niya sa babaeng kaharap. Sino ba ang babaeng ito at ganoon na lamang ang epekto ng presensya sa kaniya? Sa loob ng ilang taon ay tahimik at wala siyang naging problema sa villa.
“ Alam kong mabuti kang tao, Ryan. At nagpapasalamat ako sa iyo. Kung di dahil sa tulong mo ay malamang pinaglalamayan na ako ngayon. O baka ang masaklap ay ni bangkay ko ay hindi na makauwi o matagpuan na pamilya ko. ” Kung may pamilya pa ba ako, dugtong ng isip niya.
“ I'm not as good as you think, Ara. You can stay here hanggang hindi bumabalik ang alaala mo. Pero may mga bagay na dapat mong tandaan. ”
“ Ano ang ibig mong sabihin? ” tanong ng dalagang biglang napakunot. Confusion was written all over her face.
“ Ang totoo ay ayaw kong ma-involve sa gulo ng ibang tao, Ara. At ang lahat ng pinakaayaw ko ay ang may babaeng kasama sa bahay. Liban kay Aling Sion, hindi welcome ang mga katulad mo sa villa, but I can make an exception to that. Dahil nangangailangan ka ng tulong. But make sure that you keep your distance from me, Arabella. Dahil hindi ako mabuting tao, na tulad ng sinabi mo. You don't know me, Ara. Behave yourself as you stay in my house. Huwag mong gawin ang mga bagay na ayaw ko. ”
Napasinghap si Ara sa biglang pagbabago ng tenor ng lalaki.
“ Keep your distance from me, Ara. Ayaw kong lumalapit ka sa akin. Wala tayong problema kung susundin mo ang mga utos ko. Pero kung gagawin mo ang mga ayaw ko, the door is wide open for you to leave. ”
His jaw clenched as he look at her straight in the eye.
Napaawang ang mga labi ni Ara. Her mind was trying to process what he just said.
“ Ang mga ayaw mo? Like what? ” Lalo siyang naguluhan sa tinuran nito. Bakit bigla ay nagbago ang ihip ng hangin? Bigla na naman itong naging aloof at masungit.
“ First, keep a distance from me. Second, do not go into my room and touch my things without my permission. Third, do not ask around about my personal life, Ara. I hate nosy people. ”
Bawat bigkas nito sa mga kataga ay madidiin, idagdag pa ang biglang pagtalim ng mga mata nitong titig na titig sa kaniya at at pagdilim ng anyo nito. Bigla siyang kinabahan sa klase ng titig nito sa kaniya. Pero hindi tulad ng kaba na naramdaman niya noong nasa gitna siya ng panganib.
Ryan was like a king ordering his subject to obey his command. Napalunok siya. Mukhang mali siya ng pagkakakilala sa lalaking ito. Pero ramdam niyang hindi siya sasaktang pisikal na tulad ng mga humahabol sa kaniya. Somehow ay nakaramdam siya ng relief.
“ Huwag kang mag-alala, Ryan. Hindi ako nangingialam ng mga bagay na di ko pag-aari. At lalong wala akong interes na alamin ang buhay ng ibang tao, ” wika niya nang makabawi.
Hindi niya nagustuhan ang dalawang huling nilahad na ayaw nito.
“ Oh, really? What made you think that? You have no memory of your past. How certain are you that you will not do such a thing? " He inquired, his voice tinged with sarcasm.
Biglang nagngitngit ang kalooban ni Ara. Nananadya ba ito? Matapos ba siyang pakitaan ng kabutihan ay iinisin siya at ano? Ano ang balak nitong mangyari?
“ I probably don’t remember anything from the past, but I haven’t lost my senses. And I have a strong feeling that I am not like the ones you mentioned. ”
Hindi maikubli ni Ara ang iritasyon sa kaniyang tinig. Oo at pinagkautangan niya ito dahil sa pagliligtas at pagpapatuloy sa kaniya sa bahay nito, pero hindi matanggap ng kalooban niya ang pang-iinsulto at pagbibintang sa kaniya.
Ryan was taken aback by Ara's response. Her sweet brown almond-shaped eyes sparked a small fire. Ryan, on the other hand, was oddly amused by Ara's reaction rather than angry.
The corner of his twitched.
Mukhang nagkamali nga siya ng pagkakakilala rito. Maaaring ito ang nagligtas sa kaniya sa bingit ng kamatayan, pero hindi sapat na basehan iyon para sabihin niyang mabuti itong tao. May mga kasamaan din yata itong itinatago sa katawan. Pero mabuti nang maaga pa ay bigyan na siya ng babala. She won't cross the line.
Matitiis naman niya siguro ang kasungitan ni Ryan. Sana lang ay bumalik agad ang kaniyang nawawalang memorya.
“ At hindi rin nawala ang utak mo siguro, hindi ba? Kaya naiintindihan mo siguro ang mga babalang sinabi ko sa iyo. Don't make reasons for me to kick you out from my house, Ara. ”
Pagkasabi noon ay mabilis nang tumalikod ang binata at lumabas ng bahay.
Napaawang ang mga labi ng dalaga. Hindi niya matagpuan ang sasabihin hanggang sa makaalis ito.
What just happened? Bakit nagbago na naman ang timpla ni Ryan? May mood swings?
“ HUWAG mong intindihin ang kasungitan ni Señorito, Ara. Balita ko may problema sa bukid. Kaya siguro mainit ang ulo. Halika na at kumain ng hapunan. Nagpasabi kasi si Señorito na sa bukid na maghahapunan. Paniguradong gagabihin na iyon ng uwi. ”
Halos mapatalon si Arabella nang magsalita si Aling Sion sa kaniyang likuran. Kung gaano na ito katagal na naroon ay hindi niya alam. Dahil sa tensyon na namagitan sa kanila ni Ryan ay hindi niya namalayang naroon pala sa likod niya ang matanda.
“ Maggagabi na ho, Aling Sion. Hindi pa siya kumakain at umalis na agad. ”
May pag-aalala ang himig ni Ara.
“ Kuh! Huwag kang mag-alala, hija. Kakain iyon sa bukid, kasama ang mga trabahante. Saka ganoon talaga si Señorito, madalas sa bukid na kumain. Umuuwi lang para matulog. ”
Napangiti ang matanda nang mapansin ang pag-aalala niya.
“ Huwag mong dibdibin ang mga sinabi ni Señorito, ha? Gustong-gusto kita, hija. Ramdam kong mabuti kang tao. Masaya nga akong nandito ka at nang hindi naman malungkot dahil sa sobrang katahimikan ng bahay. ”
“ Hindi ho ba at may ibang babaeng nakatira dito dati? Si...? ” Hinagilap niya sa isip ang pangalang nabanggit noon ni Aling Sion.
“ Si Lalie, hija, ” salo ng matandang babae.
Tumango siya at ngumiti rito.
“ Masayahin ang batang iyon. Kaso namatay ang ama niya at dahil hindi niya kaya at walang hilig sa pangangasiwa ng mga ari-arian ng yumaong ama, ibinenta na lang kay Ryan at nangibang bansa na. ”
“ Tagarito ho ba dati si Ryan? ”
“ Third, do not ask around about my personal life, Ara. I hate nosy people. ”
Nakagat niya ang bibig nang tila umalingawngaw sa pandinig niya ang huling AYAW ni Ryan.
Mahinang natawa si Aling Sion.
“ Sabi ko nga, hija, huwag mong pansinin ang mga sinabi ni Señorito. Mainit lang ang ulo siguro ngayon. Bukas, paggising mo, baka maganda na naman ang mood niya. Pero tungkol sa tanong mo, hindi siya talaga tagarito. Lumipat lang noong nabili na ang buong Villa Diogracia. ”
“ Talaga ho bang sumpungin ang amo ninyo, Aling Sion? ”
Muling tumawa ang matanda sa tanong niya. Mukhang natutuwa ito sa kuryosidad niya kay Ryan.
“ Pagdating sa mga babae, oo, hija. Masungit siya. Kaya siguro bigla-bigla ay nag-iiba ang timpla niya sa iyo. ”
Nanulis ang bibig niya. Kung ganoon ay hindi lang siya ang sinusungitan nito, kundi lahat ng kababaihan. Liban siguro kay Aling Sion at sa mga kaedad ng matandang babae. Pero bakit?
“ Kung nagtataka ka kung bakit masungit si Señorito sa mga babae ay wala akong ideya, hija. Dahil hindi siya dating tagarito kaya wala rin akong alam sa naging karanasan niyan pagdating sa mga babae. Pero masaya ako kung ikaw ang makapagpapalambot at makapagpapaamo kay Señorito, hija. ”
Nasamid sa sariling laway si Ara.
“ Kuh, bata ka. Malay natin, hindi ba? Maganda ka. Hindi ako magtataka kung magugustuhan ka ni Señorito. Isa pa, nakapuntos ka na nga sa kaniya. Dahil tinulungan at pinatuloy ka niya rito. Tingin mo ba, kung ibang babae lang, gagawin niya ang tulad ng ginawa sa iyo? ”
Lalong naubo si Arabella sa mga pinagsasabi ng matanda.
Tumawa lamang ang matanda at hinagod ang kaniyang likod.
“ Halika na nga at kumain na. Masarap ang niluto kong kare-kare, hija. Tiyak na magugustuhan mo iyon. Paborito ni Señorito iyon, kaso di man dito kakain. ”
Hanggang sa maakay siya ni Aling Sion sa dining room ay hindi siya makapagsalita. Ramdam niya ang pag-iinit ng kaniyang mga pisngi dahil sa mga birong binitiwan ng matandang babae.
“ Bukas tuturuan kitang magluto ng mga paboritong pagkain ni Señorito, hija. May mga pagkakataon kasing umuuwi ako sa kabilang probinsya para dalawin ang anak at mga apo ko. Mabuti nang may mag-aasikaso kay Señorito kapag wala ako. ”
“ First, keep a distance from me.”
Muling umalingawngaw ang mariing utos ni Ryan sa pandinig niya. Ipinilig niya ang ulo. Sinusubukan niyang kalmahin ang sarili.