“She has a Post-Traumatic Amnesia, Ryan.”
Matamang nakikinig ang binata sa eksplinasyon ni Dra. Tamayo matapos ang masusing pag-eksamin kay Ara. Nasa verandah sila ng doktora, kaharap ang meryendang inihain ni Manang Sion. “At liban sa bruises, scrapes, abrasions, and scratches ay wala na siyang ibang pinsala. Hindi rin siya biktima ng r**e tulad ng unang hinala mo.”
“Gaano katagal bago bumalik ang alaala niya, Ynah?”
Nagpakawala siya ng malalim na hininga. Somewhat, he felt the relief. She was not violated.
Dra. Ynah Tamayo, isang matalik na kaibigan niya ito since college years. Kaya ito ang nilapitan niya para masigurong mananatiling sekreto ang nangyari kay Ara. Hanggang hindi pa wala pa itong naaalala sa nakaraan, mas maiging protektahan muna niya ang babae.
“I can not tell. Pero maaaring babalik agad o matatagalan. Pero may posibilidad din na hindi na babalik kailanman.”
His jaw tightens. Kunot-noo itong bumaling sa dereksyon ng babaeng nasa hardin. Nagdidilig ito ng halaman gamit ang hose. “Alam mo kung bakit ikaw ang tinawagan ko para tumingin sa kaniya, Ynah.” His voice was serious. Nakatuon pa rin ang mga mata niya kay Ara na tila batang gustong maglaro ng tubig.
“You have nothing to worry, Ryan. Hindi ka nagkamali ng tinawagan. At isa akong Neurologist. It's my duty to help patients like Ara.”
Napanatag ang binata sa assurance ng kaibigan. “Thanks, Ynah.”
Ngumiti ang doktora, “Don’t mention it.” Sinundan nito ang hinayon ng kaniyang mga mata. “She’s beautiful, Ryan. Pero…” muli siya nitong tiningnan, waring nananantiya, “alam na na ito ni Lalie?”
Agad na nagdilim ang anyo ng binata. Umigting ang panga at inalis ang atensyon mula kay Ara. “She doesn't have to know, Ynah.”
Tumango-tango ito. “You are a man of his word, Ryan. Pero sana hindi dumating ang panahon na pahihirapan ka ng pangako mo. You're a good friend of mine. You're a brother to me, Ryan. Masasaktan ako kapag dumating ang panahon na iyan.”
Seryoso siyang tumitig kay Ynah. “You worry too much, Doktora. Nagtutunog girlfriend na kita.”
Malakas na tumawa ang babae at tinampal siya sa braso.
“Dream, Ryan. I like someone else.”
NATIGIL sa pagdidilig ng halaman si Ara nang marinig ang malakas na tawanan. Napatingala siya sa terasa at nakita ang dalawang taong masayang nag-uusap.
Maganda si Dra. Ynah, matangkad ito at maganda ang hubog ng katawan, maputi at makinis ang babae. Hindi siya magtataka kung girlfriend ito ni Ryan. Bagay na bagay sila.
Nang biglang lumipat ang atensyon ng lalaki sa kaniyang direksiyon ay agad niyang ibinalik ang atensyon sa mga halaman. Sa pagkataranta’y namali siya ng hawak sa hose at nabasa siya.
Napapailing niyang inilapag ang hose sa carpet grass at pinunasan ang damit gamit ang kamay. Puti pa man din kaya kitang-kita ang balat niyang bumakat sa basang blusa. Magpapalit na laman siya pagkatapos magdilig. Muli niyang dinampot ang hose at ipinagpatuloy ang ginagawa.
Mayamaya pa’y nakarinig siya ng ugong ng sasakyang palayo. Muli siyang lumingon sa terasa. Wala na roon ang dalawa. Baka umuwi na ang doktora, naisip niya.
“Sinong nagsabi sa iyong magdilig ka ng mga halaman?”
Halos mapatalon siya sa gulat nang biglang sumulpot sa tabi niya si Ryan.
“A-ako. Wala naman akong magawa kaya—”
“Hindi mo kailangang magtrabaho rito. Kung gusto mong makatulong, huwag mong abusuhin ang sarili mo. Hindi ka pa magaling at nagkikilos ka na rito sa bahay.” Matigas ang anyo nito pero sa tinig, kung di siya magkamali ay nag-aalala ito. Gusto niya itong pasalamatan, kung di lang nagsalitang muli.
“Huwag mong dagdagan ang iniisip ko, Ara. Tinulungan kita pero hindi ibig sabihin no’n hahayaan kitang perwisyuhin ako. I have a lot of things to do, don't add to my obligations.”
Para siyang nasampal sa sinabi nito. Napayuko siya.
“I’m sorry. Gusto ko lang tumulong kay Manang.”
“You're drenched.” Kung di lamang siya nakayuko ay nakita sana niya ang pag-igting ng panga nito at pagdilim lalo ng anyo nang suyurin siya ng tingin at pagtuunan ng atensyon ang namakat na dibdib. “Go upstairs and change, Ara. Don't wear Lalie’s clothes again.”
Pagkasabi no’n ay mabilis na itong tumalikod at umalis.
Nayakap niya ang sarili nang maramdaman ang lamig ng ihip ng hanging nanuot sa kaniyang balat. Hindi niya alam kung sa galit na reaksyon ni Ryan o dahil sa lamig ng hangin kaya siya nanginig. Patakbo soyang pumanhik sa bahay at tinungo ang inuukopang silid.
Iniisip niya kung anong damit ang pamalit niya. Parang nagi-echo pa sa pandinig niya ang tinuran ng binata kanina—“Don’t wear Lalie’s clothes again”. At ano’ng isusuot niya ngayon? Napabuntunghininga siya. Puwede siguro siyang humiram kay Manang Sion ng mga daster nito. Kahit na alam naman niyang maluwag iyon sa kaniya dahil may katabaan ang matanda at maliit ito.
Bababain na sana niya si Manang Sion nang masalubong niya ito sa may hagdanan. May dala itong natiklop na damit.
“Manang, h-hihiram po sana ako ng daster ninyo.”
Ngumiti ang matanda at iniabot sa kaniya ang dalang isang pares ng damit. “Sasadyain nga sana kita sa kuwarto mo para ibigay ito.”
Kunot-noong tinitigan lamang niya ang dala. Puting T-shirt at Khaki pants. Damit panglalaki?
“Damit ni Señor. Ibigay ko raw sa iyo para pamalit,” turan nito. “Hala, kunin mo na at nang mapalitan na iyang basa mong suot. Baka magkasakit ka at pagalitan pa ako ni Señor.”
Nahihiyang inabot niya ang damit at nagpasalamat.
“Nasaan po si Ryan?”
Narinig niya kanina ang sasakyang umalis nang papanhik siya sa silid.
“Naku, umalis. Ewan ba’t biglaan ang punta sa bayan. Akala ko sa palayan ang ruta niya ngayon, base sa sinabi kahapon. Titingnan daw kung puwede nang magpagapas. Pero hayun at sa bayan naman pumunta.”
“Ganoon ho ba.”
Tumango ang matanda. “Bakit, may kailangan ka ba, hija? Sa akin mo na sabihin kapag may kailangan ka at baka gabihin iyon. Di ko nga alam kung sinundan ba si Doktora o may sariling sadya sa bayan.”
Mabilis siyang umiling, “Wala po, manang.”
“Oh siya, bababa na ako sa kusina. Sumunod ka na lang pakatapos mo’t mag-almusal ka na, ha?”
“Oho. Salamat po.”
Bumalik na siya sa silid nang tumalikod at bumaba ang matanda. Inilatag ang T-Shirt at Short sa kama. Napangiwi siya. Maluwag ang short at malaki ang T-Shirt. Pero wala siyang pagpipilian. Napaisip siya. Mahaba naman ang T-Shirt. Para ngang maiksing bestida lang kapag isuot niya. Mahuhulog din lang ang short kapag isuot pa niya.
Mabilis siyang nagpalit at nag-ayos sa sarili. Itinali niya ang buhok sa Messy bun style at mabilis na pumanaog sa kusina.
Napalingon agad sa kaniya si Manang Sion nang pumasok siya at dumampot ng baso’t nagsalin agad ng mainit na tubig mula sa termos.
“Naku, kay gandang dalaga talaga itong bisita namin.” Nakangiting lumapit ang matanda at pinagbuksan siya ng kape, coffee mate at asukal na nakalagay sa mga garapong nasa counter.
Nahihiya siyang tumingin rito. “Hindi ko po masuot ang short ni Ryan, manang. Masyado pong maluwag.”
“Kuh e, hayaan mo na. Mahaba naman iyang Damit. Mukha ngang bestida na. Saka maganda naman ang hubog ng mga binti mo, hija. Kung di lang dahil sa ilang sariwa pang pasa at galos, ikaw pa lang ang babaeng nakita ko sa personal na biniyayaan ng magagandang binti. Aba’y parang mga binti ng mga napapanood ko sa TV, ’yong mga lumalaban sa Miss Universe.”
Napangiti siya sa papuri ng matanda. “Naku, ’di naman ho, manang.”
“Kumakain ka ba ng sinangag, hija? Nagsangag kasi ako ng kanin. Nagprito ng tinapa at naglaga ng talbos ng kamote na may kamatis at bagoong.”
Napakunot-noo siya. Hindi niya alam ang mga pagkaing sinabi nito. Pero nang idulog na nito sa hapag ang mga binanggit ay kumalam agad ang sikmura niya. Mukhang masarap ang mga pagkaing iyon.
Tuwang-tuwa naman si Sion habang pinapanood ang dalaga. Hindi pala ito mapili sa pagkain na tulad ng kaniuang Señor. Naalala niya si Lalie. Kailanman ay hindi iyon kumain ng mga pagkaing tulad ng inihain niya ngayon sa almusal.
Alas tres ng hapon nang lumabas si Ara para magpahangin sa likod-bahay. May nakita siyang duyan sa silong ng punong mangga kaya’t naengganyo siyang tumambay doon. Masakit sa balat ang init ng araw pero dahil malago ang dahon ng puno ay hindi niya ramdam iyon. Napapikit siya nang umihip ang hangin. Malamig sa silong ng mangga at masarap sa pakiramdam. Parang gumagaan ang pakiramdam niya roon kaya’t di na muna siya bumalik sa loob ng mansyon.
Mayamaya’y nakaramdam siya ng antok. Ilang pag-ugoy pa sa duyan ang ginawa niya hanggang sa tuluyan na siyang makatulog.
“Darating ang abogado ngayon. Huwag mong sabihing hindi mo haharapin?”
“Wala akong balak harapin si Attorney. Tutal kayo ang may gusto, e ’di kayo ang humarap.” Mabilis niyang isinuot ang pumps at nagmartsa palabas ng bahay. Pero hinablot siya sa braso.
“Saan ka pupunta, huh? Makikipagkita ka na nama sa kabit mo?”
Nasasaktan siya sa mahigpit na pagkakahawak nito sa kaniyang braso.
“Listen carefully, Bella. Hindi ka maaaring lumabas hangga’t hindi ko sinasabi. At sa ayaw at sa gusto mo, harapin mo ngayon si Attorney!”
Nanlaban siya at pilit na hinihiklas ang malabakal na kamay na humahawak sa kaniya pero nabigo siya. He was too strong.
MAG-A-ALAS tres na ng hapon nang dumating si Ryan. Idineretso niya sa silid ni Ara ang mga dala-dalang shopping bag. Namili siya ng mga gamit nito. Tingin niya’y sakto lahat dito ang mga damit na pinamili niya. Bumili pa siya ng ibang gamit pambabae tulad ng lotion, face cream, shampoo, pabango at iba pa. Agad din siyang bumaba nang di makita roon ang dalaga.
“Si Ara po, Manang?” tanong niya nang makasalubong ang matanda sa salas.
“Ay baka ho nasa likod-bahay, Señor.”
“May mga pinamili po ako, Manang. Paki-tingnan na lang po sa kusina.”
Mabilis na siyang tumalikod at tinungo ang likod-bahay.
Napamura ang binata nang madatnan si Ara na nakatulog sa duyan at nasisirayan ng araw ang mukha. Pawisan ito at pabiling-biling ang ulo. Umuungol ito at may mga luhang nanunungaw sa gilid ng mga matang nakapikit.
Ang suot nitong T-Shirt ay nalilis na hanggang baywang. Kitang-kita na ang kakarampot nitong panloob . Saglit siyang napatanga nang makita ang maliit at kulay itim saplot. The Hell! Mabilis siyang nag-iwas ng tingin nang mahimasmasan. What if napadpad doon si Mang Peping at makita nang ganito si Ara? s**t NO! Umigting ang bagang na inayos niya ang damit ng dalaga. Ngunit mahigpit siya nitong hinawakan sa braso na animo namimilipit sa sakit. Nakapikit pa rin ito at tagatak ang pawis sa mukha at leeg.
Binabangungot ba ito? Sa naisip ay nag-alala si Ryan. Gamit ang palad ay pinunasan niya ang pawisan nitong noo at mahinang tinawag.
“Ara, Ara, wake up.”
Ngunit nanatiling pabiling-biling ang ulo nito at lalong humigpit ang pagkakahawak sa kamay niya.
“What’s wrong? May masakit ba sa iyo?” Hinaplos niya nang marahan ang mukha nito at leeg.
“Ara, please wake up now, baby. I’m already here.”
Umungol ito. Hinaplos-haplos niya ang mukha nito hanggang sa unti-unting kumalma. Parang walang nangyari at tuloy-tuloy na ang himbing nitong tulog.
Napabuga siya ng hangin at napatingala sa malalagong dahon ng mangga.
“What's happening to him?”
Maliban kina Ynah at Lalaine, wala na siyang ibang babaeng gustong alalahanin pa. Pero biglang lumitaw ang babaeng ito at… at pakiramdam niya, may responsibilidad siyang dapat gampanan dito.
Hindi na dapat siyang nakialam sa gulo ng buhay nito. Puwede naman niya itong ipaalam sa pulisya at iwan doon ang babae, pero bakit di niya kaya?
Isang babae lang ang naging mahalaga sa kaniya. Pero nasaktan niya ito. Gusto niyang parusahan ang sarili dahil sa pagkawala nito sa kaniya. Hindi niya deserve ang maging masaya, kaya heto siya — nagpakalayu-layo sa pamilya.
Ngunit heto rin si Ara — nangangailangan ng tulong, proteksiyon, alaga, at malasakit niya. Damn. He want to live alone. Pero hindi na iyon matutupad dahil kay Arabella.
Igting ang pangang, inayos niya ang nalilis nitong damit at binuhat. Ni hindi ito nagising nang buhatin niya at ipanhik sa silid at ihiga sa kama. Kinumutan niya ito at umupo sa kama.
Isinindi niya ang aircon at ilang minutong umupo sa tabi nito at minasdan ang maamo nitong mukha. She looks exhausted. Mahigpit siyang napakuyom ng palad. Balang-araw, pagsisisihan ng mga nanakit kay Ara ang bawat minuto ng buhay nila sa lupa. He swear to God, they will pay a hard price for what they did to her.
Pagkuwa’y dinukot niya ang cellphone at dinayal ang number ni Ynah. Nang sumagot ang dalaga sa kabilang linya’y saka pa lamang siya lumabas ng kuwarto.