CHAPTER 5

2082 Words
CHAPTER 5 DAGAT TULOG pa ang lahat ng tao sa villa ay gising na si Arabella. Ilang linggo na rin siya sa Villa Diogracias. Kahit paano ay nasanay na siya sa lugar. Kahapon ay sinamahan niyang mamalengke sa bayan si Aling Sion. Maghapon silang namili ng mga kailangan sa bahay. Hinawi niya ang kurtinang tumatabing sa malaking salaming bintana at nanungaw sa labas. Sumalubong sa kaniya ang presko at malamig na simoy ng pang-umagang hangin nang mabuksan ang bintana. Napangiti siya nang masilayan sa dakong silanganan ang pagputok ng araw. Malapit nang magliwanag ang paligid. Sumagap siya ng sariwang hangin. It's refreshing. Naakit siya sa simoy ng hangin at naisip niyang magandang mag-jogging sa labas sa mga oras na iyon. Mabilis siyang naghalungkat ng mga damit sa malaking aparador para suotin sa pagtakbo. Mabuti na lamang at may binili na tracksuits si Ryan. Pinili niya ang kulay abuhing tracksuit at mabilis na nagpalit. Ipinusod niya ang mahabang buhok at kumuha ng Good Morning towel sa drawer at lumabas na ng silid. Pababa na sana siya ng hagdan nang may marinig na ungol. Napakunot-noo siya nang lingunin ang pinanggalingan ng ingay. Nagmumula iyon sa silid ni Ryan. Dala ng kuryosidad ay humakbang siya patungo sa silid ng binata. Hindi nakapinid nang husto ang pinto kaya naman sumilip siya sa siwang. Nakita niyang nasa kama pa ang binata, tulog na tulog. Malamang ay napagod ito kagabi. Sabi nga sa kaniya ni Aling Sion ay may inasikasong problema si Ryan sa bukid. Maingat niyang ipininid nang maigi ang pinto at umatras na. Mabilis na siyang bumaba ng hagdan. Nagulat siya nang pagbukas ng main door ay makita si Mang Peping. May hawak itong tasa ng kape at mukhang hinihintay din ang pagsikat ng araw. “ Magandang umaga ho, Mang Peping, ” bati niya rito. “ Magandang umaga rin sa iyo, hija. Maaga ka yatang nagising? ” takang tanong ng matanda. Alas siete kasi ng umaga kapag bumababa siya. At ngayon ay alas cinco y media pa lamang ng umaga. “ Opo. Magdiya-jogging ho kasi ako. ” “ Ganoon ba, hija? Maganda sa kalusugan ang mag-ehersisyo sa umaga. Malapit lang dito ang aplaya, hija. Magandang tumakbo sa dalampasigan at hintayin ang pagsikat ng araw doon, ” suhestiyon ni Mang Peping. Napukaw ang kuryosidad niya sa lugar. Walang nakabanggit sa kaniya na malapit lang ang dagat sa villa kaya naman ganoon na lamang ang tuwa niya sa suhestiyon ng matandang lalaki. “ Saan ho ang daan papunta sa aplaya? ” excited niyang tanong. “ Madali lang, hja. Baybayin mo lang ang daan sa likod ng mansion at kumanan ka. May hagdanan doon, hija. Bumaba ka at deretsuhin ang daan. Sa dulo noon ay ang amplaya. ” Pagkatapos magpasalamat kay Mang Peping ay tuluyan nang lumabas ng bahay. Sinalubong siya ng malamig na hangin. Patakbong tumuloy sa likod ng mansion si Ara para hindi masyadong ginawin. Tila ba nabuhay ang mga himaymay niya nang marating ang hagdanang lupa na tinutukoy ni Mang Peping. Nang makababa ay tinakbo niya ang daang tinukoy ng matanda. Marahil ay kinse o biente minutos din ang itinagal bago niya marinig ang hampas ng mga alon sa dagat. Sa sobrang pananabik na makita ang dagat at lalo pa niyang binilisan ang takbo. Hanggang sa tuluyang masilayan ang malawak na tubig-alat. Nang marating ang dagat ay agad siyang luminga-linga sa paligid. Dahil sa mahaba-habang pagtakbo ay pawisan na siya nang makarating doon. Nang masigurong wala pang tao sa paligid ay mabilis siyang naghubad ng tracksuits at inilapag ang mga iyon sa buhanginan. Nanghihinayang siya at hindi nakapagdala ng damit panligo at tuwalya. Dala na rin sa kaniyang matinding excitement ay hindi na niya naisipang pumanhik muli sa silid at magsuot ng panligo. Sa susunod na pagpunta niya rito ay sisiguraduhin niyang magdadala siya ng tuwalya at bathing suit. Ngunit sa ngayon ay ang dalawang maliit na saplot-panloob muna ang susuotin niya, tutal ay wala pa namang tao sa paligid. Walang makakakita sa kaniya. Nagtatayugang mga puno at walang kabahayan sa paligid, kaya imposibleng may taong mapadpad roon. Mabilis siyang tumakbo sa tubig nang makapaghubad ng tracksuits. Hindi niya ininda ang ginaw ng tubig. Parang ang gaan-gaan ng pakiramdam niya sa mga sandaling iyon. Panandaliang pagkalimot sa kaniyang sitwasyon ang hatid ng malamig na tubig-alat kaniyang diwa. Para siyang batang aliw na aliw sa paglangoy. Labis siyang namangha sa linaw ng tubig. Naaaninag pa niya ang buhangin sa ilalim ng tubig. Matagal din siyang lumangoy, walang kapaguran siyang nagtampisaw sa tubig-alat. At nang tingin niya ay kalat na ang liwanag sa paligid ay mabilis siyang umahon. Baka kung may makakita pa sa kaniyang suot lang ay ang maliliit niyang panloob na saplot, sa halip na bikini. Ngunit ganoon na lamang ang gulat niya nang mamataan si Ryan. Nakaupo ito sa buhanginan, katabi ng mga gamit niya. “ H-Hi! Good morning, ” alanganin niyang bati. Nagdadalawang isip siya kung tuluyan itong aahon mula sa tubig at kunin ang gamit niya o mananatili sa ilalim upang ikubli ang halos hubad niya nang katawan. “ What is good in the morning, Ara? Dahil ba halos hubad ka na diyan sa tubig kaya maganda ang araw? ” puno ng sarkasmong tanong ng binata. Ang mga mata nito ay nanunuring sinuyod ang kabuuan niya. Nag-init ang mukha niya. Napalunok siya sa sobrang hiya. Hindi niya akalaing pupunta roon si Ryan nang ganoon kaaga. At ang malas niya para abutan ng lalaki sa ganoong sitwasyon. Ang kaninang saya na nararamdaman ay biglang napalitan ng tensiyon. Hindi niya matagpuan ang dila sa mga sandaling iyon. She could not even utter a single word at that moment. Ramdam niya ang pag-iinit ng mukha niya, at batid niyang namumula siya sa mga oras na iyon. Pinagsalikop niya ang dalawang braso sa dibdib upang itagong maigi sa lalaki ang hantad niyang kayamanan. Ryan smirked. “ Ngayon nahihiya ka? Pero nang tumalon ka diyan sa tubig hindi mo naisip na maaaring may ibang taong nakakakita sa katawan mo? Hindi ito ciudad, Ara. Ang mga tao rito ay hindi tulad ng taga-ciudad. Marami pa rin konserbatibo dito sa probinsya at hindi maiintindihan ang mindset ng mga babaeng inilalatag ang katawan. ” Pagkasabi noon ay mabilis itong tumayo at tumalikod. “ Umahon ka na diyan at magbihis. Mayamaya lamang ay may mga trabahante nang dadaan dito. ” Mabilis siyang tumalima nang makatalikod ito. Panaka-naka siyang tumitingin sa binata habang sinusuot ang damit. Tumikhim siya nang matspos, hudyat na puwede nsng humarap si Ryan. Sa kabilang panig ay nagpupuyos sa galit si Ryan. Ang aga-aga para masira ang araw niya. Nagising siyang naiinis kay Arabella, pero mas nagagalit siya sa kaniyang sarili. Ayaw niya ang pagbabagong nagaganap sa kaniya, higit sa damdamin niya. It's as though he's still holding Ara's skin in his hands. The aroma of her perfume still lingered in his nostrils this morning, making him crave her even more. He woke up with a severe headache because of it first thing in the morning. Nagagalit siya dahil sa panaginip na iyon. Lihim niyang minumura ang sarili. Ganoon na ba siya kasabik sa s*x at pati panaginip ay tinutukso siya. At sa lahat ng mapapanaginipan niyang babaeng kaniig ay si Arabella pa. It infuriates him. At sa pagpunta niya rito sa dagat ay maaabutan pang halis hubad na ang dalaga. Lalo siyang nanggalaiti sa inis kay Ara. He cannot believe that even in his dream, this woman teases him. She is f*****g his mind, and he hates it so much! Gusto niyang lapitan ito at... “ Oh f**k! ” He hissed. Nakita ni Ryan ang pangangatal ng katawan ni Ara. Malamig ang hangin at parang nanunuot na yelo sa kaniyang buto't laman. Mariin siyang napapikit at lakas-loob na ipinulupot ang kaniyang mga braso sa nanginginig na katawan ng dalaga. Iginiya niya si Ara malapit sa apoy para makadama ng ginhawa ang dalaga sa init niyon. Ngunit pumihit ito paharap sa kaniya at walang babalang inilapat ang mga labi nito sa kaniyang mga labi. “ Ryan... ” anas ng dalaga nang matapos ang halik at pinakatitigan siya sa mga mata. Her eyes were both innocent and provocative at the same time. Tila ba hinihila siya nito para paglakbayin ang mga kamay niya sa mahubog nitong katawan. Hindi siya nakapagpigil pa sa mga sumunod na sandali. Hinawakan at hinila niya ito sa batok at marahas na inangkin ang namumulang mga labi. Napasinghap ito nang isilid niya ang dila sa loob ng bibig nito. Something between his thighs started hurting and itching as she responded to his tongue slipping into her mouth. Ang mga daliri nito ay nangunyapit sa kaniyang damit at lumiyad. His other hand caressed her face before slipping down to her neck and breasts, kneading her mounds, and slipping down between her legs. As he stroked her silken wetness, she let out an audible gasp. Lalong nag-init ang pakiramdam niya nang umungol ito. He laid her down on the sand and she did not care. She wrapped her arms around him and urged him to kiss her deeply. Napaungol siya nang malakas. Ramdam niya ang kahandaan niyang hindi na makapaghintay para makawala sa loob ng kaniyang pantalon. “ Oh f**k! ” Napamura siya nang mahina. “ Oh Ryan... ” she whimpered, bucking her hips to meet his fingers slid in and out of her smooth feminine folds. Muli niyang inangkin ang mga labi nitong nakaawang. Napaungol siya nang malakas nang ipasok ni Ara ang kamay sa loob ng kaniyang polo shirt at damhin ng mga palad ang kaniyang malapad at matigas na dibdib. It ignites his uncontrollable desire. Hindi na siya makapaghintay pa ng ilang segundo para angkinin ito. Mabilis niyang inalis ang kasuotan ng dalaga at isinunod ang kaniya. Inihagis na lamang niya ang mga iyon sa kung saan-saan. May pagmamadali siyang pumaibabaw kay Ara. Napamura siya ng malakas nang hawakan ng dalaga ang nangangalit niyang p*********i. Damang-dama niya ang init ng palad nito sa kaniyang kahandaan. Her face looked puzzled as she held his shaft in her hand. Nang tangkain niyang pagbigyan ang sarili kay Ara ay saka naman naudlot nang may marinig ang langitngit ng isinarang pinto. Napamura siya ng ilang beses nang hawakan ang nananakit na katigasan sa loob ng kaniyang pantalon. It was a dream! Napabuga siya ng marahas na hininga. Mabibigat ang kaniyang paghinga. Parang totoo. Pakiramdam niya ay totoo ang lahat ng nangyari sa panaginip niya. Patunay ang kaniyang alagang masakit at tila ba may lagnat. He cursed. Pinagpapawisan siya nang malapot. Putang-ina! Napasabunot siya sa kaniyang buhok. Bakit kailangang managinip siya ng ganoong kalaswa? At kay Ara pa talaga niya ginawa iyon sa panaginip niya. Inalog niya ang sarili. Something inside him is turning into a monster he doesn't want to be. He brushed his fingers through his hair. Ngayon ay masakit ang ulo niya. Lumabas siya sa silid na busangot ang mukha at hindi pinansin ang pagbati ng magandang umaga ni Mang Peping. Pero nang ipaalam nitong lumabas si Ara ay mabilis niya itong sinundan. Para lang abutan ito sa ganoong ayos. Muli na naman siyang nagmura sa isip. Pinagloloko ba siya ng langit? Bakit para siyang sinusubukan ng tadhana? Nilalayuan niya ang mga babae pero lalaki pa rin siya. Hindi maitatago ang reaksyon sa katawan. And his jeans can prove that. His erection was still hard and it bothers him. “ Baliw ka ba? Ano ang pumasok sa utak mo at mag-isang pumunta rito. And worst, naligo kang bra at panty lang ang suot? ” Napatiim-bagang si Ryan. Hindi niya makuhang lingunin si Ara. Baka mawalan siya ng kontrol at makagawa ng kasalanan. Ngunit hindi siya nito sinasagot. Mabuti na rin at baka lalo siyang matukso. Nalaman niya kahapong may itinatago rin itong apoy at katalasan ng dila. Siguradong sasahot na naman ito ng ayaw niya. Mabuti nang hindi ito iimik, tanda na inaamin nito ang pagkakamali. Ngunit nang ilang minuto pa at wala siyang marinig na kaluskos at sagot ay napilitan na siyang balingan ang dalaga. Ngunit wala na siyang Arabella na nakita. “ Damn you woman! ” malakas niyang mura nsng matantong wala na si Arabella roon. Natanawan na lamang niya ang likod nito, tumatakbong pabalik sa mansion. “ You made me stupid! f**k you, Ara! ” Napasipa siya sa buhangin. Nagpupuyos ang kalooban sa galit. Dahil ayaw humupa ang igting at init na nararamdaman, dala ng galit at makamundong nararamdaman ay gigil siyang naghubad ng kasuotan at mabilis na lumundag sa tubig. He is hoping that the coldness of the water will cool him down.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD