bc

His Secluded Heart

book_age16+
2.7K
FOLLOW
6.8K
READ
arrogant
boss
drama
sweet
bold
icy
expert
female lead
male lead
realistic earth
like
intro-logo
Blurb

HINDI niya kilala ang sarili at hindi niya alam kung saan siya nagmula. Basta ang alam niya ay kailangan niyang tumakas at makalayo sa grupo ng kalalakihang gustong pumatay sa kaniya. Sa bunton ng mga dayami sa isang truck siya nagkubli. Hindi siya lumabas doon hanggang sa umusad ang sasakyan. Nakatulog siya sa mahabang biyahe at pagkagising niya, mukha ng isang hindi kilalang lalaki ang nabuglawan. Salubong man ang mga kilay nito at magaspang ang pananalita,

guwapo ito at may matipunong pangangatawan. At hindi niya maikakailang may paghanga na agad na sumibol sa puso niya.

Pero ang mahulog ang loob dito'y mas malaking panganib kaysa sa buhay na kaniyang tinakasan.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
RAMDAM niya ang sobrang hapo at p*******t ng kaniyang mga binti pero hindi siya tumigil sa pagtakbo. Kailangan niyang makalayo. Kailangan niyang makatakas sa grupo ng mga lalaking humahabol sa kaniya. Namimintig ang ulo niya, kumikirot pero hindi siya puwedeng tumigil. Walang ibang mahalaga ngayon sa kaniya kundi ang buhay niya, ang kaligtasan niya. A group of armed men want to kill her at hindi niya alam kung bakit. Paggising niya kanina, mga mukha ng mga armadong kalalakihan at pawang nakasuot ng itim at bonets ang nakita niya. Nakakulong siya sa isang maliit na silid at may sugat sa ulo at walang maalala. Hindi niya maalala kung paano siya nagkaroon ng sugat sa ulo. At nakapagtatakang wala siyang maalala kung sino siya, anong pangalan niya at paano siya napunta sa lugar na iyon. Amoy ng dugo ang bumati sa kaniya. Gusot-gusot ang suot niyang puting dress na namantyahan ng natuyong dugo. Who is she and where she from? Why they want her dead? Habang tinatahak ang masukal na kakahuyan ay dagsa ang mga katanungan sa isip niya pero wala siyang panahon para mabigyan ng sagot ang mga iyon. "Magsikalat kayo! Hanapin ninyo ang babae!" Malakas na utos ng isang lalaki ang nagpakaba sa kaniya nang husto. Malapit lang ang pinagmulan ng sigaw. Parang maubusan na siya ng hininga dahil sa sobrang lakas ng tahip ng dibdib niya. Tumakbo siya nang tumakbo hanggang sa makalabas ng kakahuyan. Maalikabok na rough road ang bumungad sa kaniya. Dalangin niyang sana ay may sasakyang dadaan para hingan niya ng tulong pero sadyang mailap ang kapalaran sa kaniya dahil may isa ngang napadaan pero hindi man lang siya hinintuan. Sa takot na baka maabutan siya ng mga armadong grupo ay tinakbo niya ang kahabaan ng mabatong kalsada. Ayaw niyang sumuko pero hindi nakikiayon ang katawan niya. Her lungs was lacking of air dahil sa ilang oras nang pagtakbo. Hindi na niya kaya pang humakbang. Pagod na pagod na siya. Impit siyang umiyak. Batid niyang nakasunod pa rin ang mga humahabol sa kaniya. "God, help me. Ayaw ko pang mamatay," usal niya. Ayaw niyang mamatay nang hindi nabibigyang kasagutan ang mga tanong sa isip niya. Ayaw niyang isuko ang buhay nang hindi niya kilala ang sarili niya at pagkatao niya. Nagpunas siya ng luha at napakurap-kurap nang matanawan ang isang sasakyang nakaparada sa 'di kalayuan. Nabuhayan siya ng pag-asa. Hindi siya puwedeng sumuko. Kailangan niyang takbuhin ang sasakyang yaon. She will be safe now. Probably she will. She was running for her life. Wala siyang sinayang na minuto, gamit ang natitirang lakas ay tinakbo niya ang distansya sa nakahimpil na sasakyan. Pero muling gumuho ang pag-asa niya nang matantong walang tao roon. Wala ang driver. "Hanapin ninyo!" Dinig niya ang pagmamando mula sa di kalayuan. They are coming after her. Ayaw talaga siyang tantanan hanggang hindi siya nahahanap at napapatay. Mabilis siyang sumampa mula sa likod ng jeep na puno ng dayami. Tinabunan niya ang sarili sa mga tumpok ng dayami para hindi siya makita ng mga humahabol sa kaniya. Tiniis niya ang init at pawis hanggang sa igupo siya ng matinding pagod at antok. She fell asleep at hindi namalayang umuusad na ang sasakyan at wala na ang grupong humahabol sa kaniya. Isang marahas na tapik sa pisngi ang gumising sa kaniya. Agad siyang bumalikwas at inihanda ang pagtili pero nilamon lamang ng magaspang na palad ang sigaw niya. "Who are you and what are you doing here?" Matigas at seryosong ang tinig ng lalaking pangahas na tumakip sa bibig niya pero ramdam niyang hindi ito masamang tao. Natuon ang pansin niya sa mga mata nitong galit. Gusto niyang haplusin ang nakakunot nitong noo para lumambot ang ekpresyon ng lalaki pero baka lalo lamang itong magalit. Pero nang maalala ang sitwasyon niya'y bigla siyang kinabahan. Hindi kaya isa ito sa mga..! Nanlalaki ang mga matang tinitigan ito. "Pipi ka ba o bingi?!" Gusto niya itong sagutin pero paano kung nakatakip naman ang palad nito sa bibig niya? Inis niyang tinampal ang kamay nito. Gumalaw ang panga nito tanda ng pagkairita pero binitiwan din siya. Malamang ay natanto nitong dahilan kaya siya naging pipi. “Hindi ako pipi at di rin bingi, Mister. Pero may mga humahabol sa akin. Nasaan na sila?” “May mga tao ka palang tinatakbuhan pero hahanapin mo? Okay ka lang ba, Miss? Sana'y nagpahuli ka para di mo sila sa akin hanapin.” sarkastikong ani ng lalaki. Minabuti na lamang niyang manahimik. Kung hindi ito kasamahan ng mga grupong humahabol sa kaniya, puwede niya itong hingan ng tulong. Dapat ay maging mahinahon siya at maging mapagpakumbaba sa isang ito. Hindi ito kaaway. “P-pasensya ka na, Mister pero kailangan ko ng tulong mo.” sumamo niya. “Now you're asking for my help. I'm sorry, Miss. Marami pa akong dapat gawin at malayo pa ang biyahe ko kaya, baba.” Halata ang pagpipigil ng inis ng lalaki. Pero hindi puwedeng sumuko na lamang siya ngayong nararamdaman niyang safe siya rito. “Mister, kahit isakay mo lang ako at ihatid sa…” she paused and think. Inalog niya ang ulo. Why she cannot remember? Bigla siyang nakaramdam ng panghihina. Saan ba dapat siya pumunta? And her…her name? Sino siya? “H-hindi ako masamang tao, mister. B-babayaran kita sakaling madala mo ako sa ligtas na lugar.” “Babayaran?” Naniningkit ang mga matang sinuyod ng lalaki ang kabuuan niya. Wala sa loob na nayakap niua ang sarili nang biglang ngumisi ang kaharap. “Bakit may pera ka ba? How do you intend to pay me, Miss…?” “I-I can't remember who am I. Pasensya na. Bigla na lang lumabas sa bibig ko na babayaran kita dahil may pakiramdam ako na…na may pambayad ako pero…” Nasapo niya ang ulo nang biglang kumirot ang kaniyang sentido. Napansin agad ng binata ang biglang pamumutla ng mukha ng babae kaya nakaramdam siya ng awa. Maybe she's telling the truth. Baka nga talagang nangangailangan ito ng tulong at hindi nananamantala lang na tulad ng naiisip niya kanina. “Hey, are you alright?” Hindi niya alam kung hahawakan niya ang babae. Pero animo may sariling isip ang kaniyang kamay nang dumapo ang kaniyang palad sa ulo nito. Napakunot-noo siya nang maramdaman ang tila bukol doon. Napaigtad din ang babae na animo nasaktan sa paglapat ng palad niya. “May sugat ka sa ulo,” aniya nang mapansin ang tuyong dugo sa buhok nito. “H-hindi ko alam kung paano ako nagkasugat sa ulo.” Naguguluhang ani ng babae. “Natatandaan mo ba ang mga mukha ng mga humahabol sa iyo?” Alanganin siyang tumango. “Some of them. The one who commanded the group at yung…” Napapikit siya nang sumakit lalo ang ulo. “Don't force yourself. Fine… I will help you. You can stay with me until you regain your memory.” Biglang namutawi sa bibig ni Ryan. Siya man ay nabigla sa biglaang desisyon. Ayaw niya. Ngunit nang makita ang kasiyahan sa mukha ng babae, he thought that he made a right decision. ARABELLA

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Love Donor

read
87.6K
bc

Unwanted

read
520.9K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
86.6K
bc

OSCAR

read
236.9K
bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
786.6K
bc

Paupahang Sinapupunan (R18+)

read
1.0M
bc

Sexytary |SPG|

read
549.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook