CHAPTER 6

2116 Words
CHAPTER 6 REGRETS SINIKAP ni Arabella na iwasan si Ryan matapos ang pangyayari sa dagat. Tinandaan niya ang mga sinabi nitong babala sa kaniya noon. Lalo na ang paglapit dito. Sumang-ayon naman sa kaniya ang panahon dahil nang mga sumunod na araw ay halos hindi na matao sa villa ang binata. Hindi rin siya nagtangkang magtanong kay Aling Sion o kay Mang Peping tungkol sa mga pinagkakaabalahan ni Ryan. Ayaw niyang insultuhin siya nitong muli kaya umiiwas siya rito. Malaki ang utang na loob niya kay Ryan pero hindi niya maipapangakong hindi ito papatulan kapag susungitan siya ulit nang walang dahilan. Wala siyang pasensya sa isang bipolar na tulad ng lalaking iyon. “ Aling Sion! ” Napaangat ng tingin si Ara mula sa pagdadamo sa hardin nang marinig ang malakas na boses ng babae sa labas ng gate. Kinakalampag pa nito ang gate na bakal. Napakunot-noo ang dalaga. May timbre naman sa labas ng gate, bakit kailangang mangalampag sa labas? “ Tao po! Aling Sion! ” Walang tigil ang pag-iingay mg di niya kilalang panauhin. Dahil nasa loob ng villa ang matanda at mukhang di naririnig ang kalampag at mga sigaw ng babae ay siya na ang nagbukas ng gate. “ Aling— ” naudlot ang pagtawag ng babae sa matanda nang makuta siya. “ Mukhang may ginagawa si Aling Sion at di ka marinig. Nasa loob siya. Ano ang kailangan mo sa kaniya? ” tanong ni Ara sa babaeng tingin niya ay hindi sila nagkakalayo ng edad. “ Ah, magandang umaga, Arabella. Ako pala si Tinay, anak ng kaibigan ni Aling Sion, ” nakangiting pakilala ng babae. Naglahad pa ito ng kamay, na agad naman niyang tinanggap dahil mukhang mabait at pala-kaibigan naman ito. “ Ang ganda mo nga palang talaga, Ara. ” Nagtatanong ang mga matang tiningnan niya ang babaeng nagpakilalang Tinay. Paano nito nalaman ang pangalan niya? “ Ah, naikukuwento ka ni Aling Sion sa amin kapag dumadalaw kay Nanay. Sabi niya may maganda raw siyang alaga dito sa villa. At di nga pala siya nagbibiro. Mukha ka ngang model at artista. Gandang pang-Miss Universe ka, Ara. ” Bakas ang paghanga sa masayang mukha ni Tinay. “ Salamat, Tinay. Pasok ka. Tatawagin ko lang si Aling Sion. ” Sakto namang lumabas si Aling Sion mula sa loob ng bahay. “ Oh, Tinay! Napadalaw ka, Ineng? ” tanong ng matandang nasa pinto at may hawak na sandok. Mukhang nagluluto ito. “ Ay oho, Aling Sion. May ipinamimigay kasi si Nanay sa inyo. Nagluto po siya ng palitaw at suman. ” Iniabot nito kay Ara ang hawak na maliit na bilaong naglalaman ng mga kakanin. “ Salamat, ineng. Halika muna rito sa loob at uminom ng tinimpla kong buko juice. Ikaw din Ara hija, magpahinga ka muna at kanina ka pa diyan sa harding nagdadamo, ” aya ng matanda sakanila ni Tinay. “ May hardinero naman kasing pumupunta rito, hija, kaya huwag mo nang pagurin ang sarili mo sa trabaho sa hardin, ” dugtong pa niyo nang makalapit sila ng panauhin. “ Ang ganda pala talaga ng alaga ninyo, Aling Sion, ” puring muli ni Tinay. Napangiti naman ang matanda sa tinuran nito. “ Oh di ba sabi ko, Tinay? Magandang-maganda itong si Ara. ” “ Tagasaan ka ba, Ara? ” pagkuwa'y tanong ni Tinay nang makapasok sila sa loob ng bahay. “ Taga-Maynila siya, Tinay. Magkaibigan ang magulang nila ni Señorito. ” Makahulugang ngiti lamang ang isinukli sa kaniya ni Aling Sion nang nagtataka niyang tingnan ang matanda. “ Naupo na kayong dalawa diyan at nagkuwentuhan muna. Ihahanda ko lang ang meryenda ninyo. ” Pumasok nang muli sa kusina si Aling Sion. “ Maupo ka, Tinay, ” alok niya sa bisita nang mapansing iginagala ni Tinay ang paningin sa kabuuan ng sala. Bakas sa mukha nito ang pagkamangha. “ Nakalulula pala ang loob ng villa. Ang gara, hindi ba, Ara? Antigo lahat ang kagamitan ng mansiyong ito. At kapag antigo, may halaga. Pero sayang at wala yatang balak mag-asawa ni Señorito Ryan. Ni manligaw yata ng babae ay hindi kayang gawin. ” Puno ng panghihinayang ang tinig ni Tinay. Umiling-iling pa ito. Hindi kaya o hindi gustong gawin? Tingin niya ay mas akma ang huli. Sa tingin niya ay ayaw talaga ni Ryan ang relasyon. Kaya allergic sa babae. Muntik siyang matawa sa huling naisip. “ Sabi ni Aling Sion, magkaibigan ang mga magulang ninyo ni Señorito, Ara? Ibig sabihin matagal na kayong magkakilala? Hindi kaya hindi niya gusto ang mga babae kasi mas gusto niya ang mga kabaro niya? Ano sa tingin mo? ” Sukat sa suspicion ni Tinay ay tuluyan nang tumawa si Arabella. Bigla namang natahimik si Tinay at natulala sa tumatawang dalaga. “ Hay… talagang ang ganda-ganda mo. Kahit saang anggulo, wala akong maipintas sa mukha mo. Lalo kang gumaganda kapag tumatawa ka. ” “ Nakakatuwa ka kasi, Tinay. Pero mali ang suspetsa mong bakla si Ryan. Sadyang ayaw lang muna sigurong magka-girlfriend. Kita mo nga at sobrang abala iyon sa rancho. Isa pa, maraming trabahante ang umaasa sa kaniya. ” “ Paano mo nasigurado? ” panunukso ng isip niya. Ramdam niya. Sa tipo ni Ryan, hindi ito magkakagusto sa kapwa niya lalaki. Straight iyon. May kung ano sa kalooban niya ang ayaw tanggaping bakla nga si Ryan. “ O baka naman nasaktan siya o naloko ng babae kaya ayaw nang umibig, ano? Ganoon kasi ang ilang mga lalaki, di ba? Kapag nasaktan, kung di iyan magiging pihikan na, magiging babaero. ” Nanulis pa ang nguso ni Tinay. Tila ba hinayang na hinayang ito kay Ryan. Napailing siya. Sabagay, kahit na sinong babae ay magkakagusto talaga sa binata. Para nga itong bida sa mga romance novels. Mga bidang parang wala kang maipintas sa pisikal na aspeto. Ngunit sa ilang linggo niya sa poder ng lalaki ay natanto niya ang mga kapintasan nito. Hindi sa katangiang pisikal kundi sa personalidad at pag-uugali. He was not flawless, as some may believe, but Ryan is a man with flaws as a person. “ Si Señorito ba ang paksa ninyo? Naku ikaw talaga, Tinay. Idadamay mo pa si Ara sa pagma-Marites mo. Kapag narinig kayo ni Señoriti, pihadong si Ara ang pagdidiskitahan noon. At ikaw, kilala kita. Siguradong maghuhugas-kamay ka diyan. Kuh, babaeng ito talaga. Kaya laging hinihila ni Maring iyang buhok mo, e. ” Si Aling Sion nang bumalik sa sala ay may dala nang isang pitsel ng inumin at tatlong baso. “ Ito namang si Aling Sion, oh. Para kayong si Nanay. Ang sakit magsalita, ” reklamo ng bisitang dalaga. “ Oh siya, sige na, Ara. Tikman mo itong mga kakaning niluto ng kumare ko. Magaling magluto iyon. Specialty niya ang pagluluto ng mga malagkit at kakanin. ” “ At Nanay ko iyon, ” pagmamalaki ni Tinay. “ Tumigil ka nga, Tinay. Sa lahat ng minana mo kay Maring, ang kumain lang ang natutunan at alam mong gawin. ” Mahinang tumawa si Arabella sa patutsada ng matanda sa kanilang bisita. Pero tingin niya makakasundo niya si Tinay. She likes her vibes. Happy and carefree. SA LOOB ng sumunod na mga araw ay naging abala pang lalo si Ryan sa rancho. Madaling araw na ito kapag umuuwi sa villa. Sunod-sunod ang naging problema sa plantasyon ng mga tubo at sa palayan. “ Magmeryenda ho muna kayo, Señorito. Nagluto ho si Maring ng kakaning malagkit. ” Inilapag ni Mang Dencio ang isang basket na naglalaman ng mga pagkain. May bitbit din itong termos at mga tasa ng kape. “ Mukhang aabutin pa tayo ng isang ilang linggo para tuluyang masugpo ang mga peste sa taniman, Señorito, ” saad ni Mang Dencio nang mailapag ang meryenda. Nagsalin ito ng mainit na tubig sa mga tasa at nagtimpla ng kape. “ Kaya nga ho, Mang Dencio. Pero gagawa tayo ng paraan para mas mapabilis ang operasyon sa mga peste sa taniman para hindi tayo malugi sa darating na anihan, ” sagot ng binata, sabay abot sa tasa ng kapeng iniabot sa kaniya ni Dencio. “ Mataas pa man din ang presyo ng mga aning palay at tubo sa susunod na mga buwan. Tiba-tiba na naman sa ani at kita, Señorito. ” Puno ng kasiglahan ang tinig ni Mang Dencio. Napangiti si Ryan. Si Mang Dencio ang katiwala niya sa rancho. Ito ang nagmamando sa mga trabahante kapag wala siya at may ibang bagay na pinagkakaabalahan. Mapagkakatiwalaan ito. Sanay na kasi ni Mang Dencio sa Rancho Deogracia dahil lumaki na siya roon. At ito rin ang naging katiwala at katuwang ng yumaong Don Juancho Deogracia noong buhay pa ito. Hanggang sa bilhin niya ang malawak na lupain ng Deogracias ay hindi na umalis siang Dencio. Humigop siya ng kape at kumuha ng palitaw at kinain. “ Hindi ho ba at masarap at mabango ang kape, Señorito? The best po talaga ang produkto nating kape. Walang halong kemikal at purong-puro talaga. ” “ Natutunan ko po sa inyo at ng yumaong si Don Juancho ang tamang proseso sa pagtanim, pag-ani at paggawa ng kape, Mang Dencio. Kaya ho hindi malayong masarap ang kapeng galing sa D Coffee Beans, ” pagtatapat ni Ryan. Totoo iyon. Marami siyang natutunan sa Rancho Deogracia nang mapunta roon. At nagpapasalamat siya sa Dios at pinagtagpo sila ng landas ni Don Juancho at ni Mang Dencio. Malaki ang respeto at utang na loob niya sa mga ito. Kaya naman kahit nabili na niya ang buong lupain ay wala siyang binago, kahit pangalan ng Rancho. Bilang pagtanaw niya ng utang na loob sa yumaong Don. Sa pamamalakad ng rancho ay tulad din nang dati. Kung mayroon man siyang binago, iyon ay ang pagbibigay ng increase sa sahod ng mga trabahante. Mabilis niyang nakuha ang loob, respeto at tiwala ng mga tao sa rancho nang mabili niya ang malawak na lupain. Labis silang natuwa at nagpasalamat nang taasan niya ang mga sahod ng mga ito. Noong bagong dating siya sa lugar ay naging trabahante muna siya noon sa rancho. Alam niya kung gaano kahirap at kabigat ang gawain ng mga trabahador dahil naranasan din niya. Kaya tama lang na taasan ang sahod ng mga ito. They deserve to be well compensated because they work hard for every penny they receive. Ngayong may pinapangasiwaan na siyang sariling lupain ay naalala niya ang mga magulang sa Davao. Ganito rin ang kabuhayan ng kaniyang ama. At ngayon niya naiintindihan na hindi madali ang magpatakbo ng rancho. At nauunawaan niya rin ang ama kung bakit ganoon na lamang ang pagmamahal nito pagdating sa lupa. It takes faith, hope, and a lot of hard work to be a farmer. In the eyes of some, cultivating soil is nothing more than digging in the dirt. But to him, and farmers, it holds great promise. At sa kanila ni Ryder, siya ang may pagmamahal sa lupa na tulad ng ama. The line between passion and heart, or his twin brother, is in the company. Ryder likes to stay in the four corners of the elegant Glamour Company office and sit in a soft swivel chair while dressed in a sparkling and expensive business suit. Kaiba sa kaniya na mas gustong nakalalanghap ng sariwang hangin na hindi galing sa Air-condition. Gustong gusto niya ang masakit na init ng araw at amoy ng mga d**o at mga halaman. Wala siyang problema kahit madumihan ang mga kamay niya sa pagbungkal ng lupa. Gumagaan ang kalooban niya at masaya siya sa gawaing bukid. Kaiba ng pakiramdam noong katulad pa siya ng kambal na si Ryder, na nakakulong sa opisina. Kung noon ay puro mga papel o mga dukomento ang nasa harapan niya, ngayon ay mga berdeng halaman. Ang bilis ng panahon. Parang kahapon lamang nangyari iyon sa buhay niya Sobrang bilis ng mga nangyari, at heto na siya ngayon. Managing his own land. Many crops and products flourished on his vast farmland. And he has no remorse for doing so. He's overjoyed right now. Deogracia Ranch is where he wants to spend the rest of his life. Ngunit may bahagi sa puso niya ang nangunguli sa kaniyang pamilya kahit anong pilit niyang pagsupil doon. At sa babaeng minsang minahal niya... Walang araw na hindi niya ito naaalala. Siya ang babaeng hindi madaling kalimutan. Ito ang pag-ibig niya na hindi madaling alisin sa isip at walang kasiguraduhan kung maghihilom ang sugat sa puso niya dahil dito. At kung may pinagsisisihan man siya sa kaniyang nakaraan, iyon ay si Ysabelle. Pero hindi na niya maibabalik at maitatama pa ang nakaraan. He caused her pain and he was ashame and regretting it so much. Because of what he had done, he was ashamed of himself and deeply regretful of the pain he had caused her. But he knew it was already too late to fix everything between him and Ysabelle.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD