CHAPTER 2

1068 Words
CHAPTER 2 ARABELLA Nilaro-laro niya ang pendant ng gold necklace na nakasuot sa kaniya. “Was it my name?” Hindi niya napigilang isatinig ang nasa isip, na nakatawag sa atensyon ng lalaki habang nagmamaneho. Kunot-noong sumulyap ito sa kaniya. Tantiya niya'y kalahating oras na nilang binabagtas ang maalikabok at mabatong lansangan. Wala din silang imikan habang daan kaya inabala niya ang sarili sa pag-iisip at pilit pag-alala sa nakaraan niya. Kahit personal o family background lamang sana ang manumbalik sa kaniyang memorya pero nabigo siya. “You can call me, Arabella. I have a feeling that's my name. And this…this necklace…” Namintig muli ang sentido niya. Pumikit siya nang mariin. “You need a doctor, Ara. Huwag mong pahirapan ang sarili mo kung hindi mo kayang maalala.” Seryoso itong nakatitig sa daan pero ramdam niya ang concern nito. “Kahit man lang pangalan ko…” Kanina pa pala sila magkasama pero di pa nito sinasabi ang pangalan. “Ryan.” Hindi na ito muling umimik pa. Hindi rin niya napigilan ang sobrang pagod at sakit ng katawan kaya muli siyang nakatulog. Nagising lamang siya nang may tumapik sa balikat niya. “Nandito na tayo.” Pagmulat niya, nakababa na ito ng sasakyan. Mabilis siyang kumilos, tinanggal ang seatbelt at bumaba. “Dumating na pala kayo, Señor.” Isang matandang lalaki ang nakangiting sumalubong sa kanila. Pagkatapos ay natuon ang mga mata nito sa dereksyon niya. “May kasama ho ako, Mang Peping. Si Ara po. Pakisabi kay Aling Sion, bigyan siya ng bihisan at pagpahingahin sa bakanteng kuwarto.” Tumango naman agad ang matanda sa binatang agad nagmartsa sa loob ng malaking bahay. Tinitigan siya ng matanda na tila puzzle na mahirap sagutin. Malamang ay dahil sa itsura niya. Sino ba ang di mag-iisip ng di maganda sa kung anong nangyari sa kaniya? Gutay ang damit, magulo ang buhok at marungis, may ilang pasa pa siya sa mukha, may mga galos ang mga kamay at binti. “Magandang araw po, Mang Peping.” Nahihiya siyang ngumiti. Baka kasi iniisip nitong masama siyang tao. Pero nang ngitian din siya ng matanda, napawi ang alinlangan niya. “Ganoon din sa iyo, Ara. Halika sa loob at nang matulungan ka ni Sion.” Tumalikod na ito at nagpatiunang maglakad. “Sion, halika nga rito at may bisita.” Malakas na tawag ni Mang Peping sa matandang babaeng agad lumabas mula sa kusina. Naka-apron pa ito at may hawak na sandok, halatang kasalukuyang nagluluto. “Aba'y sino'ng…” nahinto ang babae nang makita siya. Kitang-kita niya ang panlalaki ng mga mata nito dala ng gulat. “Dios Na Mahabagin, ano'ng nangyari sa iyo, hija?” “Mamaya ka na magtanong, Sion. Asikasuhin mo muna si Ara at nang makakain at makapagpahinga. Saka mo na siya interbiyuhin kapag maayos na ang lagay,” saway ngatandang lalaki. “Oh hala, ikaw na muna ang tumingin sa niluluto ko at baka masunog iyon, Peping. Ikaw na rin maghanda sa lamesa, ha.” Ipinasa nito ang sandok at ang hinubad na apron, hinawakan siya sa kamay ay iginiya paakyat sa ikalawang palapag ng bahay. “Halika na't…” “Ara ho.” “Ara… Maligo ka muna at kakain na tayo ng tanghalian mayamaya.” Tingin ni Ara ay makakasundo niya agad ang dalawang matanda. Hindi kasi mahirap basahin ang mga ito. Mababait at magiliw kasama. At si Ryan…sa una, akala niya isa itong bato. Pero nagulat siya nang pumayag itong tulungan siya. Hindi siya basta iniwan kung saan, bagkus isinama siya sa bahay nito. “Diyan ang banyo, hija,” sabay turo ng matanda sa isang pinto pagkapasok nila sa isang kuwarto. “Teka lang at titingin ako ng damit na puwede mong suotin. Tingin ko naman ay pareho lang kayo ng pangangatawan ni Lalaine” “May iba pa po bang nakatira dito liban kay Ryan at sa inyo ni Mang Peping, Aling Sion?” Dala ng kuryusidad pagkarinig sa pangalang Lalaine. “Ay, oo naman, hija. Pero nasa California si Lalie. Doon piniling magtrabaho pagkagradweyt niya sa kolehiyo. Paminsan lang umuuwi iyon dito,” masiglang kuwento ng matanda. “Kapatid ba siya ni Ryan?” “Ay hindi. Hindi magkadugo ang dalawa, hija. Limang taon na simula nang mamirmi dito iyang si señor,”agap nitong sagot. Tumango-tango na lamang siya. Tumigil na siya sa pagtatanong dahil baka iba ang isipin ng matanda, lalo at isa siyang estranghera. “Oh, heto maganda, hija. Siguradong bagay sa iyo itong bestidang ito.” Iniabot sa kaniya ang isang mahabang maxi dress na bulaklakin. Ngumiti siya at nagpasalamat pagkaabot sa damit. “Pasok ka na sa banyo para makapaglinis ng katawan, hija. Sumunod ka na lamang sa kusina pagkatapos mo at nang kumain, ha. Mauuna na ako at baka kailangan ng asawa ko ang tulong.” Tumango siya at muling nagpasalamat. Pagkatalikod nito'y mabilus na siyanv pumasok sa banyo para makaligo. God… Gaano na katagal na hindi naliligo at nagpapalit ng damit? She stinks. Pero wala siyang maalala liban sa pagtakas mula sa grupo ng lalaking humahabol sa kaniya. What happened to her? Sino siya? Sino ang mga humahabol sa kaniya? Why they want her dead? Pero sa huli, wala siyang maalalang iba kundi ang bangungot na iyon. Humugot siya ng malalim na hininga. Ligtas na nga ba siya? Hanggang kailan? Kailan babalik ang nawawala niyang alaala? Ligtas ba siya sa lugar na ito? Ligtas ba sa poder ni Ryan? Gusto niyang alugin ang kaniyang ulo upang bumalik ang kaniyang alaala. Paano siya napadpad sa lugar na ito? Nag-init ang gilid ng kaniyang mga mata. May nagawa ba siyang kasalanan sa ibang tao kaya siya gustong patayin? Is there someone out their waiting for her comeback? May nag-aalala at nag-iisip kung ano na ang nangyari sa kaniya ngayon? May pamilya ba siya? Magulang at kapatid? Pero tanging pangangapa sa malawak na kawalan ang nagagawa ng isip niya. Walang ni isang alaala siyang maapuhap. Pinihit niya pabukas ang gripo at tumapat sa dutsa. Tila nabuhay ang nanghihina at pagod niyang katawan nang umagos ang tubig sa kaniyang balat. Napangiwi siya nang maramdaman ang hapdi ng kaniyang mga sugat. Masakit. Pero mabuti pa ang mga galos at sugat niya, dahil alam niya kung kailan maghihilom ang mga ito. Ngunit ang kaniyang alaala, hindi niya alam kung kailan babalik. O babalik pa ba ang alaala niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD