KABANATA 10

1153 Words
NADZ POINT OF VIEW Pagkatapos ng almusal, nagtipon-tipon ang lahat ng mga estudyante sa malawak na field ng academy. Naroon ang lahat ng trainees, nakaayos sa magkakasunod na linya, at ang iba pang mga staff ng academy. Kahit na tanghaling tapat na, tahimik at organisado ang mga estudyante, halatang disiplinado sa bawat kilos at galaw. Sa gitna ng field, nakita kong nakatayo na si Captain Damon, seryosong nakatingin sa mga estudyante. Nakapamewang siya at may mabigat na ekspresyon sa kanyang mukha—isang ekspresyon na nagpapakitang hindi siya natutuwa kapag mayroong nagpapabaya. Ramdam ko ang bigat ng kanyang presensya kahit hindi siya nag-iingay; sapat na ang kanyang tingin para magpatuloy ang katahimikan sa paligid. “Lahat, attention!” boses ni Sergeant Kyle, na umalingawngaw sa buong field. Halos sabay-sabay na tumayo nang mas matuwid ang mga trainees, halatang handang makinig at sumunod. Napatingin ako kay Captain Damon na parang nag-iisip pa rin habang nakatingin sa mga nakatayong estudyante. Ilang saglit pa ay nagsalita na siya sa malalim at malakas na boses na rumehistro nang malinaw sa buong paligid. “Boys, I want you all to listen carefully today,” panimula ni Captain Damon. “I have a very important announcement, and this concerns each and every one of you.” Tahimik ang lahat, at nakatuon sa kanya ang bawat pares ng mata. Sa isang malalim na buntong-hininga ay itinaas niya ang kanyang kamay, itinuro ako at saka nagsalita. “This is Dr. Nadz Montrell,” matatag niyang sinabi habang nakatingin sa mga estudyante. “She’s your new physician here at the academy, and from this day forward, she will be in charge of all your health concerns. Understood?” "Yes, Sir!" halos sabay-sabay na sagot ng mga estudyante, malinaw at puno ng disiplina. Nakangiti akong kumaway nang bahagya sa kanila, pero di ko rin naiwasang makaramdam ng kaba sa bigat ng tingin ni Captain Damon sa akin. Lahat ng mga mata ay nakatutok sa akin, at naramdaman ko ang kakaibang init sa aking mukha. “Dr. Montrell,” tawag ni Captain Damon sa akin. “Would you like to say something to the trainees?” Nagulat ako nang bahagya, pero agad akong ngumiti. Hinanda ko ang sarili ko bago humarap sa mga estudyante at nagsalita. "Good morning sa inyong lahat," panimula ko, pilit na pinapalakas ang boses ko para marinig ng lahat. "I’m very glad to be here, and as your doctor, ang tungkulin ko ay siguraduhin na maayos ang kalusugan niyo para makapag-perform kayo nang maayos sa mga training ninyo." Tahimik na nakikinig ang mga estudyante, pero ang ilan sa kanila ay napapangiti at parang natutuwa na makita akong nandoon. “Pero paalala lang,” patuloy ko, “Kailangan ko ang tulong ninyo para magawa ko nang maayos ang trabaho ko. Kung may nararamdaman kayong kahit anong sakit o kakaibang pakiramdam, huwag kayong mahiyang lumapit sa akin. Huwag niyo nang hintaying lumala pa ito.” Tumango si Captain Damon sa sinabi ko, saka siya muling humarap sa mga estudyante. “Did you all hear that? Dr. Montrell is here to make sure each of you is fit for duty. So, if anyone disregards their health or fails to report an injury, you’ll answer to me. Understood?” “Sir, yes, Sir!” sagot ulit ng mga estudyante. Napangiti ako sa kasiguraduhan ng sagot nila, at alam kong medyo nakahinga na rin sila nang maluwag dahil alam nilang may taong mag-aasikaso ng kanilang kalusugan. Biglang nagsalita si Sergeant Diego, na nasa gilid ni Captain Damon. “And boys, don’t think of trying to skip training by faking an illness. Dr. Montrell knows better than any of us kung sino talaga ang may sakit at kung sino ang nagtatamad-tamaran. Isn’t that right, Doc?” Tumawa ako nang mahina. “Tama ka diyan, Sergeant Diego. Hindi niyo rin ako maloloko pagdating sa ganyan,” biro ko, na nagpatawa sa ilan sa mga estudyante. Muling tumingin sa akin si Captain Damon, seryosong ngumiti. “Dr. Montrell will also be conducting regular check-ups. That means every one of you will be under her watchful eye. We can’t afford anyone being weak in this academy. We expect you to be strong, and with her help, you will be.” Muling sumigaw ang mga estudyante ng sabay-sabay na, “Yes, Sir!” Kitang-kita sa kanila ang sigla at disiplina, at naisip kong mas lalo kong kakailanganin ang lakas ng loob at kaalaman sa aking trabaho para masiguradong ligtas silang lahat. Lumapit sa akin si Sergeant Kyle, at biglang ngumisi. “Doc, tandaan mo lang, these boys can be sneaky. Hindi lahat ng akala mong malusog ay talagang ganon. Minsan tatamarin lang ang mga yan, sasabihin na may masakit. Kaya watch out!” Napatawa ako sa biro niya. “Noted, Sergeant Kyle. Mukhang alam na alam mo na ang pasikot-sikot dito.” Nagpatuloy si Captain Damon. “Dr. Montrell, I’ll assign you a small clinic space for all consultations. You’ll also have access to all medical records. Just let me know if you need any additional equipment. We’ll make sure you have everything you need to keep these trainees in top shape.” Nakangiti akong tumango. “Thank you, Captain Damon. I appreciate the support, and I’ll do my best to keep them all healthy and ready.” Nagsimula nang mag-dispers ang mga trainees, pero habang naglalakad sila pabalik sa kanilang mga gawain, hindi ko pa rin maiwasang mapansin ang ilang mga binatang bumubulong-bulong sa likuran, na halatang pinag-uusapan pa rin ang pagdating ko. “Ang swerte naman natin may ganitong doctor dito, ‘di ba?” bulong ng isa sa mga trainees. “Basta, ‘wag ka lang magkakasakit nang hindi naman talaga,” biro ng isa pa, na ikinatawa ko. Napansin ko naman si Sergeant Diego na parang napapangiti rin habang nakatingin sa akin at sa mga trainees. “Mukhang mabait nga kayong lahat. Huwag kayong mag-alala, aalagaan ko kayong lahat,” sabi ko, at ang ilan sa kanila ay ngumiti rin. Pagkatapos ng meeting na iyon, nagpasya si Captain Damon na samahan ako para ipakita ang mga lugar kung saan ko isasagawa ang mga check-ups. Tumabi siya sa akin, tahimik na naglalakad sa gilid ko. Nagtagal ang tingin ko sa kanya bago ko naisipang magtanong, “Captain Damon, mukhang hindi ka sanay na may kasamang doctor na babae, no?” Tumingin siya sa akin, seryoso ang mukha. “This is a military academy, Doc. Usually, hindi kami nag-e-expect ng kababaihan sa ganitong lugar. But having you here… well, it’s different, but it’s a good kind of different.” Nangiti ako. Hindi ko alam kung masaya ba siyang nandito ako o basta lang siya sanay. Pero kahit anong sabihin niya, masaya akong nandoon ako para magampanan ang tungkulin ko. Patuloy kaming naglakad, at habang iniisip ko ang magiging bagong yugto ng buhay ko sa academy, alam kong magiging masaya ito at magiging isang malaking hamon para sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD