KABANATA 9

969 Words
NADZ POINT OF VIEW Pagdating ng umaga, bumangon ako nang maaga para pumunta sa canteen at makisabay sa mga estudyante. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako habang naglalakad sa pasilyo papunta sa canteen. Mukhang hindi pa ako sanay na surrounded by so many men at ako lang ang nag-iisang babae sa academy. Pagpasok ko pa lang sa canteen, agad kong naramdaman ang mga tingin ng mga estudyante. Ang ilan ay agad na tumayo at bumati ng “Good morning, Ma’am!” Nangiti ako, kahit na sa loob ay medyo nailang ako. "Good morning, Doc!" sabi ng isang grupo ng trainees habang dumadaan ako sa kanilang mesa. Lahat sila ay parang may tagong excitement sa mukha, at tila masaya silang makita ako. "Good morning din," bati ko, pilit na nagpapaka-kalmado. Habang naglalakad ako papunta sa counter para kumuha ng pagkain, naririnig ko ang mga bulungan sa likod ko. "Siya pala yung bagong doktor natin, ano?" narinig kong sabi ng isang trainee sa kanyang katabi. "Ang ganda pala niya sa personal, pre!" "Oo nga, hindi ko in-expect na ganito kaganda yung mag-aalaga sa health natin dito," sagot naman ng isa. Napatungo na lang ako at bahagyang namula. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiilang sa mga komento nila, pero pilit kong pinapanatiling natural ang aking ngiti. Matapos kong makuha ang pagkain ko, naghanap ako ng bakanteng upuan. Napansin kong parang naghahanap din ng paraan ang mga estudyante na magbigay ng espasyo para makaupo ako. Medyo nakakatawa rin kung iisipin na sa dami ng bakanteng upuan, parang gusto nilang lahat na malapit ako sa kanila. "Ma’am, dito po kayo umupo kung gusto niyo," alok ng isang trainee na nagtaas ng kamay, tila proud na inaanyayahan akong umupo sa tabi nila. Ngumiti ako, tinanggap ang alok at umupo sa mesa nila. "Salamat, ha. Mukhang lahat kayo ang aga-aga pa lang pero ganado na sa araw na 'to." Ngumiti ang mga estudyante sa paligid, at nagkatinginan silang lahat. Ang ilan ay halatang nagpipigil ng ngiti, habang ang iba ay tila nagpapakilala sa akin. "Ma’am, ako po pala si Cadet Martinez," sabi ng isa habang iniabot ang kamay niya. "Kung may kailangan po kayo, sabihin niyo lang." “Salamat, Martinez,” sabi ko, tinanggap ang kamay niya at nakipagkamay. “Ako naman po si Cadet Reyes!” sabi ng isa pa, tila ayaw magpatalo. “At ito naman si Cadet Soriano. Sobrang masaya po kami na may bago kaming doctor dito.” “Nice meeting you, Reyes at Soriano. Mukhang masaya kayong lahat dito ha,” sabi ko habang nakangiti sa kanila. Biglang nagising ang tapang ng isa pang trainee at sumingit sa usapan. “Ma’am, totoo po bang mga special forces ang kasama niyo kanina sa meeting? Sila Captain Damon?” Napangiti ako sa tanong niya. “Oo, sila Captain Damon, Sergeant Kyle, at Sergeant Diego.” Pagkabanggit ko kay Captain Damon, halos sabay-sabay ang ilang trainees na nag-react. Mukhang takot sila kay Captain Damon pero may respeto rin. "Si Captain Damon po kasi, Ma’am, seryoso siya palagi,” sabi ni Cadet Soriano. “Pero nung pumasok kayo, parang iba yung aura niya. Parang... medyo nagiging approachable siya." Natawa ako nang mahina. "Approachable? Hmm, baka nasa mood lang si Captain Damon kahapon." Nagkatinginan ang mga estudyante at nagkatawanan. “Ma’am, parang big deal na rin po iyon para sa kanya!” Habang kumakain kami, ramdam kong mas lumalalim ang komportable nilang pakikipag-usap sa akin. Isa-isa silang nagpakilala, at natutunan kong iba-iba ang pinagmulan nila. Ang ilan ay galing sa mga pamilya ng militar, habang ang iba naman ay first time sa ganitong setup. "Ma’am, curious lang kami," sabi ni Cadet Reyes, "Bakit niyo po napiling mag-work dito sa academy? Hindi po ba mas mahirap para sa inyo na nag-iisang babae rito?" Napaisip ako sandali bago sumagot. "Well, gusto ko ang hamon ng trabaho rito. Isa pa, feeling ko makakatulong ako sa inyo bilang mga trainees na inaalagaan ang kalusugan para sa mas magandang performance." Napatingin silang lahat sa akin nang may paghanga. “Ang swerte po namin na nandito kayo, Ma’am,” sabi ni Cadet Martinez. Pagkatapos ay may sumigaw mula sa likod, “Ma’am, anong masasabi niyo kay Captain Damon?” Tanong niya, halatang may pilyong intensyon. Natigilan ako sa tanong, pero sinubukan kong gawing casual ang sagot ko. “Well, alam niyo naman si Captain Damon. Strikto siya at seryoso sa trabaho, pero alam kong malaki ang malasakit niya sa academy at sa inyo.” Tumawa si Cadet Reyes. “Sana nga Ma’am, pero minsan kasi hindi mo alam kung galit ba siya o masaya. Parang laging nasa 'resting face’ mode.” Nagkatawanan kami at napansin kong nagiging mas komportable na akong kasama sila. Ang ibang trainees ay lumapit pa para makisama sa usapan, at di nagtagal ay parang nasanay na akong nasa paligid nila. Habang nag-uusap pa kami, biglang pumasok si Sergeant Kyle at sinulyapan ang mesa namin. Agad na tumahimik ang mga trainees at nagbigay galang. "Ano, Doktora, mukhang masaya ang kwentuhan dito ah," sabi ni Sergeant Kyle, nakangisi. “Oo nga eh, Sergeant,” sagot ko, “Mukhang masaya naman ang mga trainees niyo.” Tumingin si Kyle sa mga estudyante at tumawa. "Huwag kayong masyadong masanay na ganyan, mga bata. Kapag nag-training na, bawal na ang kwentuhan at tawanan!” Natawa kami at nagsimulang magpaalam ang mga trainees para bumalik sa kanilang mga activities. Sinamahan ako ni Sergeant Kyle palabas ng canteen habang nagpapaalam kami sa kanila. "Parang okay na okay ka na dito ah," sabi niya habang naglalakad kami papunta sa opisina. “Salamat sa mga trainees mo, Kyle. Mukhang mababait naman sila, at nakakatulong para mag-relax ako.” Ngumiti siya. "Oo, Doktora, pero tandaan mo, kapag nag-training na, ibang usapan na. Kung gaano sila ka-friendly ngayon, magiging masipag sila sa training bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD