Kabanata 2
SHE'S almost at the patients room nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Kumunot ang kanyang noo. Ang tawag ay mula sa ibang bansa. Sinagot niya ito.
"Hello?"
Sandali pa siyang naghintay pero wala namang sumasagot. Nagsalubong ang kanyang mga kilay at pinatay na lamang ito. Must be a wrong call, iyon ang nasa isip niya. Pumasok na siya sa loob ng kuwarto ng pasyente. Naabutan niya si Nurse Dina.
"How's she?"
"Vital signs are good Doc. Villaraza. Mabilis ang naging recovery niya after the operation."
"Good," sagot niya at lumabas muli ng kuwarto.
Nang biglang mag-ring ulit ang kanyang cellphone. It's an international call again. Sinagot naman niya ito.
"Hello?"
"Hello Zy!"
"Dylan?" paniniguro niya pa.
"Oh yes! How's my bravest doctor?" Napangiti siya.
"I'm good. Anyway, just wanna ask if you called me earlier?"
"Huh? No."
Muling nagsalubong ang kanyang kilay.
"Oh, never mind. Doctor Dylan Bright, overseas calls are expensive. What do you want?"
Narinig niyang tumawa ito.
"Nothing! Just checking on you." Nakagat niya ang kanyang labi at napasandal sa pader.
"Dylan, about that soldier? Have you found him?"
Dylan sighs.
"About that, hmm, we don't still have any idea where to find him. You already know right that you were found alone. You know what Zy? If we just only knew his name? That would be very easy since he's a U.S military."
Muli ay bumuntong-hininga siya.
"If that person doesn't want us to find him, we can't really do anything about that so if I were you, I'd really obey my doctor's prescribed, to forget him."
Nakagat niya ang kanyang ibabang labi.
"Alright! Fine!" sagot niya na lamang.
"Okay! The next time I'll call you, please Zy, no more army topics!"
Tinawanan niya ang kaibigan.
"If you say so! Bye!"
Pinatay niya na ang tawag nito nang biglang mag-ring ulit ang kanyang cellphone. Sinagot niya ito agad sa pagkakaakalang si Dylan pa rin ito.
"You forget something Dylan?"
"Ouch," he said. Agad na kumunot ang kanyang noo. It was not Dylan! Muli ay pinatay na naman nito ang tawag. Biglang uminit ang kanyang ulo. She guess it was a prank call. Stupid mobile user!
Bumalik na siya sa kanyang office at inabala muli ang sarili sa pagtatrabaho. Nang maalala niya ang dress na binili niya kay Erizza ay napahinto siya at kinuha ang paper bag. Inisa-isa niyang inilabas ang mga damit at laking pagtataka niya dahil kulang ito ng isa. Gayong sa pagkakaalala niya'y tatlo ang binili niya. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Erizza.
"Babae, ilang damit ba iniwan mo sa akin?" agad na tanong niya nang sumagot ito.
"Tatlo day. Isang navy blue, black at dirty white. Bakit?"
Kumunot ang kanyang noo.
"Seryoso ka?"
"Aba day, oo naman. Bakit Zy?"
Napakamot siya sa kanyang leeg.
"Wala, kumpleto siya," nasabi niya na lamang kahit na ang totoo'y nawawala ang navy blue na dress.
"Okay," sagot ni Erizza at ito na din ang nagbaba ng tawag. Hinilot niya ang kanyang noo. Baka naman napagtripan na naman siya ng mga kasamahan niyang doktor. Huminga siya ng malalim at hindi na lamang iyon pinansin.
TEN in the morning at kumakalam na ang sikmura niya kaya naman ay napagpasyahan niyang pumunta ng canteen.
"Doc. Villaraza, may iniwan pong delivery sa into," salubong sa kanya ni Manang Editha, ang cook ng canteen.
"Ha?" anas niya at kinuha ang bigay nitong kulay green na eco bag. Nang tingnan niya ang laman. It was two box of eight inches pizza from Shakey's. Agad siyang napangiti dahil paniguradong solve ang agahan niya pero kasunod no'n ay ang pagkunot ng kanyang noo. Wala man lang iniwang note kung kanino galing. Bumaling siya kay Manang Editha.
"Kanino po galing 'to?"
"Nako Doc., basta na lang iniwan diyan eh saka pangalan mo lang ang nakalagay."
"Ganoon po ba? Sige po," aniya at nag-order na lamang ng coca-cola. Pagkatapos no'n ay bumalik siya ulit sa kanyang opisina.
Doon niya na nilantakan ang isang kahon ng pizza. Ang isa nama'y binigay niya sa janitor na kumuha ng basura sa office niya.
WHEN she's done eating, she then focused herself on her job. Nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Nagsalubong ang kilay niya nang makatanggap siya ng text mula sa isang unknown number.
"Do you like the pizza?" basa niya sa text. Natigilan siya at tinawagan ang number pero out of coverage na ito. Weird. She decided to reply.
"Yes, thanks! Who are you by the way?" bigkas niya habang nagta-type.
Muli niyang ibinaba ang kanyang cellphone pero hindi naman mawala sa utak niya ang text na nanggaling mula sa isang stranger. Huminga siya ng malalim at tiningnan ang kanyang cellphone. Wala na itong naging reply. Napasimangot siya at pinilit na balewalain ito. Kinuha niya ang kanyang laptop at nagsimulang magbasa ng kanyang mga emails.
"Focus Zy," cheer niya pa sa sarili.
INABOT siya buong maghapon kakaharap sa kanyang laptop. Hindi naman kasi siya ganoon ka busy at tamang check lang ng mga naiwan niyang trabaho.
Napaunat siya ng kanyang braso. Nalipasan na naman siya ng gutom. Naturingan pa naman siyang doktor pero pati sarili niya 'di niya maasikaso.
Bigla namang may kumatok sa pinto ng kanyang opisina.
"Doc. Zy, pinapasabi po ni Doc. Samuel, kung pu-puwede na mag-extend pa po kayo ng dalawang oras? May lalakarin raw po kasi siyang importante," ani nurse Dina.
Doctor Samuel Hererra is also a cardiologist. Naka-assign ito as night shift.
"Ahm, sure, malapit lang naman apartment ko dito," sagot niya.
"Thanks Doc. Zy."
"No worries," sagot niya pa.
Umalis na ito kaya naman ay inabala niya muli ang sarili. Saglit din siyang tumayo para makapagtimpla ng kape at kinuha ang isang bag ng biscuits sa kanyang drawer. Ala sais pa naman ng gabi at hindi pa naman siya ganoon ka pagod.
EIGHT o'clock in the evening nang dumating si Doc. Samuel at inimporma siyang puwede na siyang umuwi. Kaya naman ay inihanda niya na ang kanyang sarili at inayos ang kanyang mga gamit. Isinuot niya na na ang kanyang jacket, pagkatapos ay lumabas ng kanyang opisina at tinungo ang front desk para makapag-time out.
"Ingat po Doc.," anang guwardya. Tinanguan niya lamang ito at lumakad na.