Kabanata 1
HABOL niya ang kanyang hininga nang siya'y magising. Masama na naman ang panaginip niya. Simula nang magising siya mula sa pagkaka-comatose niya ng isang linggo ay paulit-ulit na lang ang naging panaginip niya nitong mga nakaraang araw. Iyong sundalong kasama niya ang lagi niyang nakikita sa panaginip niya at hindi niya pa matandaan ang mukha nito.
Nasuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri. It's been two months ago but she still felt so frustrated. Gusto niyang mahanap ang lalaking nagligtas sa kanya pero wala man lang siyang nakuhang information. According to her doctor, she must not over think of it because he was not good for her. Because that will lead her to become more obsess that is why she's trying to forget it even though she can't keep her hands to herself. Ano pa nga ba magagawa niya? Kuya niya iyon at mahirap makipagtalo sa mga lalaking Villaraza.
Nakagat niya ang kanyang labi at bumaba na sa kanyang kama. Diretso siya agad sa banyo para maligo at makapagbihis. Nang matapos siya'y nakatanggap siya ng tawag mula sa kapatid.
"Not again," bulong niya at pinaikot ang mga mata saka sinagot ito.
"Where are you?"
"Why? Nasa apartment ko," sagot niya habang tinutuyo ang kanyang basang buhok.
"Why staying at apartment? Hindi naman long drive ang bahay na kinuha ko para sa iyo."
"Kuya please, ayaw kong bumiyahe ng malayo. Gusto ko malapit lang ako sa hospital."
"Don't you dare reason out me with that stupid brain of yours Zyren!"
Napahinto siya sa ginagawa. She make her brother angry.
"Kuya Caspian, please? Okay lang talaga ako dito. Total balak mo namang lumipat dito sa Davao, 'di ba?"
Narinig niyang bumuntong-hininga ito.
"Sa oras na matapos ako dito, I'll make sure uuwi ka sa bahay na binili ko!" anito at ibinaba ang tawag.
"God!" bulalas niya at hinilot ang kanyang noo. Sa edad niyang twenty nine years old ay para pa rin siyang bata kung tratuhin ng kanyang Kuya. Yes, aminin man niya o hindi, napaka-over protective ng kapatid niya, idagdag pa ang mga pinsan niyang puro lalaki. Yes, she's unica ija, but she always wish sana naging lalaki na lang siya.
But Caspian Erendale Goron Villaraza is the most dominant brother she had. No, actually not only him but her cousins too. She rolled her eyes again. Isinuot niya na ang kanyang uniform. Ready na na naman siyang magtrabaho ulit. Perks of being a doctor, bawal lumiban sa trabaho kung hindi naman emergency.
She then grab her stuffs and went outside. Nilakad niya lang ang daan papuntang Davao Doctors Hospital. She's a specialist there and she's proud to introduced herself as a doctor. A Cardiologist.
Nang tumapat siya sa entrance ay diretso siya agad na pumasok sa loob. She signed for her attendance and headed at her office.
"Good morning Doc," salubong sa kanya ni Erizza, ang kaibigan niyang raketera. Kasabayan niya itong nag-college noon sa Xavier University pero nahinto dahil kinulang sa budget. Kasing edad niya din ito at hindi maitatangging may alindog din ito na pinagkakandarapaan ng mga lalaki.
"Ang aga mo yata ngayon Erizza," aniya pa. Sinundan naman siya nito.
"Erizza Manalastas at your service Doc!" nakatirik mata nitong wika.
"Sus! Bebentahan mo na naman ako ng double dead!" sagot niya at umupo sa kanyang working table.
"Hoy, anong double dead! 'Di ah!" tanggi nito at inabot sa kanya ang kanina pa hawak na paper bag.
Kinuha niya ito at agad na inusisa ang laman.
"Saan mo nakuha ang mga 'to?" tukoy siya sa mga sexy dress.
"Sa Uyangurin! Hehe!"
Napangiwi siya.
"Magkano babae?"
"Three hundred piraso."
Napasimangot siya.
"Bibilhin ko 'to kung tatapusin mo ang pag-aaral mo," aniya pa.
"Hayan ka na naman sa usaping iyan eh!"
"Hoy Erizza, isang semester na lang kulang mo para makapagtapos ka ng Nurse. Tinamad ka na naman!"
"Bakit ba? Eh sa gusto ko ganitong raket eh! Ang nanay Suling lang naman ang mapilit na mag-nurse ako, sumalangit nawa ang kaluluwa ng inay!"
Napadasal pa ito. Binato niya ito ng lapis.
"Sinabi ko naman sa iyo 'di ba, na ako na ang bahala sa gastusin. Sayang din naman iyon Erizza," aniya.
"Fine! Babalik ako kapag naging asawa na ako ng Kuya mo!" anito sabay tawa ng malakas. Halata pang kilig na kilig.
"Gaga! Hindi ka papatulan no'n! May Jaztine Mae Diaz nang bumabakod do'n!"
"Jesas! Sa mga pinsan mo na lang!"
Muli ay binato niya ito ng lapis.
"Mas lalong kulelat ka sa mga iyon!" aniya at kinuha ang pitaka. Humugot siya ng tatlong libo kahit na nine hundred lang naman ang babayaran niya.
"Oh, tigilan mo na pagbebenta ng kung ano-ano ha, baka mapano ka pa," naiiling niyang paalala.
Nangislap naman ang mga mata nito.
"Hulog ka talaga ng langit!" bulalas nito at isinukbit sa loob ng bra ang pera. Natatawa naman siyang napailing ng kanyang ulo.
"Umayos ka Erizza! Mga kalokohan mo! Si Syrelle, e text mo nga, hindi na ako nadadalaw ng babaeng iyon."
"Madam, kahapon ko pa natawagan iyon. Kasama yata niya si Jella kahapon. Si Apple naman baka lumuwas 'yon galing Bukidnon para sa anniversary natin..." Saglit naman itong natahimik.
"Si Anica ba nagparamdam?"
Umiling naman siya.
"Isa pa 'yon, baka sa reunion na natin 'yon magpakita. Si Kathleen ba pupunta?"
"Knowing Kathleen? Major sponsor natin 'yon," sagot niya habang tinitingnan ang mga records ng pasyente.
"Oh siya, baka makalimutan mo 'yong dalawang freny natin."
Tumango-tango siya.
"Theresa and Fritz will be there," imporma niya.
Muli ay inayos nito ang suot na tube.
"Bye Doc," paalam pa nito.
"Ingat ka babae!"
"Sila mag-ingat sa akin!"
Tinawanan niya lamang ito. Itinabi naman niya ang hawak niyang folder at kinuha ang kanyang stethoscope. Tumayo siya at lumabas ng opisina. She'll going to take her rounds.