Kabanata 3
HABANG tinatahak niya ang daan pauwi ay ganoon na lang ang paninindig ng balahibo niya nang mapansing parang may sumusunod sa kanya. Habang napapalingon sa kanyang likuran ay binilisan niya din ang paglakad. Sandali pa siyang napapahinto at napapatingin ulit sa kanyang likuran. She felt so nervous. Ang daming tumatakbo sa utak niya. Baka kesyo may balak siyang holdapin but hell!? This is Davao City and the crime rate here are very low. Tinagurian pa nga itong the safest city in the world but why the hell someone is following her?
"s**t!" mura niya nang may makita siyang anino ng isang lalaki kaya naman ay mabilis siyang napatakbo. s**t! Her adrenaline went high and she felt so frantic!
Tuloy lang siya sa pagtakbo hanggang sa may mabangga siya. Pareho silang natumba.
"Aray! Zyren naman!" It was Kathleen.
Habol niya ang kanyang hininga.
"Oh my god! I'm so sorry Kathleen!" aniya at agad napatayo saka tinulungan ang kaibigan.
"Okay ka lang? Namumutla ka," Kathleen looked so worried.
Agad naman siyang umiling at pinunasan ang kanyang noo saka napatingin sa kanilang paligid.
"Nag-jogging lang ako. Oo tama, jogging! Tara sa loob!"
Hinila niya si Kathleen papasok sa kanyang apartment.
"Jogging talaga? Alas otso na po saka at talagang naka-uniform ka pa."
Huminga siya ng malalim.
"Bawal ba? Para healthy," aniya at dalawang baso ng tubig ang kanyang naubos.
"Ewan ko sa 'yo. Here Zy..."
Kathleen give here a cheque.
"Sigurado ka ba talagang ayaw mong mag-ambag kami?" tanong niya habang napapatingin sa hawak niyang cheque.
"No worries Zy. Saka konti lang naman iyan para sa reunion natin 'di ba? Saka knowing our other friends, alam mo namang konti lang tayo ang nakakaangat sa buhay."
She sigh.
"I'm worried about Erizza," pag-amin niya.
"Isa pa 'yon, ayaw tanggapin ang tulong ko."
Napangiwi siya. Hindi naman lingid sa kaalaman niya na halos yata lahat ay gustong tulungan si Erizza.
"Magtitino din utak no'n," aniya na lamang.
"Oh siya, aalis na ako. Dinalhan din pala kita ng dinner mo," anito saka bigay ng paper bag sa kanya.
"Bait talaga."
"Maliit na bagay! Ciao!"
Kathleen left her alone. Napahinga siya ng malalim. Bigla na naman kasi siyang kinabahan. She shake her hands.
"Wala lang iyon Zy."
Pumasok na siya sa kanyang kuwarto at nagpalit na ng damit. Pagkatapos ay lumabas siya ng kuwarto at kumain na. Talagang hulog ng langit si Kathleen dahil hindi na siya mag-aabalang magluto.
Pagkatapos niyang kumain ay diretso na siya sa kanyang kama. Hinubad niya niya ang kanyang blouse. Usually, she sleeps at night only wearing her underwear. Bumibigat na ang kanyang talukap at mabilis siyang hinila ng antok.
ZYREN wake up in a disturbance of cold air wraps her body around one o'clock in the morning. Napadilat siya at napaungol.
"Asar," bulong niya sa sarili at ibinalot ang sarili sa kumot. Bumaba siya sa kama at lumapit sa bintana. Isinarado niya ito at babalik na sana sa kanyang kama nang aksidenteng nasagi niya ang drawer.
"Aw," daing niya.
Laking pagtataka niya dahil bukas ito at mas lalo siyang nagulat dahil nawawala ang isang set ng kanyang panty.
"Oh god!" bulalas niya. Kanina dress, ngayon naman panty. Lumapit siya ulit sa bintana at binuksan ito.
"Magpaalam ka naman! Ugh!" gigil niyang sigaw at dahil kinulang sa tulog, wala na siyang pakialam kung mabulahaw man ang kanyang mga kapitbahay.
Inis niyang isinirado ang bintana at bumalik na sa kanyang kama. Bukas niya na iisipin kung ano ang gagawin dahil inaantok pa talaga siya.
KINABUKASAN ay para siyang bangag dahil kasi sa nangyari kaninang madaling araw ay hindi na siya nakatulog ng maayos. Bumaba na siya sa kanyang kama at inayos ang sarili.
Pagkatapos ay naghanda na siya para pumasok sa trabaho. Habang naglalakad ay inabala niya ang sarili sa pag-uunat ng kanyang mga kasu-kasuhan. Umaga pa lang, wala na siya sa mood. Nakawan ba naman siya ng isang set ng panty. Sinong hindi mabubuwesit doon?
"Zyren! Best friend!"
Napalingon siya sa kanyang likuran.
"Apple!" bulalas niya at niyakap ito ng mahigpit.
"Kailan ka pa lumuwas? Ang aga mo namang lumuwas. Sa katapusan pa naman reunion natin," tanong niya at kumulas.
"Kahapon. Saka mabuti na iyong maaga, para naman makapag-enjoy ako dito. Saka nakitulog ako kina Jella pero gusto ko sana lumipat sa iyo kung pu-puwede? Nahihiya kasi ako sa mga pinsan ni Jella, puro kasi mga lalaki."
"Sus, ang laki ng apartment ko. Kasya tayo doon. Na miss kita!"
Niyakap niyang muli ang kaibigan.
"Miss you more!"
"Kailan ka ba makikitulog sa akin?"
"Mamaya, pagkatapos kong dalawin ang pinsan kong si Kier."
"Puntahan mo na lang ako sa office ko mamaya saka mag-text ka para alam ko agad."
Umingkis naman ito sa kanyang braso.
"Yes naman!"
"Kumusta buhay hacienda?" usisa niya pa. Bigla namang lumungkot ang mukha nito.
"May iniiwasan ka ano?"
Inismiran siya ni Apple.
"Hello, wala akong iniiwasan."
Tumawa siya ng malakas.
"Wala nga. Pinagtataguan, mayro'n!" asar niya.
Sinimangutan siya ni Apple.
"Huwag na nga natin 'yan pag-usapan. Oh siya, nandito na tayo. Bye Zy! See you later!"
Muli ay niyakap siya nito at nagpaalam na. Matamis niya lamang nginitian ang kaibigan at pumasok na siya sa loob ng hospital.
"Doc. Villaraza, may package po kayo," salubong sa kanya ni nurse Dina. May bitbit itong maliit na kahon at isang orange na eco bag.
She time in first.
"Kanino galing?"
"Doc., iniwan lang kasi sa guard tapos pangalan niyo lang nakalagay."
"Na naman?" mahinang bulong niya at kinuha ang dala nito.
"Salamat," aniya at tinungo na ang kanyang opisina.
Nang makaupo siya'y agad niyang inusisa kung ano ang laman ng box. Napasinghap siya. Isang set ng Sapphire stone na alahas ang natanggap niya. Hindi lang basta alahas dahil alam na alam niya kung saan ito nabili. It was from Kathleen Jewels collection dahil sa trademark nito sa lock na pormang infinity. How could she even not know? May mga alahas siyang binili mula mismo kay Kathleen at hindi siya puwedeng magkamali.
"This is insane!" bulalas niya at inusisa naman ang laman ng orange na eco bag. It's a Bento box from Tokyo-Tokyo. Nakagat niya ang kanyang labi. This is crazy! Mabilis siyang lumabas ng opisina at hinanap ang guwardya. Nang makita niya ito'y agad din naman niya itong nilapitan.
"Good morning po Doc."
"Magandang umaga po Manong Alfred. May gusto lang po akong itanong. May nag-iwan po ng package para sa akin 'di ba? Delivery boy po ba o simpleng..." Napahinto siya at saglit na napaisip.
"Iyong simple lang po, basta ho ganoon."
"Wala ra ba Doc."
"Wala gyud?" ulit niya pa. Napa-bisaya din tuloy siya. Good thing her mother Julie Ann Goron Villaraza is a pure Bisaya and she taught her well.
"Iniwan lang iyan Doc., saka ito lang po nakalagay. May ibinigay sa kanyang papel. Tama nga ito, simpleng papel ito na may nakasulat na pangalan niya. Napangiwi siya at hilaw na napangiti sa guwardya.
"Sige po," aniya at pumasok na ulit sa loob. Bumalik siya sa kanyang opisina. Kagat-kagat niya ang kanyang labi habang napapatitig sa alahas at pagkain na nasa kanyang mesa. Nasapo niya ang kanyang noo at kinuha ang kanyang cellphone. Tinawagan niya si Kathleen.