Kabanata 4
"Hello Doctor Villaraza. How may I help you?"
"Kathleen, I have something to ask you," panimula niya.
"Is it a favor? Sure! You can count on me. What is it?"
"May ipinadala kasing alahas sa akin from unknown sender. I just want to know whose the sender."
"Alahas? Wow, galante ang admirer mo babae!"
"I don't think so. But this jewelry came from your store Kathleen. Baka naman puwedeng malaman kung sino ang bumili."
"From my store? That's interesting Zy. Wait. Anong alahas ba?"
Kinuha niya ang box at inusisa ang alahas na kanyang hawak.
"It' a set of Sapphire stone, coated with desinger gold as a holder..." Hindi pa siya tapos nang biglang sumingit si Kathleen.
"Wait, that was my new design. May code ba?"
Inusisa niya ang box.
"Parang tinanggal," sagot niya.
"Wait. I'll scan my files. Limang set pa lang naman ang inilabas ko sa store kaya madali lang hanapin kung sino ang bumili."
"Okay. I can wait Kathleen."
"Oh here," biglang sabi nito.
"I know the four person who bought the set but this is strange. Walang pangalan ang panlimang buyer. Nakalagay dito, it was also ordered from online and send directly to your, oh this is crazy! It was send to you directly. At the hospital where you were working Zy!"
Nagulat naman siya.
"Ha? Pero ang sabi ng guwardya, iniwan lang iyan sa labas. May kasama pa ngang breakfast meal."
Tinawanan naman siya ni Kathleen.
"Oh well, you're so lucky Zy! Ang bongga ng admirer mo. If I were you, I'll enjoy the gifts! Wala namang harmful sa regalong natanggap mo so just grab it Zy!"
She rolled her eyes and massage her left temple then sigh.
"Ano pa nga ba ang magagawa ko? Nandiyan na e! Well anyway Kathleen, thanks for giving me such info. I owe you one."
"Nah! Don't mention it! See yah!"
Ibinaba na nito ang kanyang tawag. Muli siyang napabuntong-hininga. Gusto niyang maging kalmado pero may bumabagabag talaga sa kanya at hindi niya mawari kung bakit. Bigla tuloy nagtayuan ang mga balahibo niya. Weird. She shake her hands and get back to work. Itinabi niya na ang alahas at nilantakan na din ang pagkaing nasa harapan niya habang may mga records na pinipirmahan.
IT WAS almost two post meridian when she's done scanning her records. Tumayo siya at pinuntahan ang mga pasyente niya. Hanggang sa makatanggap siya ulit ng package. Gladly, it was from Doctor Dylan Bright, her best friend.
Bumalik naman siya agad sa office niya at binuksan ang package. May note na kasama ang maliit na sobre. She open and read it.
To: Zy
Hey warrior, I've brought you something interesting but still I can't give you a hope that we will find him. I saw you were holding this when we rescued you. My mistake! I forgot to give it to you. But anyway, keep that. That will be your remembrance or maybe your lucky charm.
See you soon Zy!
From: Dylan Bright
Napangiti siya sa mensahe ng kaibigan kaya naman ay agad niyang binuksan ang box. Natigilan siya. It was an army tag. May nakaukit na Lt. Z. IGLESIAS. Sa likod naman ay may nakaukit din na U.S MILITARY. Napasinghap siya at agad hinanap sa internet ang pangalan nito pero laking dismaya niya dahil classified ang website. Nakagat niya ang kanyang labi at napaisip kung iipilit na naman ba niya. She closed her laptop. Okay na siya sa information niya. Nakuha niya na ang pangalan nito, 'di man kumpleto pero satisfied na siya. At hindi niya na ipipilit na mahanap ito. Malaking gulo na naman kasi kapag nagpumilit pa siya. Paniguradong maghihigpit na naman ang Kuya Caspian niya. Kaya naman ay ayaw niyang mangyari iyon. Isinuot niya ang kuwintas at itinago sa ilalim ng kanyang damit. She feel somewhat safe upon wearing the necklace.
Kumikit-balikat siya at bumalik na sa ginagawa. May schedule pa naman siyang operation at kailangan niyang maghanda.
PASSED three o'clock in the afternoon when she decided to take a nap. Napili niyang matulog sa janitor's quarter dahil wala naman kasing iistorbo sa kanya doon at kilala din siya ng mga janitor kaya naman kapag nandoon siya'y di siya maaabala.
She's half asleep when she heard a footsteps. Hindi niya iyon pinansin at nagpahila sa antok. Ngunit muli niyang narinig ang pag-uga ng kama. Didilat na sana siya ngunit agad din namang nagbago ang isip niya nang maramdaman niyang umupo ito sa kilid ng kama.
Then a gentle hand caress her face. Nanatili siyang nakapikit at nakiramdam. He gently caress her hair and afterwards he let go.
Nagsitayuan naman ang mga balahibo niya nang madama ang mainit na hininga nito malapit sa kanyang tainga.
"Zy," bulong nito.
Ang boses na 'yon ay kilala niya. Agad siyang napadilat pero huli na, wala na ito sa kanyang tabi. Agad siyang bumangon at lumabas ng quarters. Napalinga siya sa kanyang paligid at hinanap ito. Halos lakad at takbo na ang kanyang ginawa pero wala siyang napala. Nasapo niya ang kanyang noo.
"This is insane Zy!" kastigo niya sa sarili.
Balak pa sana niyang libutin ang buong hospital nang bigla siyang may makita sa entrance. All eyes are on him. Kahit may edad na babae ay napapatingin dito. His charm and s*x appeal are insane and that gray eyes were looking straight at her.
"Holy s**t!" mura niya at agad na nagtago sa gilid ng front desk.
Nagulat naman si nurse Dina sa kanya pero sinenyasan niya lang ito na manahimik.
"Hi!" bati no'ng lalaki kay nurse Dina.
"Hi? Ahm, Sir? How may I help you?" Tila yata'y kinikilig pa si nurse Dina habang kausap ang lalaki.
"I want to know if Dr. Zyren Goron Villaraza is... Around." May diin pa ang huling sinabi nito at talagang kinumpleto pa ang kanyang pangalan.
Alanganin namang umiling si nurse Dina sa lalaki.
"Kasi sir..."
"I'm Dr. Caspian Erendale Goron Villaraza. I know I don't have any schedule to meet her but I really wanted to see her. Now."