Kabanata 10
INi-enjoy niya din ang sarili habang umiinom ng alak nang biglang magyaya ni Kathleen na sumuyaw. Inubos niya ang isang bote ng Tequila at sumunod dito. They dance wildly and her friends found their each dance partners.
Silang dalawa lang ni Kathleen ang walang kapares hanggang sa may lumapit dito at naiwan na siya ngunit akala niya lang iyon dahil may biglang pumareha sa kanya.
He was behind her back. Dala siguro ng spiritu ng alak ay bigla niyang idinikit ang kanyang likuran dito.
She heard him groans. She's not like this for Pete's sake but due to alcohol running through her veins, she gets wilder.
He suddenly held her waist and leaned his body closer. Akmang lilingonin sana niya ito ngunit mabilis itong umiwas at biglang nawala sa kanyang likuran.
"s**t!" mura niya. Mukha tuloy siyang bitin.
"Pst! Sino 'yon?" biglang lapit sa kanya ni Fritzie.
Kumikit-balikat siya at bumulong.
"Hindi mo ba nakita ang mukha?"
Umiling naman si Fritzie.
"The lightings, it's dim!" malakas na sabi nito. Hindi kasi sila masiyadong magkarinigan dahil sa lakas ng music.
"Just find another partner," ani Fritzie at bumalik na kina Theresa.
Susunod na sana siya nang bigla na lamang nag-vibrate ang kanyang phone. It was from unknown number. Kumunot ang kanyang noo at agad na lumayo sa mga kaibigan. She was about to answer it nang biglang mamatay ang tawag. Babalik na sana siya nang mag-ring ito ulit. Tuluyan na siyang lumabas ng bar at doon na sinagot ang tawag.
"Hello?"
"'Nak, where are you?"
Ang Mommy Julie niya ngunit nagtataka siya bakit ibang number ang gamit ng kanyang Mommy.
"Mommy I'm with my friends," sagot niya.
"Oh, sorry baby. I just want to check you. Sorry I called using another number. My phone is dead."
"It's okay Mommy, I understand," sagot niya at maya't maya'y napapalingon sa entrance ng bar.
"Have fun sweetie!"
"I will Mommy," aniya at pinatay din naman agad ang tawag nito.
She blew some air. Akala niya kasi ay kung ano na ang nangyari. Bumalik na siya sa loob nang bigla siya ulit makatanggap ng tawag. It was from Doctor Samuel.
"Yes Sam," sagot niya sa phone.
"It's urgent Zy, I need you right now. Please. I am so sorry to bother you but we have to take care another patient. Morris is not here yet that is why I decided to call you."
Nakagat niya ang kanyang labi.
"Alright, I'm coming," sagot niya at agad na pumasok sa loob ng bar.
Gusto niya sanang tumanggi ngunit kailangan siya sa hospital at hindi siya dapat tumanggi kapag buhay na ng ibang tao ang nakataya. She's a doctor and she should response from any emergency.
Hinanap niya si Kathleen sa loob at nang makita ito'y agad niya itong nilapitan.
"Hey," panimula niya.
"Why Zy? Something wrong?"
"I need to go Kath, it's urgent."
"Life and death matters?"
"Yes. I can't say no to my patients. Babawi na lang ako next time. O kaya hahabol ako pagkatapos nito. I'll just transfer the money you gave to me."
Kathleen's taps her shoulder.
"No worries! Ingat ka. Ako na magsasabi sa kanila."
Mabilis niyang niyakap si Kathleen at kinuha ang kanyang traveling bag.
Lumabas siya agad ng bar at nagtawag ng taxi. Nang makapara siya at makasakay ay nagtext siya agad Kay Doctor Samuel na papunta na siya.
AGDAO na siya nang bigla siyang makatanggap ng text mula kay Doctor Samuel. Her Kuya Morris is there and helping Samuel with the operations. He even apologized for the disturbance.
Nakahinga siya nang maluwag.
"Manong, balik po tayo sa bar kung saan niyo ako na pick up," sabi niya pa. Hindi naman kumibo ang driver.
Mayamaya pa'y bigla siyang nakaramdam ng hilo. Hindi niya alam kung sa alak ba o kung ano. Wala din naman siyang naamoy na kakaiba mula sa aircon ng taxi.
Napahawak siya sa kanyang noo. Unti-unti nang bumibigat ang talukap ng kanyang mga mata hanggang sa tuluyan na siyang bumagsak at mawalan ng malay.
NAPAUNGOL siya nang maalimpungatan. Mahigpit niya pang niyakap ang unan sa kanyang tabi. Ngunit napakurap siya at sandaling natigilan. The scents of the pillow is very manly. Amoy na amoy niya ang pabango na nakadikit sa punda ng unan. She was trying to absorb everything. Mabilis siyang napadilat at napabangon. She was lying in the bed, in the unfamiliar room.
"Oh s**t! Nasaan ako?"
Inusisa niya pa ang kanyang sarili. Hindi naman siya nakahubad at ganoon pa rin nama ang suot niya.
Bigla namang bumukas ang pinto kaya diretso siyang napatalukbong ng kumot.
Narinig niyang binuksan nito ang bintana at hinawi ang kurtina. Saglit siyang napasilip.
He's a man! Bigla siyang kinabahan ng matindi. Is she being kidnapped!? Oh s**t!
"Morning Zy," bati nito.
Natigilan naman siya. That voice! She knew that voice. Dahan-dahan niyang inalis ang kumot. Halos malaglag ang kanyang panga. Saglit pa siyang napakurap. Is she in paradise of Adonis? Perhaps a Greek God? Napalunok siya.
"Who are you?" nauutal niyang tanong. He's a foreigner.
He cross his arms and walk towards her. Agad naman siyang napaatras.
"Who do think I am?"
Muli siyang napalunok. Napamulsa naman ito.
"Your..." Sandali siyang natigilan.
"Did you kidnapped me!?" aniya pa.
He wet his lips.
"You think so?"
Napakurap naman siya ng kanyang mga mata. She's so anxious and nervous.
"Hindi kita kilala at hindi ko alam kung bakit mo ako dinala dito! Let me go!"
Wala siyang pakialam kung hindi man siya maintindihan nito. Mabilis siyang bumaba sa kama at akmang tatakas ngunit laking gulat niya dahil may posas ang kaliwa niyang paa. Nakakabit pa ito sa kama.
"s**t!" mura niya at galit na bumaling sa lalaking nakamasid lang sa kanya. Yes, he's freaking hot but hell, she's being kidnapped!
"Let me go!" bulyaw niya na.
"What if I don't?"
Kinuha niya ang unan at ibinato dito. Mabilis naman nitong nasalo ang unan.
"Let me go! You freaking... Damn it!"
Hindi niya alam kung anong sasabihin niya. She's been distracted by his handsome face.
He just give her a smirk.
"Enjoy the view first Zy," anito at lumabas ng kuwarto.