Kabanata 11
"Hoy! Ano ba!? Let me go!" pagwawala niya at pilit na hinihila ang posas na nakakabit sa kanyang kaliwang paa.
Ngunit bakit hindi man lang ganoon katindi ang kaba at takot niya. Pakiramdam niya kasi'y kilala niya ang lalaki. Nasapo niya ang kanyang noo. Her friends and parents will really gonna search for her.
Napalingon siya sa kanyang paligid. Abot kamay niya lang ang drawer at nang kanya itong buksan ay wala namang laman.
"s**t! s**t!" mura niyang muli.
Bigla namang bumukas ang pinto kaya naman ay agad siyang napatalon sa kama at sumiksik sa gilid. Kinumutan niya pa ang sarili. Natatakot siya na baka may gawin itong masama sa kanya. But hell? Kung hindi lang talaga niya nakilala ito sa ganitong senaryo aba'y papatulan niya ito kaso hindi! Iba sitwasyon ngayon. She's been kidnapped by this handsome creature.
Dinalhan siya nito ng breakfast at ipinatong nito ang food tray sa kama. He then grab a chair and sit in front of her.
"Come on. I'll let you free if you'll behave," anito.
Nakagat niya ang kanyang ibabang labi. Hindi niya malaman kung magtitiwala siya but damn! She can see the honesty and sincerity in his gray eyes.
In the end she shook her head. May kinuha naman itong susi sa food tray at ipinakita sa kanya.
"Come on Zy. I'm not going to hurt you."
Napalunok siya. Her stomach were growling! Gusto niyang mapamura ulit.
"Zy," anito.
Nanginginig ang kanyang mga kamay na inalis ang kumot at bumaba sa kama. Para siyang batang paslit na nakasiksik sa gilid.
"Sit here," maawtoridad nitong utos sa kanya.
"No," agad na tanggi niya.
He give her a sincere smile and tap again the bed. Para naman siyang nahipnotismo at kusang humakbang ang kanyang mga paa para lumapit at umupo sa dulo ng kama.
"Who are you?" kunot noo niyang tanong.
"I will tell you but first eat your breakfast."
Mabilis siyang umiling. He sighs. Kinuha nito ang susi at tumayo. Lumuhod ito at tinanggal ang pagkakaposas sa paa niya. Mabilis siyang napatayo at itinulak ito. Diretso siya agad sa pinto at agad na tumakbo palabas ng bahay. Saglit pa siyang napahinto dahil sa napuna niyang buhangin na pala ang kanyang tinatapakan. Ngunit pursigido siyang makalayo sa lugar. Mabilis siyang tumakbo ngunit nakakailang dipa pa lang siya nang mapatigil siya.
"s**t! This is not happening to you Zy! No way!" bulalas niya dahil aminin man niya o hindi. Wala siyang makitang daan. Wala din siyang makitang bangka na posible niyang sakyan. Malawak na dagat at bakawan lamang ang kanyang nakikita. She's stuck in an unknown Island for God's gracious!
"Ugh!" malakas na ungol niya at napabalik sa dinaanan niya kanina.
Ngunit agad din naman siyang napatigil. The beach house is familiar. Saglit siyang napaisip at doon niya napagtantong ang beach house na nakikita niya ngayon at ang image sa email na natanggap niya noong isang araw ay kapareho. Nakagat niya ang kanyang labi because of frustrations.
"Does this means, he's my admirer?" bulong niya pa sa sarili niya.
"Zy," tawag nito kaya naman ay napalingon siya sa kanyang likuran.
"You! You piece of..." Hindi na naman niya matuloy ang kanyang sasabihin. How could she say he's a piece of s**t when he's totally not!
"You better explain to me where I am!" aniya.
"Only if you behave," sagot nito at mabilis siyang tinalikuran.
At dahil sa sobrang inis niya'y mabilis niya itong sinugod at wala sa sariling pinalo ang likuran nito. The next thing she knew, nahiga na siya sa buhangin. Damn it! His moved is a basic blocking Judo.
"I told you to behave but you're giving me no choice," seryosong wika nito.
Napatili pa siya nang hilahin nito ang kanyang paa sabay buhat sa kanya na parang isang sako ng bigas.
"Ano ba! Bitawan mo ako!" pagpupumiglas niya.
Ngunit masiyadong mahigpit ang pagkakakapit ng braso nito sa maliit niyang baywang. Muli siyang ipinasok nito sa loob ng bahay at dinala sa kuwarto.
"Let me go!" paulit-ulit niyang sabi habang galit na pinapalo ang braso nito.
Ibinagsak siya nito sa kama kaya naman ay agad siyang gumapang palayo dito ngunit mabilis nitong hinila ang kanyang kaliwang paa. Huli niyang narinig ay ang tunog ng posas.
"Let me go please," gusto niya nang maiyak.
He ignored her and walk out of the room. Bumaba siya sa kama at pilit na inaabot ang doorknob. Nang maabot niya ito malakas siyang napasigaw.
"f**k you!" mura niya dahil pati pinto ay naka-lock.
Sunod-sunod na tumulo ang kanyang mga luha. Umiiyak siya hindi dahil natatakot siya kundi dahil naiinis siya. How come he became her admirer if he'd only lock her up. He should care for her not torturing her feelings!
Wala siyang nagawa kundi ang bumalik sa kama. Nagtalukbong siya ng kumot at napahikbi hanggang sa makatulog siyang muli dahil sa pagod.
SHE MOANS when she suddenly felt a cold thing touches her leg. Unti-unti siyang napadilat. Nang bumaling siya sa ibaba ng kama ay nakita niyang nilalapatan nito ng cold compress ang kanyang binti. Sa parte kung saan nito nilagay ang posas. Seryoso niyang pinagmasdan ang ginagawa nito. Tinanggal nito ang posas sa paa niya at may pinahid na ointment sa balat niya. He then wiped her feet using the wet towel.
Konti siyang napaigtad dahil sa nakaramdam siya ng konting hapdi.
"I won't tie and lock you up again if you'll just behave."
Bumango siya at umupo.
"Then explain to me why I am here?"
"Very simple Zy. Gusto kitang makasama."
Nagulat naman siya dahil sa biglaang pagtatagalog nito.
"Marunong ka naman palang magtagalog, tsk!"
"My yaya taught me. She's a Filipina." Inirapan niya ito.
"Did you cry?" tanong nito at nagulat pa siya nang bigla nitong hawakan ang kanyang kanang pisngi.
Agad siyang nag-iwas ng kanyang tingin. Inilapag naman nito ang food tray sa kanyang harapan.
"Eat and I'll explain," anito.
Nagsalubong naman ang kanyang mga kilay. She clenched her jaw and gritted her teeth.
He wet his lips.
"You look cute," kumento nito dahilan para umunit ang magkabila niyang pisngi.