Kabanata 9
Pumila na sila ni Apple at nang matapos sila'y diretso din naman sila sa Mang Inasal para makapag-agahan. Pagkatapos ay nagpasalon pa silang dalawa para sa bago nilang hair style and aslo to change their nails colors. She decided to color her hair from black to gray instead of cutting it. Hanggang baywang na kasi ang buhok niya. Nagmukha tuloy siyang foreigner dahil sa buhok niya. Though honestly she has the blood of foreign countries. Apple then blonde her hair.
"Nails and hair are done. What to do next?"
"Work," biro niya pa ngunit totoo dahil kailangan niyang tapusin ang naiwan niyang appointments.
"Aw," nakasimangot na reaksyon ni Apple.
"Fine," sang-ayon din naman nito kalaunan at agad din naman silang umuwi ni Apple. Apple decided to parted their ways kasi may dadaanan pa daw ito at ito na ang bahalang mag-uwi ng kanilang mga pinamili. Sumang-ayon din naman siya at pumasok na din sa trabaho niya.
SHE finished all her appointments and headed back home early.
"Zy!" salubong sa kanya ni Apple sa pinto.
"Okay na ang reservations natin, 'di ba?" anito. Agad naman siyang napatango at tinanggal ang kanyang sling bag.
"We're gonna headed at there right now! Susunduin tayo ni Kathleen!" excited pa nitong imporma sa kanya.
"Really?" habang nanlalaki ang kanyang mga mata.
"Oh s**t! Hindi pa ako nakapag-ayos ng gamit ko," sagot niya at mabilis na napaakyat sa kanyang kuwarto. Tawa naman nang tawa si Apple sa kanya.
"Babae tulungan mo ako," sigaw niya pa kay Apple.
"I'm on it!"
Nasa kuwarto na sila at naglalagay na siya ng mga damit niya sa kanyang traveling bag na North face.
"Zy? Bakit konti lang dinala mo?"
Nilingon niya naman si Apple.
"Ha? Konti lang kasi three days lang naman ako doon. Mauuna akong uuwi."
"What!? Are you serious!?"
Tumango siya habang isinusuot ang kanyang slipper na Balenciaga na regalo sa kanya ng kanyang secret admirer. Ewan niya ba kung bakit niya ito sinuot.
"Kailangan eh, hindi ako puwedeng mawala ng matagal," aniya.
"Did they know?"
Umiling siya.
"Huwag mo sasabihin sa kanila. Ayaw kong masira ang vacation reunion natin. After three days, magdadahilan na lang ako na may emergency akong pupuntahan."
Bumuntong-hininga naman ito.
"Fine," anito at muli ay tinulungan na siya nitong mag-ayos.
EXACT eight o'clock ng gabi ay dumating nga ang van ni Kathleen.
"Hello girls!" bati ni Kathleen sa kanila.
"Oh my gee Kathleen!" tili ni Apple at agad na yumakap kay Kathleen.
"Miss you so much babae!" ani Kathleen.
Bigla namang bumukas ang pinto ng van at bumungad sa kanila ang iba pa nilang mga kaibigan.
"Kasya ba tayo?" usisa niya pa.
"Zy, my van is quite huge."
"Best friend!" si Erizza na panay hatak sa pulang tube nitong suot. Niyakap siya ni Erizza.
"Ayusin mo nga suot mo," natatawang niya kay Erizza.
"Hayaan mong lumuwa iyan babae! Magbabar pa naman hopping tayo! Yes! Yes!" excited pang wika ni Erizza.
"Erizza, ang ingay mo!" sita naman ni Jella habang nakasilip sa window ng van.
"Jella! Ano ba! Iyang paa mo!" si Syrelle na parang kanina pa stress.
"Hi Zy! Apple!" bati ni Theresa sa kanila habang kumakain naman ng chips.
"Hoy, ano!? Aabutin tayo ng Bandila niyan! Tara na oy!" si Fritzie na nakikiagaw naman ng chips kay Theresa.
Napababa naman ng van si Anica at nag-unat ng braso.
"Ano Kathleen? Tara bar hopping!" yaya pa ni Anica habang humihikab.
"Come on! Sakay na, bilis!" ani Kathleen.
Nailing na lamang siya. Ang ingay talaga nila kapag nagkakasama. Umandar na ang sasakyan at katabi niya ngayon si Kathleen. Sa kabilang side naman niya ay si Apple at Jella.
"Kathleen, kumusta si Anica at Syrelle? Nagkikibuan ba?" usisa niya.
"Panay irap sa isa't isa mukhang timang. Hintayin mo mamaya at magsasabunutan iyang dalawa."
Natawa naman siya. Hindi kasi lingid sa kanilang magbabarkada ang tampuhan ng dalawa. Nag-agawan sa isang lalaki na hindi naman ganoon kaguwapo. Napapailing na lamang siya.
Nang makarating sila sa isa sa mga bar sa syudad ay agad din naman silang nagsibaba ng sasakyan.
Nakaangkla ang braso ni Kathleen sa kanya at alam niyang kapag ganito ito'y tense ito.
"May problema ba?"
"Right now I've been followed by my Dad's bodyguards," inis nitong ani habang napapalingon sa paligid.
"You're worth a billion. Nag-aalala lang iyon sa iyo." Kathleen smirked.
"Kung payamanan lang ang usapan Zy, my family are just second. Mas nakakatakot kapag ikaw ang na-kidnapped," biro pa nito.
"Crazy! Huwag ka na mag-isip ng kung ano-ano. Let's just enjoy this night."
"Fine!" agad na sang-ayon nito at sabay na silang pumasok sa loob.
They occupied the long table and different drinks are on the table.
"Kapag iyang dalawa nalasing iyan at nagkaharap, panigurado, may eksenang magaganap!" biglang wika ni Theresa sa kanyang tabi. Ang tinutukoy nito ay si Syrelle at Anica.
Nailing siya. Mukhang doon nga ang ending ng dalawa.
Nagkakasayahan na ang magbarkada at ang ilan ay nasa dance floor na. Naiwan siya kasama si Kathleen, Anica at Syrelle. Nakainom na ng ilang bote ang dalawa pero alam niyang wala pang tama ang dalawa at matagal kung malasing.
"Hoy babae! Hindi hamak naman na mas malaki ang boobs ko kumpara sa iyo!" biglang bulyaw ni Anica kay Syrelle.
"Hoy Anica! Anong malaki iyang dibdib mo eh mukha na nga iyang pader eh!"
Tawa naman nang tawa si Kathleen sa kanyang tabi. Siya naman ay napapailing din. Tinungga niya ang laman ng bose na kanyang hawak. It's Tequila.
"s**t ka! Sa tingin mo magkakagusto sa iyo si Rodolfo! Hindi!" ani Syrelle. Siya naman ang natawa dahil sa narinig.
"Akin lang si Rodolfo!" ani Anica sabay sabunot kay Syrelle.
Nagkasabunutan na ang dalawa at pinagtitinginan na sila ng mga tao. Tumayo naman si Kathleen at may sinenyasan. Mukhang namataan nito ang bodyguards na nakabuntot dito at tinawag ito ni Kathleen. They were five, circling their area.
"No one touches these two! Hayaan niyong magsabunutan iyan. Mahihihimasmasan din ang mga 'yan," utos ni Kathleen.
Zyren chuckles.
"Ang swerte ni Rodolfo," biro niya.
"Sucks!" kumento ni Kathleen at nagsimula na ding uminom.