Kabanata 5
Napasinghap naman si nurse Dina at biglang bumaling sa kanya. Napalunok siya. Sa tono ng pananalita ng kapatid niya, paniguradong galit ito.
"Oh, she's around!" biglang wika ni Caspian at lumakad. Doon na siya tuluyang tumayo at nagkunwaring may hinahanap.
"Ha-ha-ha! Kuya? You're here! Kumusta biyahe? Napadalaw ka?"
Matalim siyang tinitigan ng kapatid. Umuna ito sa paglakad at agad din naman siyang sumunod dito.
"I'm with my colleagues and I was invited too in a seminar. Did you block my calls Zy? Because I swear to you, I'm gonna break that cellphone of yours!" galit na litanya nito at mukhang sa office niya patungo.
Napakamot naman siya sa kanyang leeg.
"Ha? Hindi ah!"
Bigla naman itong huminto dahilan para sumubsob siya sa likuran nito.
"Aw!" daing niya. Hinarap siya nito.
"I had no time for this Zy! Playing hide and seek with you! Gusto mo bang si Daddy pa ang kumaladkad sa iyo sa bahay na binili ko?"
Agad namilog ang kanyang mga mata. Ever since she was a child, she never give her parents any headaches. She never dissapointed them even once, lalo na ang kanyang Daddy Clayd Erl.
"No Kuya! Please! I beg you! Promise! After reunion naming magbarkda, lilipat na talaga ako. Please Kuya Caspian!" pakiusap niya habang ang dalawang palad ay nakadaop.
He rolled his eyes on her and frown.
"The next time you disobey me Zy. I swear, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko."
"Kuya naman..." Agad na angal niya.
God! Ayaw niya nang maulit iyong nangyari dati na sinuway niya ito dahil lamang sa internship niya sa Libya. Muntik lang naman siyang mawalan ng trabaho. Yes, because her brother is much more influential than her. Or should we say, most of the Villaraza Boys actually.
"Shut up."
Tinalikuran na siya nito pero mabilis itong humarap ulit sa kanya.
"Are we done here?"
"Ha? Ah oo!" agad na sagot niya. Lumapit naman ito at hinagkan ang kanyang noo.
"I'm just protecting you Zy. You're our little baby sister, you know that."
"Alam ko," sagot niya dahil totoo naman talagang siya lang ang nag-iisang babaeng apo sa pamilya nila.
Ginulo nito ang kanyang buhok at muli ay bumalik ito nang lakad palabas ng hospital.
"Kuya," tawag niyang bigla.
"Yes," baling nito habang nakapamulsa.
"How's Jaztine?" Sinimangutan naman siya nito.
"That's none of your business Zy. Bye," anito at umalis na.
"Asar!"
Napasuntok siya sa hangin.
"Doc. Zy! Kapatid niyo po 'yon?" sulpot ni nurse Dina sa kanyang likuran.
"Ha? Oo, kaso hindi iyon dito nakadistino. Sa Surigao Del Sur siya naka-assign. Mahilig kasi sa beach 'yon kaya mas pinili niya doon. Pero nandito siya sa Davao ngayon, may seminar na dinaluhan."
"Talaga po? Doktor din po pala siya!" anito at hindi talaga maitago ang matinding kilig.
Natawa siya.
"Ahm, oo. Neurologist and also a Psychiatrist," nakangiti niyang sagot.
Bigla namang napapalakpak si nurse Dina.
"Ang talino! Sayang 'di naabutan ni bakla!"
"Sino? Si nurse Lenny?"
"Opo Doc. Nasa one week leave kasi si nurse Lenny saka wala pa rin akong kasama sa front desk e. Wala pang bakante."
Tinapik niya ang balikat nito.
"Hayaan mo na. One week lang naman pala. Kaya 'yan! Fighting!"
"Fighting!" sang-ayon din naman nito.
Bumalik na siya sa kanyang opisina at itinuloy na ang kanyang trabaho.
HOURS is fast approaching. Naghanda na siya para umuwi. Nasa exit na siya ng hospital nang makatanggap ng text mula Apple. Dumiretso na raw ito sa apartment niya kaya naman ay lumakad na rin siya. Habang binabagtas ang daan pauwi ay bigla na namang umusbong ang matinding kaba niya. She knows the feeling. Talagang may sumusunod sa kanya at sa tuwing napapalingon naman siya'y wala siyang nakikita but hell! Her senses are totally freaking fine! Binilisan niya ang lakad at pawisan na naman siyang nakarating sa apartment niya.
"Zy? Okay ka lang?" salubong sa kanya ni Apple.
"Ha? Oo!" sagot niya at hinila si Apple papasok sa loob ng kanyang apartment pagkatapos niya itong mabuksan.
"Hoy!" untag sa kanya ni Apple.
"Oh?" sagot niya sabay lock sa pinto.
"Para kang baliw! May problema ba? Namumutla ka."
Inalis niya ang kanyang sling bag at itinabi ito.
"I just felt so strange lately. Feeling ko kasi may stalker ako," sagot niya at tinungo ang kusina para kumuha ng tubig na maiinom.
"Sana all may stalker! Haha!"
"Gaga! Hindi okay iyon! They can be obsess, possessive and aggressive."
"Hell yes! Iyan ang gusto ko sa mga lalaki! May excitement! Thrill ba!"
Binato niya ng mini pillow si Apple.
"Part of me saying, yes! Men whose possessive and aggressive are quite interesting but with obsession? I think it's not healthy anymore."
Apple rolled her eyes.
"I get it Doc! Psh!" walang ganang kumento ng kaibigan.
"Halukayin ko na kusina mo ha. Medyo gutom na rin kasi ako."
Tinanguan niya lamang ito at napasilip sa labas ng bintana. Wala naman siyang nakitang kakaiba. But she can't stop from thinking kung sino ba talaga iyong secret admirer niya at iyong lalaking feeling niya'y sumusunod sa kanya. Mukhang kailangan niya na nga ang lumipat sa bahay na binili ng Kuya Caspian niya. For sure, it was more safer there.
"Zy, are you on diet?"
Nilingon naman niya si Apple.
"No!" aniya sabay tawa. Medyo gumaan na ang pakiramdam niya lalo na't may kasama na siya ngayon.
"Bihis lang ako," paalam niya kay Apple at umakyat na sa kuwarto niya. Agad din naman siyang nagpalit ng damit at kinuha ang isa niyang laptop sa drawer. Bumaba din naman siya agad at tinungo ang kusina. Amoy na amoy niya na ang niluluto ni Apple.
"Nagluto ako ng kare-kare saka fried rice. Halika na. I'm almost done."
"Here,"aniya at ibinigay kay Apple ang laptop niya.
"Oh, I'm touch!" anito at agad siyang niyakap.
"I know you're still busy working with legal terms. I can still remember before how your phone got hang because of loaded emails."
"Sinabi mo pa! Thanks Zy! Upo ka na."
Nginitian niya lang ito at umupo na. Sumunod din naman si Apple sa kanya. Masaya silang dalawa na naghapunan.