Kabanata 8
"I'm sorry, but your grandfather didn't make it," diretsong imporma ni Doctor Samuel.
"Excuse me," aniya at iniwan ang mga ito. Doctor Samuel, comforted the family of the patients. While heading at the hallway, tuluyan nang nanghina ang kanyang mga tuhod at napaupo sa sahig. Sapo niya ang kanyang noo. Sunod-sunod na butil ng luha ang tumulo sa mga mata niya. Minsan talaga'y ayaw masanay ang sarili niya sa tuwing namamatayan siya ng pasyente. Mabigat ang loob niya dahil pakiramdam niya'y kulang ang effort niya para magligtas ng buhay.
Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang Mommy Julie. Bigla niyang naalala ang ina. Her mother Julie is also had a CHD before. Muntik na din itong mamatay at halos mabaliw ang Daddy Clayd niya noon.
"Hey baby, you called?" Hindi ang Mommy Julie niya ang sumagot kundi ang kanyang Daddy Clayd.
Mabilis niyang pinahiran ang kanyang mga luha at napasinghot.
"Hey Daddy, nasaan si Mommy?"
"She's at the bathroom. Taking shower. Are you okay Zy?"
Napalunok siya.
"Of course I am okay Daddy. Just wanna ask you and Mommy if you guys are okay."
"Okay kami baby. Don't worry."
Napabuntong-hininga naman siya.
"Daddy, ano ba ginagawa mo sa tuwing namamatayan ka ng pasyente noon?" seryoso niyang tanong.
"Hmm, I just looked at your mom and tell to myself that everything will be fine and well."
She smiled to her Dad's sweetness.
"You know what Zy? We're not God. Yes, we save lives, we help people to give them right information about healthy living but only God knows when and why He should extend people's life."
Nakagat niya ang kanyang labi at huminga ng malalim.
"I know Daddy. Thanks."
"I love you baby. Compose yourself, okay?"
"Yes Daddy. Send my regards to Mommy," bilin niya pa.
"Sure. Take care, okay."
"Yes, Daddy. Bye."
Ibinaba niya na ang kanyang tawag. Tumayo siya at inayos ang kanyang sarili. Bumalik siya sa operating room para damayan saglit ang pamilya ni Mr. Cabiling. Pagkatapos ay umuwi na din naman siya agad.
Nang dumating siya sa apartment ay naabutan niya si Apple na kakatapos lang magluto ng hapunan.
"Late ka babae. Saan ka galing?"
"Over time," simpleng sagot niya.
Tinanguan lamang siya nito.
"Saan ba tayo magkikita-kita Zy? Dito lang ba sa apartment mo?"
"Yes, but I'll ask Kathleen about it."
"Okay. Tara kain na."
"Just coffee. Wala akong gana eh."
"May operation ka?"
Tinanguan niya lang ito. Mabilis namang kumilos si Apple at ipinagtimpla siya ng kape.
"Thank you," aniya.
"Bukas, free ka ba? Gusto ko mamili ng swimsuit. Hindi kasi ako natuloy sa department store kanina. Na stuck ako sa ka meeting ko."
"Sure. Kailangan ko din mamili eh."
"Okay. Just bring your coffee upstairs nang makapagpahinga ka na din. Ako na ang bahala dito."
Tinapik niya ang balikat ni Apple.
"Thanks again," aniya at umakyat na sa hagdan, dala ang kanyang kape.
She then undress herself and sip her coffee. Pagkatapos no'n ay naunan na siyang matulog kay Apple dahil sobrang pagod talaga ang nararamdaman niya.
EARLY morning, around nine o'clock ay nasa entrance na sila ng SM Ecoland mall ni Apple. Maaga silang nagpunta dahil ayaw niya nang masiyadong crowded at mahaba pa ang pila 'pag nagkataon.
Diretso sila agad ni Apple sa department store, sa may ladies section. Habang namimili ng isusuot sa outing nila ay todo pa ang kantsaw ni Apple sa kanya dahil sa sobrang plain ng mga bikini na kanyang napili.
"Akin na nga iyan babae! Kung ano-ano kinukuha mo. Kay papangit naman." Inirapan niya si Apple.
"Ayoko ng labas kaluluwa," pagtatama niya.
"No baby Zy. That body of yours is heaven and can give pleasure in every men who desires you."
"Same to you," nakasimangot niyang balik na puri dito.
"Ugh! Heto ang dapat mong bilhin," suhestyon ni Apple sabay pakita sa kanya ng mga bikini na mala Victoria Secret ang mga desenyo. Napangiwi siya at ibinigay kay Apple ang dala niyang basket.
"Bahala ka," pagsuko niya at umikot sa kabilang stante para bumili naman ng mga makukulay na bandana na maaring itakip sa bikini. Nang tingnan niya si Apple ay nasa sunglass display na ito. Kumuha muna siya ng limang bandana na summer ang design saka lumapit kay Apple.
"Mauna na ba ako sa cashier?" aniya pa.
"Unahin mo itong sa iyo. Maya na itong sa akin. Kapag may gusto ka pa bilhin. Sabay mo na lang sa akin."
"Okay," sagot niya at agad nang pumila sa cashier. Naipatong niya na ang basket sa cashier table nang maagaw ang atensyon niya sa isang sumbrero na nakapatong sa ulo ng manikin. Kaya naman ay mabilis siyang lumapit at nagpatulong sa sales boy para makuha ang sumbrero dahil gusto niya din sana iyong bilhin. Nang makuha niya ito ay agad din naman siyang bumalik sa cashier ngunit laking gulat niya dahil wala na doon ang kanyang basket. She immediately ask the cashier in charge.
"Miss, nakita niyo ba 'yong basket dito?"
"Po ma'am? Hindi po."
"Pero dito ko lang iyon pinatong."
"Baka po kinuha ng ilang sales lady na nag-aayos ma'am. Baka akala po kasi ay walang nagmamay-ari."
Nakagat niya ang kanyang labi. How come did that happened? Napansin pa nga siya ng assistant nito na may ipinatong siyang basket. Nakagat niya ang kanyang labi at hindi na lamang nakipagtalo pa.
"Ganoon ba? Okay, thank you."
Matapos no'n ay agad na hinanap ng kanyang mga mata si Apple. Napangiwi siya. Hindi niya malaman kung sasabihin niya ba kay Apple ang nangyari o hindi. Napabuga siya ng hangin dahil para lumipad ang ilang hibla ng kanyang buhok. Bumalik siya sa pagkuha ng basket at muli ay kumuha ulit ng mga kaparehong designs na pinili ni Apple para sa kanya. Umikot din siya para kumuha ng ilang bandana.
"Oh? Akala ko ba pumila ka na?" bungad sa kanya ni Apple.
"Ahm, oo, kaso may nakalimutan ako," pagdadahilan niya pa sabay turo sa sumbrero.
"Okay. Wala ka na bang ibang bibilhin?"
Agad naman siyang napatango.
"Sa Watson kanina nagpunta ako. Ibinili na din kita ng sunblock lotion."
"Sweet. Thanks!" nakangiti niyang sagot.