Kabanata 6
"Zy, sure na ba talaga na wala tayong ambagan?" ani Apple habang naghuhugas ng pinggan.
"Ayaw ni Kathleen eh," sagot niya at kinuha pa ang isa niyang laptop sa sala.
"Really? Magkano ba ibinigay niya?"
"One hundred fifty thousand," kaswal lang niyang sagot habang may kinakalikot sa kanyang laptop.
"Ano!?"
Natawa siya.
"Why? Alahera ang sponsor natin. Magtataka ka pa ba?"
Apple make face at her.
"Hindi na masama! Zy, mag-hire ka ng stripper ha!" anito at napahagikhik. Maging siya ay nahawa din.
"As you wish. Kaso wala akong kakilala. I'll contact Erizza."
"Good! Bili tayo ng best swimsuit ha!"
"No problem!" nakangiti niyang sagot.
Napailing siya. Panigurado, babaha na naman ng kalokohan ang reunion nila nito.
NASA kuwarto na silang dalawa ni Apple at katatapos lang nitong maligo.
"Zy, may moisturizer ka?" ani Apple habang nagpupunas ng basang buhok.
"Nasa drawer," sagot niya at hinubad ang kanyang damit at kinumutan ang sarili.
"You still sleep naked?"
"Not totally naked, I still have my panty," sagot niya. Tinawanan naman siya ni Apple.
"Huwag mo gagawin iyan sa resort kapag nandoon na tayo."
"Hmm? Sure," mahinang sagot niya dahil nakaramdam na siya ng antok.
Nang maipikit niya ang kanyang mga mata ay naramdaman naman niyang tumabi na si Apple sa kanya.
"Zy? Still awake?"
"Hmm?" tanging tugon niya.
"Do you think I can find a better man?"
Napadilat siya at bumaling kay Apple.
"Iniisip mo bang walang magkakagusto sa iyo?"
Alanganin naman itong tumango.
"Twenty-nine na ako best friend, wala pa ding nagkakamali. Hindi naman ako choosy ah!"
"Twenty-nine din naman ako ah, wala pa ding nagkakamali."
"May admirer ka kaya, ako nganga!"
She laugh a bit.
"Huwag mo kasing hanapin. Hintayin mo lang."
"Baka forever na talaga akong tigang," nakasimangot nitong ani at tinakpan ng unan ang mukha.
She tap Apple's shoulder.
"Darating din 'yon, baka nadapa lang! Haha!"
Narinig naman niyang inis na umungol si Apple. Tinawanan niya lamang ito at bumalik na sa kanyang naputol na pagtulog kanina.
KINAUMAGAHAN ay unang nagising si Apple sa kanya. Kuwarto pa lang ay amoy na amoy niya na ang niluluto ni Apple sa kusina. Bumaba siya sa kama at nag-ayos ng kanyang sarili dahil papasok na naman siya sa trabaho. Pagkatapos ay bumaba na siya.
"Zy, may nag-iwan pala sa 'yo nito," ani Apple at ininguso sa kanya ang isang box. Kumunot naman ang kanyang noo at kinuha ang maliit na box na nakapatong sa center table. Dinala niya ito sa kusina at binuksan ito. Ganoon na lang ang gulat niya nang makita kung ano ang laman nito.
"Wow, ano iyan?" ani Apple at kinuha ang laman ng box.
"Taray ng beach slipper mo babae! Balenciaga!"
Yes it was a Balenciaga brand and she knows how expensive is this.
"Wala bang iniwang note?" tanong niya kay Apple.
"Wait, mayroon iyan eh," anito at may kinuha sa gilid ng Tv. Ibinigay ni Apple sa kanya ang maliit na sobre. Binuksan niya ito at binasa ang maliit na note.
"I'm waiting for you Zy," basa niya sa nakasulat. Kilig na kilig naman siyang siniko ni Apple sa kanyang tagiliran.
"Swerte naman ng freny ko! May admirer na galante!"
Napasimangot siya.
"Hindi ko alam kong matutuwa ba ako hindi kasi ang weird lang. Kung ano-ano kasing pinapadala niya at may ilang gamit na din akong nawawala."
Tinawanan naman siya ni Apple.
"Baka exchange gift ang gusto niya? Haha!"
Napangiwi siya.
"I am not sure kung iisang tao lang sila ha."
"Bakit? Ano na ba nawawala sa iyo?"
Nakagat niya ang kanyang ibabang labi at napahalukipkip.
"Isang dress ko na binili ko kay Erizza, at isang set ko ng panty. Iyan pa lang naman."
Malakas naman siyang tinawanan ni Apple.
"Baka naman magkaibang tao."
Kumikit-balikat naman siya.
"Malay ko."
Ginulo naman ni Apple ang kanyang buhok.
"Huwag mo na lang intindihin iyan. Kumain ka na at baka mahuli ka pa sa trabaho. Tandaan mong may leave kang one week para sa preparation ng reunion natin."
Napanguso siya at tumango na lamang. Sabay na silang kumain ni Apple at sabay din silang umalis ng apartment.
"Sigurado ka bang hindi ka na magpapasama sa akin?"
Umiling naman ito.
"Konti lang din naman bibilhin ko sa department store. Saka nasa akin na din naman na ang duplicate key ng apartment mo."
"Kinakabahan kasi ako. Ikaw lang mag-isa mamaya."
Saglit naman itong napaisip.
"Don't worry, hapon na ako uuwi para hindi ka na mag-alala."
"That's a better idea."
Muli ay niyakap niya ang kaibagan. They bid goodbyes and parted their ways.
Habang naglalakad siya papasok sa trabaho ay hindi na naman maalis sa kanya ang isipin kung kanino na naman galing ang natanggap niyang regalo.
May duda din talaga siyang iisang tao lang ang may pakana nito pero wala naman siyang idea kung sino.
Lutang ang kanyang utak hanggang sa marating niya ang hospital. Mariin siyang napapikit at nang magdilat ay nagpakawala siya ng malalim na hininga.
She immediately headed to her office after she signed her attendance.
Umupo siya agad sa mesa niya at inasikaso ang one week leave niya sa trabaho. She cross her finger after fixing her letter. She then stood up. Tinungo niya ang office ni Doctor Samuel Herrera.
Nasa pinto na siya nang bigla naman itong lumabas.
"Good morning Doc. I just want to..."
Napatigil siya nang tingnan siya nito.
"You're gonna ask me about your one week leave?"
Nakagat niya ang kanyang labi.
"Yes. I was just hoping you'll give me an approval?" Napangiwi siya. Doctor Samuel Herrera is the Head of Cardiology Department.
"You know I can't give you that Zy. We're most needed here and you know you are my best partner in operations."
Laglag ang kanyang balikat.
"How about just three days? Please!"
Nilagpasan siya nito.
"Still no!"
Inis siyang napapadyak. Marahil ay nagsumbong ito sa Kuya Caspian niya. The two of them are batch mate's in Harvard University and he's fives years older than her. Sinundan niya ito.
"Come on Sam! I'll be back after three days!" She drop the formality. Naiinis talaga siya!
"No," sagot nitong muli.