CHAPTER 3.1

1172 Words
Younis's POV "It's friday finally!" Napatingin ako sa katabi kong si Rina. Isa sa kaibigan ko dito sa school. Magkasundo kami n'yan. Mahilig kasi s'ya sa music, ganun din ako at ang genre ay kpop, pero support pa rin naman sa mga OPM. Lalo na pag sobrang ganda ng meaning ng lyrics. Maiiyak ka na lang bigla at feeling broken kahit wala kang jowa ganun kalakas impact ng OPM song sa aming dalawa. "Yeah see you sa Wednesday." Tumayo ako at nagbabye sa kan.ya. Magkasalungat ang daan ng bahay namin kaya 'di kami nagsasabay umuwi 'yung lagi ko naman kasabay ay may sakit. Naglalakad ako papuntang Robinson kasi duon ako sasakay. Ayokong maghintay sa tapat ng school namin. Ang tagal dumating ng jeep minsan puno pa. Pagdating ko ay walang masyadong tao kaya hindi siksikan ngayon. Tinignan ko ang oras and Its already 3:46 P.M. Maaga pa naman 4:00 P.M pa naman ang labasan nila Kent. Aabangan ko sila sa labas ng STI. Agad akong dumiretso sa paglalakad. Walking distance lang din iyon sa Robinson kaya ok lang malakad ako. Walang malayo para sa bebe ko. Sana maabutan ko sila. Pagdating ko sa harapan ng STI ay nagtatago ako sa gilid, baka makita ako nila ako dito at sabihan pa ako ng stalker. Gusto ko lang makita si Emer kahit saglit lang. "You look stupid!" Rinig ko mula sa likudan ko, pero hindi ko iyun pinansin. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa front door ng STI baka kasi makalagpas si Emer ko sayang naman punta ko dito. "Hey!" Agad akong napalingon sa likod ko ng merong kumalabit sa akin. "What are you doing there?" Tanong ng isang unknown guy sa akin. Tinignan ko mula ulo hanggang paa 'yung lalaki at binigyan ko s'ya ng tingin na nagtataka. "Who you?" I asked him. I've no idea how is he. Ngayon ko lang s'ya nakita. Mukhang hindi ito studyante dito dahil civilian ang suot nito. "I asked you first so answer me first!" He repond. Inalis ko ang tingin ko sa kan'ya at binalik sa front door. Paki ko ba sa kan'ya. "Shems baka nakalabas na s'ya?" I whispered. Bawat studyanteng lumalabas ay iniisa isa ko ng tingin. Kahit nakatalikod si Emer kilala ko s'ya kaya dapat makita ko s'ya ngayon. "Who?" Muli akong napalingon sa lalaki. Isa ba s'yang monggol. Tinignan ko ulit s'ya mula ulo hanggang paa pero maski amoy n'ya 'di ko kilala. "What's your problem?" I asked him again, irritated. I gave him a poker face look. "Ikaw ano problema?" Nag-smirked ito kaya hindi ko na lang s'ya pinansin. Binalik ko ang tingin sa front door ng STI. Pag-talaga nakalagpas si Emer, humanda sa akin ang lalaking monggol na'to.  Nanlaki ang mata ko ng makita si Emer na palabas na sa glass door ng school nila kaya umayos ako sa pinagtataguan ko. Patago ko itong tinignan. Sumaya na naman po ang aking mga mata na masilayan ang aking pinakaaasam na Emer. Kausap n'ya si Kent ngayon. Swerte naman ng kumag na 'yun. Madalas n'yang makita si Emer ko. Pababa na ito, pero hindi na ako kumukurap para makita ko kung saan s'ya pupuntang direksyon. "What the fudge!! magtago ka!" I was shook when someone pull me to hide from the cold side wall of this building, I stood on. Nanlaki ang mata ko sa ginawa ng lalaki na 'to. "Aish problema mo ba?'" I hissed, pero nakasandal na ito sa pader na akala mo naman hindi na s'ya makikita dahil sa ginagawa n'ya. Nang maalala ko si Emer ay agad kong binalik ang tingin ko kila Kent, pero napakunot ang noo ko ng hindi ko na ito makita pa.  "Tsk nasaan na sila?" I asked from no where, confused. Lumabas na ako sa pinagtataguan ko para hanapin sila Emer. Ihahakbang ko pa lang ang paa ko ng meron na naman humawak sa braso ko. "Isa pa! pepektusan kita sa esophagus mo!!" I warned him. hindi naman n'ya ako binitawan at hinila ulit kung saan kami nagtatago kanina. Wala ba s'yang tako sa akin. "Dito ka muna." He spoke with a low tone voice. Kita mo parang bata naman ito ngayon na takot maiwanan. "Ayoko!" I complain. Hinila ko ang kamay ko at buti binitawan n'ya dahil balak ko na talaga s'yang sipain ng malaman n'ya kung anong nagawa n'ya sa akin. Hindi ko lang naman nakita si Emer ng matagal dahil sa ginawan n'ya.  "ACLC?!" Napakunot ang noo ko sa sinabi n'ya.  Tinignan ko ito na ngayon ay nakatingin sa I.D lace ko. Agad ko iyung hinubad sabay tago sa bag ko.  Tutubuan ako ng tigyawat sa lalaking ito eh. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad buti naman at hindi na n'ya ako pinigilan pa dahil pektus na talaga ang aabutin n'ya sa akin.  Papunta na ulit akong robinson. Mamaya ay dadami na ang tao na sumasakay duon kaya binilisan ko na ang paglalakad ko. Nakita ko si Emer kahit saglit lang kumpleto na agad araw ko kaso sinira ng lalaking 'yun. Napahinto ako ng makita ko sila Kent at syempre kasama n'ya si Emer na may kasama na dalawang babae. Ang isa katabi ni Emer ang isa naman ay katabi ni Kent kaya na paatras ako. Ayokong makita nila ako buti at meron jeep na may nagbaba ng pasahero sa tapat ko kaya agad akong sumakay. Sumilip ako sa bintana.  Nakita kong nakangiti si Emer habang nag-uusap silang apat. Kelan kaya ako ang nasa tabi mo at nag-uusap ng ganyang kasaya? I always pray for you. "bla bla bla bla bla" Tinatamad akong makinig sa lecture ng teacher namin sa marketing. Bukod sa last subject na iniisip ko pa rin si Emer nung nakita ko nung isang linggo. Hindi ko naman tinanong si Kent dahil alam ko naman na baka iyon yung girlfriend n'ya. Binuksan ko ang notebook ko at pura pangalan ko at ni Emer ang nakalagay. Tinatamad din ako magsulat at makinig. Pinirmahan ko na lang ang bakanteng sa papel. Natapos ang isang oras na pura Emer Emer nasa utak ko buti na lang at hindi nagpaquiz si Sir. Uwian na kaya inayos ko na ang gamit ko. Lumabas na kami ni Jennie. S'ya 'yung lagi kong kasabay umuwi. Kasabay namin si Rina palabas at nagkwekwentuhan kami sa mga kalokohan kanina sa room. "Epic kaya si kyle kanina!" Tawang tawa na saad ni Rina kaya natawa ako dahil sa tawa n'ya. "Masepic ka charot!" hirit ko naman. Cute kasi inisin ni Rina tapos ang dami n'yang nawawalang gamit kaya minsan ayokong tumawa dahil pagbibintangan ka dahil sa katangahan n'ya. "Ah ganu-" "Hey!" Sabay sabay kaming napalingon dahil sa sigaw na iyon. Nanlaki ang mata ko ng makita 'yung lalaking nakita ko sa STI nung isang linggo Yung nagtatago ako. Shems anong ginagawa n'ya dito or baka mayroon lang s'yang kilala dito. Nauna na akong naglakad sa kanila at sumunod sila sa akin pero agad akong napahinto ng humarang sa harapan ko ang lalaking nasa STI nung nakaraan.  "Ohh kailangan na yata namin mauna ni Rina." Tinignan ko si Jennie na parang ng aasar pa. Eh alam naman nila na si Emer ang gusto ko kaya malabo kong magustuhan ang kumag na nasaharapan ko and hindi ko s'ya kilala kaya wag silang ano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD