CHAPTER 2.3

1096 Words
Younis's POV What kind of shameful thought that was. Should I say what kind of mind he has? That's bullshit! Mapapatang ama ka na lang talaga tapos 'yung huli n'yang sinabi na pagkatapos n'yo magsex ay proud. Si Emerson lang pinapangarap ko na lalaki tapos guguluhin n'ya ang pag-upo ko dito. Nagulat ako ng bigla n'yang hawakan ang balikat ko pero agad kong tinanggal 'yung kamay dahil palapit na iyon ng palapit sa ano ko. Tamang asawa ko lang ang makakagalaw dun at hindi s'ya. Malabo pa sa malabo na s'ya. "Mukhang maluwag ang pants mo sikipan natin!" Balak n'yang hawakan yun. Kaya agad kong hinawakan ang kamay n'ya at nilayo 'yun sa akin. Tinignan ko s'yang mabuti at mukha pa s'yang madaling maloko kesa sa akin kaya nginitian ko s'ya at inayos ang tali ng pants ko. "Kaya ko!" Walang gana kong sagot. Hindi ko alam pero ang luwag ng pwesto n'ya, pero bakit sumisiksik s'ya sa akin. Halos wala na ngang space sa pagitan namin. kumag din ito eh. Nagulat ako ng bigla n'ya akong akbayan pero aalisin ko na sana ng may bigla akong naramdaman na tumabi sa akin. Tinanggal ang pagkakaakbay sa akin ni Glenn. Agad kong tinignan kung sino 'yun at nakita ko ang mukha ni Kent. Ngayon ay nakaakbay sa akin dahil pinalitan n'ya ang braso ni Glenn. Mukhang nagulat si Glenn duon. Ginagawa ni monggol dito? "Sino ka?" Takang tanong ni Glenn kay Kent. Hindi ko alam pero biglang tumawa si Kent kaya tinignan ko s'ya ng anong ginagawa mo look. "I'm the one who should ask that stupid question to you!" Naging seryoso naman si Kent. Gusto ko sanang tumawa dahil sa inaasal nito, pero hahayaan ko muna para naman mapraktis na ang acting skill n'ya. Kaya pigil pigil muna ako. "Now, who you?!" Dagdag nito. Konti na lang talaga mapapabilib na ako nito sa galing n'yang umarte or sadyang maarte lang s'ya. "I'm Glenn!" Sagot nito na para bang inaangasan n'ya si Kent mukhang magkakaroon ng banatan dito ah. Kay Kent ako pupusta syempre. "Wala akong paki!" Hindi ko na napigilan ang pag ngisi dahil sa kabobohang ginagawa ng kumag na ito. Actually hindi naman ganto umasta si Kent. Ewan ko ba ngayon, ano ang nakain n'ya at ganito na lang ang naging asta n'ya. "Move!" Natigilan ako ng marinig ang boses na 'yun. Hindi man madalas na marinig ang boses na 'yun at isang beses ko palang iyon na ririnig ay natatandaan ko pa kung kanino ang boses na iyon.  Agad kong tinaas ang tingin ko at biglang lumakas ang t***k ng puso ko ng makita ko kung sino ang nasaharapan ko ngayon. Bigla itong lumapit sa tapat ko at tinanggal n'ya ang pagkakaakbay ni Kent sa akin sabay tinignan si Glenn ng wala man lang reaction sa kan'yan mukha. "Don't you dare touch her again!" Emer warned to Glenn. Tinignan ko ang mukha ni Glenn kung ano ang magigireaction n'ya dun.  Ngumiti lang ito at tumayo na. "And who are you!" At tinapatan n'ya si Emerson na para bang mag-aaway na ito. Sana si Kent na lang wag naman si Emer ko. Ayokong masaktan s'ya lalo na sa harapan ko. Pwede naman mag usap na lang sila kung kelan eh. "Hoy wag kang magsiga sigaan dito. Wala ka sa school!" Banat naman ni Kent. Agad na napatayo ito kaya tumayo na rin ako baka nga magkatotoo ang iniisip ko na magkagulo shems. "Oh are you from STI!" Sarcastic nitong sabi.  Ewan ko pero napatigil ako ng makita ko si Emer na napangisi. Lalo  s'yang gumagwapo dahil dun. "By the way Younis, next time na lang tayo mag usap ulit dahil may abalang dumating. See you next time" Wala naman akong reaction na binigay sa kan'ya. Nakatuon ang tingin at atensyon ko kay Emerson na ngayon ay kaharap ko na. Halos abot kamay ko na s'ya at bonus na pinagtatanggol nya pa ako. Saka pauso itong Glenn na 'to. Wala akong balak makipag kita sayo nest time.  "And you two, See you at school!" Banat naman ni Glenn pero pake ko ba sa kan'ya. Napaiwas ako ng tingin kay Emer ng tumingin na ito sa akin. Napansin ko na wala na rin pala dito si Glenn. The weirdo, umalis na pala s'ya pero ok lang para solo ko na si Emer. "Hoy gusto mo bang isumbong kita sa nanay mo!" Tinaasan ko ng kilay si Kent at bakit n'ya naman ako isusumbong kay nanay. "At ano naman ginawa ko?" Umupo ito at tinignan ako ng masama luh problema nito. "Don't talk to stranger! Mga bata alam na 'yan pero ikaw 'di mo maipasok sa kokote mo!" Sermon ni Kent sa akin. Nanlaki ang mata ko sa sinabi n'ya. Aba aba aba pinapahiya n'ya ako sa harap ng taong mahal ko. pag ito na turn off sa akin sasakalin ko paa n'ya.  Humarap ako sa kan'ya na nakapamewang. Wala akong paki kung makita pa ni Emerson ito pero normal na lang sa amin ni Kent ang ganitong eksena. "Alam ko 'yan pero ayoko lang maging suplada!" Sagot ko dito at sinamaan s'ya ng tingin. Akala nito parang dati nga kung sino sino din ang kinakausap. May narinig ba s'ya sa akin.  Napansin kong umupo si Emer sa kabilang gilid ng upuan kung saan nakaupo kanina si Glenn at ngayon ay bakante na dahil wala na si weirdo.  Ang gitnang pwesto ay libreng libre at ako na lang ang hinihintay. Putek makakatabi ko s'ya. "Whatever!" Padabog akong umupo, pero joke lang 'yun gusto ko lang talaga makatabi si Emer ko. "Kilala mo ba ang lalaki na 'yun?" Tanong ko kay Kent. Napansin ko rin na nakauniform s'ya at ganun din si Emer so galing sila ng STI. "Oo madalas namin s'yang nakikita sa hallway na nambubully at kilala din s'ya dun na may sapak sa ulo. In short kagaya mo na may topak!" Bigla itong tumawa at narinig ko rin ang pag-ngisi ni Emerson kaya sinamaan ko ng tingin silang pareho. Aba pero kay Emerson tingin ng masama with pacute. "Baka ikaw ang may topak!" Banat ko naman.  "Wag kang maniwala d'yan Emer!" Sabi ko kay Emer. Tumango lang s'ya bilang sagot.  Nagtawanan na lang kami at nagkwentuhan ng ilang minuto tungkol sa mga nangyari hanggang dumating na nga ang mga kaklase ko. Nagpaalam na rin sila na kailangan nilang bumalik ng school kaya ng naglakad na paalis si Emer. Pinagmasdan ko ito na naglalakad palayo sa akin.  Sumigla na naman ang araw ko dahil sa lalaking ninanais ko. Sa muli nating pagkikita aking mahal.                                                                      //END OF CHAPTER 02//
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD