CHAPTER 3.2

1073 Words
Younis's POV   "Oo nga tara na Jennie!" Natatawang pang sang-ayon ni Rina kay Jennie at naglakad na sila paalis. Susunod na sana ako pero agad na humarang ang isang kumag na ito sa dadaanan ko. akala ko naman si Kent lang ang kumag sa buhay ko meron pangdumagdag. "Ito ay itatanong ko ulit sayo ok! Ano bang problema mo?" Tanong ko habang nakatingin sa mga kaibigan ko na ngayon ay unti unti ng naglalaho sa paningin ko shems. "Sumama ka sa akin!" Bigla n'ya akong hinila at naglakad kung saan.  "Hoy bitawan mo nga ako!" I hissed at nagpupumiglas sa pagkakahawak n'ya. Hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak n'ya. "Please!" Natigilan ako na parang ang lungkot ng mga mata n'ya. Hindi ko na lang namalayan na hinila n'ya na ulit ako at ngayon ay nasaharapan na kami ng Robinson. Agad n'ya akong binitawan at pumasok s'ya sa loob. Ewan ko pero kusang naglakad ang paa ko papasok para sumunod sa kan'ya. Diretso lang s'ya maglakad na para bang kinalimutan n'ya na ako na inabala n'ya. hila s'ya ng hila tapos 'di mamamansin. Ang tahimik ng buhay ko na ginilo n'ya kanikanina lang. tsk monggol yata 'to. Nakarating kami ng fouth floor. Pumasok s'ya sa Infinitea kaya pumasok ako baka man libre s'ya eh. Pag hindi aalis na ako. "Ano gusto mo?" Nakaupo na ako sa tapat n'ya at ngayon ay tinignan ko ang mga mata n'ya na parang ang sigla naman. Problema ba talaga n'ya. Maski ako nalilito na sa kan'ya ngayon. "Kung libre mo bahala ka ng mamili." Sagot ko. Saglit n'ya akong tinignan at umalis na rin naman. Kung masamang tao 'to bakit dito ako hinila saka tiga STI ba s'ya? Ano ginagawa n'ya dun, pero 'di naman ako tiga STI pero nandun ako. Baka kaya may crush din s'ya na tinitignan duon.  Nakabalik din s'ya at nilapag sa harap ko ang isang large na milktea. Pang medium nga lang kaya ko kung nagkataon na kkb ito. Agad akong tumingin sa kan'ya. "Ano bang kailangan mo sa akin?" Tanong ko habang hinahalo ko ang milktea na bigay n'ya pearl lang habol sa mga ganito. "Gusto ko lang itanong kung ano ginagawa mo sa STI nung last friday." Napangisi ako dahil sa sinabi n'ya dahil lang dun nanghihila s'ya ng taong nananahimik.  "Seryoso ka ba?"Medyo na tatawa kong tanong sa kan'ya.  Wala naman itong reaksyon kaya mukhang seryoso nga s'ya. Inayos ko ang upo ko at pinatong ang dalawang siko ko sa table. Tinignan s'ya ng diretso na mukhang naghihintay ng sagot mula sa akin. "Paki mo!" Nakangisi kong sagot baka pag sinabi ko agawin n'ya pa Emer ko sa akin. "You look stupid while waiting beyond the building!" Lumiit ang paningin ko sa kanya at tinignan ng seryoso. "You're waiting someone. am i right?" he added. shems dapat pala sa harap ako naghintay para 'di ako mukhang tanga. "You better shut your mouth off!" Seryoso ko na rin na tugon. Hindi ko nga s'ya kilala tapos sasabihan n'ya ako ng ganyan. Tinaasan ko s'ya ng kilay ng matawa ito. "Kung gusto mo yung tao kahit mukha kang tanga hihintayin mo s'ya. Kahit walang kayo nag hihintay ako kahit walang pag asa hihintayin ko. Saka mukha man akong tanga o ano pa. Masaya ako na makita lang s'ya." Tumayo na ako at kinuha 'yung milktea. Libre naman n'ya ito kaya akin na 'to. "Di mo alam ang pakiramdam na dalawang taon mo na s'yang gusto pero binabalewa ka lang n'ya!" I said. Tumalikod ako sa kan'ya at nagsimulang humakbang palayo sa kan'ya. "Yeah! hmm you're right. I don't know how does it feel, but 13 years na binabalewa alam mo ba pakiramdam nun?" Agad akong napahinto sa narinig ko. Napaharap ako sa kan'ya na ngayon ay may pilit na ngiti sa mga labi nito. Makikita mo rin sa mata n'ya ang sakit sa mga binitawan nitong salita. Para akong ewan na bumalik sa inuupan ko kanina at hindi maalis ang tingin sa kan'ya. Okey lang kaya s'ya? "By the way I'm Carlo, Carlo Addison!" He offer his right hand for shakes hands. I accept it.  "Younis Killpack!" I responded. "Sino 'yung gagong hinihintay mo dun?" He suddenly asked. Wala pa ako sa sarili para sagutin ang tanong n'ya pero dahil kay Emer naman tungkol ito ok na rin. "Si Emerson Enriquez, my greatest Crush!" Nakangiti kong sagot. Ewan ko kahit anong sakit man pag nakikita ko si Emer na may kasama o kausap na iba, pero pag iniisip ko si Emer nawawala lahat 'yun. "Sino namang malas na babaeng hinihintay mo dun?" Hindi man n'ya sabihin na meron s'yang hinihintay doon ramdam ko na 'yun. "Nikka Garcia!" Pagkasabi nya dun ay humigop sya sa milktea nya. "Oks lang 'yan!" Natatawa kong sabi. Kalalaking tao baka mamaya maiyak pa dito. "So ano ba kailangan mo saki..." Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla itong lumipat sa tabi ko at pasimpleng sumisilip sa likodan namin. Glass door and wall kasi itong lugar na pinuntahan namin kaya kita ang mga tao sa labas. "Ano ginagawa n'ya dito?" Tinignan ko kung ano ba ang ang sinasabi n'ya. Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Emer na papasok na dito sa infinitea kung nasaan kami ni Carlo.   Agad akong napahigop sa milktea na hawak ko. Shems napahawak ako sa dibdib ko. Bakit ngayon pa naman kami pinagtagpo ng tadhanan. Hindi ako ready makita ang gwaponess n'ya. Napayuko ako ng sa kabilang table lang sila. Bali nasa gilid namin shemay. sinilip ko sila at kasama pala si Kent. "f**k guy!" Rinig kong bulong ng katabi ko kaya agad ko s'yang tinignan at kinalabit. "Shhhh wag kang maingay baka lumingon sya dit- Carlo ok ka lang?" Hinawakan ko ang balikat n'ya at tinignan s'ya ng maayos wag n'yang sabihin 'yung babaeng kasama nila Emer iyon si. "Nikka wait sama ako!" Agad akong napabitaw kay Carlo ng makita ko si Emer na tumayo at pumunta sa counter kasama ang babaeng nakita ko rin nung nakaraan na kasama n'ya. Bumalik ako sa realidad ng magring ang phone ng kasama ko. Tumayo ito pero 'di ko inakala ng hihilahin n'ya ako palabas. Hindi na lang ako pumalag dahil ayoko rin naman makita si Emer na may kasamang iba. Patuloy ang paglalakad namin hanggang sa makalabas kami. Hindi ko alam kung saan n'ya ako dadalin. lumiko ito at huminto s'ya sa Feliza malapit lang sa school namin 'to. Meron dun motor. Hindi ko alam kung anong tawag dun. Madalang magkatao dito 'di ko alam kung bakit. Malawak at malaki meron pang basketball court dito sayang wala kaming bola maglalaro na lang sana kami ng lalaking ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD