PROLOGUE
"Emer, Anak!"
Nagising ako dahil sa may umuuga sa akin. Dinilat ko ang mata ko bumungad sa akin si Mama.
"Bumangon ka dali!" taka ko itong tinanong ng bigla s'yang naglabas ng bag at nagmamadali itong nilagay ang mga damit ko.
"Ma, What's the problem?!" naguguluhan kong tanong at bumangon na.
"Nasa baba ang lola Esmeralda mo, gawin mo na ang gusto at ang plano mo. Utos ito ng papa mas maganda kung lalayo ka na muna dahil hindi ka titigilan ng lola mo!" Nilapitan ko si mama.
"Hindi ko kayo iiwan!" sagot ko sa kan'ya. Tinignan n’ya ako ng diretso sa mga mata ko. Umiwas ako ng tingin sa kan’ya ng makita ko ang luha nito sa mga mata n’ya.
"Emer, malaki ang tiwala namin sayo ng papa mo kaya mong mabuhay mag-isa, ayain mo si Younis kami na ang bahala sa magulang nyang magsabi!" Pinunasan nya ang luha nito. Umiling ako sa kan'ya.
"Paano kayo ni Papa?!" nag-aalala kong tanong. Nagagawa ni lola Esmeralda sa akin ang mga ganitong bagay paano pa kay Mama.
"Hindi ako papabayaan ng papa mo!"
Niyakap ko si Mama at hindi ko mapigilan ang maluha dahil sa nangyayari ngayon sa amin.
"Babalik ako!"