Younis's POV
Nakaupo ito sa may tinataniiman ng halaman. Semento kaya pwedeng upuan, pero pinagbabawal 'yun pero makulit ako kaya umupo na rin ako sa tabi n'ya.
"Alam mo sayang milktea natin dun." Panimula ko pero patuloy lang itong nakayuko at walang imik. Ganun n'ya ba talaga kagusto ang babaeng 'yun para magkaganyan s'ya.
"Para ka naman bakla dyan eh." Ayokong meron na umiiyak sa harap ko. Matatawa lang ako or maiiyak din.
"6 years ago ako 'yung dahilan ng ngiti n'ya." ows so naging sila pala buti pa s'ya naging sila nung crush n'ya. Samanta ako na ngangarap pa rin kay Emer.
"Tapos ngayon tinignan n'ya lang ako na parang hindi kilala!" Napalingon lingon ako sa paligid. Bakit naman ang drama ng lalaking ito eh. Nakita ko rin naman si Emer na may kasamang iba. Dapat ako nag dradrama dito eh kinabog pa n'ya ako.
"Hoy nakikita mo 'yun!" Turo ko sa basketball ring na ilang hakbang lang ang layo samin mga 13 ganun.
"Yup!" Mabilis n'yang sagot. Tinignan ko s'ya at nginitian.
"Nakikita ko rin!" Nakita ko s'yang ngumiti kaya natawa ako. Nung sinabi ko ang joke na 'yun sa nanay ko nahampas ako buti sa kan'ya effective.
"Kung iisipin mo lang 'yan. Ikaw lang rin ang mahihirapan, kaya chill chill lang." Meron akong hand gesture na ewan ko kung anong tawag dun pero natawa s'ya. Masyado ng benta ang mga joke ko sa kan'ya. Tama na baka maubusan ako pag kay Emer na ako babanat.
"You are totally different with her." Tinignan ko ang lalaking nasa tabi ko at tinaasan ko s'ya ng kilay sabay tinuro sa sarili ko. Hinampas ko s'ya sa balikat n'ya.
"Alam ko!"
"I don't know what our differences, but she made Emer fell in love with her." I added with a gloomy vioce. Umiwas ako ng tingin sa kan'ya. Nahahawa na ako ng kadrama nitong lalaking ito.
"Personality!"
-
Naglalakad ako papunta kila Kent dahil gusto kong malaman kung girlfriend ba ni Emer ang kasama nila sa Infinitea nung nakaraan. Saka gusto ko rin malaman kung ano ba talaga ang gusto ni Emer when its come to personality.
Ilang araw na akong nag-iisip kung ano ba talaga pinagkaiba namin nung babaeng 'yun na iniiyakan ng Carlo na 'yun.
Kung hindi n'ya lang gusto si Nikka. Pagkakamalan ko s'ya na bakla 'yun. Napangiti ako ng bukas ang pinto nila. Sabado na ulit kaya wala s'yang pasok ngayon. Pumasok na ako dahil kilala naman ako dito. Pumunta muna ako sa kusina. Walang tao sa sala at duon ko nakita sila tita at tito na nagkakape na agad akong nagmano.
"Kape ka muna Younis!" Tumango ako at umupo sa tabi ni tito. Close ang pamilya namin kaya oks lang pumasok ako dito kahit walang paalam.
Nagsimula na akong magtimpla ng kape. Dalawa ang tinimpla ko para kay Kent ang isa pagkatapos ay nagkwentohan lang kami ng konti at nung kumulo na ang tubig ay umakyat na ako kwarto ni Kent.
"Tsk ibang klase!" Binaba ko ang kape sa study table n'ya na punong puno ng papel. Sipag mag aral eh. Umupo ako sa kama n'ya at tinignan s'ya na natutulog pa.
"Hoy!" Tinapik ko s'ya pero hindi ito nagising kaya agad akong tumayo at nakakalokong ngiti sa labi.
"Hindi ka magigising?" Hinanda ko ang dalawang kamay ko at tinulak s'ya sa kama at pinalitan ang pwesto n'ya. Ako ang humiga. Rinig ko ang pagkabagsak n'ya sa sahig kaya napangiti ako ng marinig ko ang malupitan n'yang mura. Pake ko sa kan'ya.
"Anong ginagawa mo dito?" Inis nitong tanong na tumayo mula sa sahig. Umupo ako mula sa kama n'ya at nag ninja seat.
"Pinagtimpla kita kape!" Turo ko sa basong nakalagay dun sa study table. Sweet ko ngang kaibigan narinig kong meron s'yang sinabi pero 'di ko naintindahan. Kaya masama ang tingin ko sa kan'ya na naglalakad ito papunta dun sa table.
"Thank you ahh" Sarcastic kong sabi pagkahigop n'ya sa kape na timpla ko. kinuha ko rin yung akin at ininom.
"Thank you rin sa pagtulak! Pag ako na balian dahil sayo!" Nginitian ko na lang s'ya. Arte naman n'ya.
"Jowa ba ni Emer 'yung babae na kasama n'yo nung nasa infinitea kayo?" Tanong ko. Saglit n'ya akong tinignan at inayos n'ya ang mga papel na nakakalat sa study table n'ya. Meron pa nga sa sahig pero hindi ko s'ya tutulungan. Kalat naman n'ya 'yun. Kalat mo linis mo.
"Tigilan mo na si Emer para kang adik" Singhal nito. Napapout ako at Sinipa ko s'ya ng mahina pero sapat na 'yung para matumba s'ya mula sa pagkakaupo sa sahig. Pinupulot n'ya na kasi ang mga papel sa sahig.
"Adik talaga ako sa kan'ya!" Banat ko pa. Sinamaan n'ya ako ng tingin pero hindi ko yun pinansin.
"Bestfriend n'ya lang 'yun!" Sabi n'ya bigla na patuloy pa rin na pinupulot ang mga papel sa floor. Tumaas ang kilay ko at tinignan ko s'ya. Binaba ko ang baso na may lamang kape na hawak ko at umupo din sa sahig para makatapat ko s'ya.
"Maniwala sayo. Bakit sumama pa s'ya sa counter na bumili?" Tanong ko napailing ito at tumayo mula sa pagkakaupo. Tumayo din ako para matapatan s'ya.
"Akit ikaw 'di ka sumama?" Dagdag ko pang tanong. Pwede naman s'yang sumama rin saka 'yung isang babae na nakita ko last last friday 'di naman nila kasama pero 'yung Nikka nandun.
"Ano naman gagawin ko sa counter?" Tumigil ito sa ginagawa n'ya at tumingin sa akin kaya napahinto na rin ako.
"Syempre dapat sumama kasi alam mo naman na gusto ko si Emer!" Napapikit ito na halatang nagtitimpi na lang sa akin.
"Bestfriend nga lang yo-" Hindi ko s'ya pinatapos sa pagsasalita.
"Eh bakit nga sumama s'ya sa counter! Hindi naman pala n'ya jowa 'yun!" Padabog akong umupo sa kama n'ya at tinignan s'ya ng masama. Napakamot na lang ito ng ulo n'ya na halatang naiinis na talaga sa akin. Ano tingin n'ya sa akin 'di na iinis sa kan'ya baka nga pektusan ko na s'ya eh..
"Ikaw anong ginagawa mo sa kwarto ko 'di naman kita girlfriend ah!" Lumapit s'ya sa akin at kinuha n'ya ang kamay ko at pilit hinihila palabas ng kwarto n'ya, pero pinipigilan ko iyun.
"Matagal ko na 'tong ginagawa saka bestfriend mo ako!" Sigaw ko sa kan'ya. Hinila ko ang kamay ko mula sa pakakahawak n'ya at tumakbo ulit papasok sa loob.
"s**t! finally 'yun na nga bestfriend n'ya 'yung sumama sa counter na babae na 'yun. Wala silang pake sa isa't isa kung saan man sila pumunta may girlfriend si Emer nasa BSU. Hanapin mo dun kung gusto mo!" Agad ko s'yang nilapitan at hinampas sa braso.
"Sama talaga ng ugali mo!" kinuha ko ang papel na inayos n'ya at hinagis ko sa ere para makalat ulit kinuha ko ang kape ko at patuloy kong ininom 'yun. swerte lang ako at hindi ako pinapatulan ng physical nito monggol na ito kung nagkataon rambol abot namin dito pero syempre 'di ako papatalo. Nakita ko ang itsura ni Kent na napapikit sa inis sa ginawa ko.
"Bestfriend lang pala OA mo kasi Kent!" Nakangiti kong sabi. Bumuntong hininga ito kaya napangiti ako ng pinupulot n'ya na naman ang papel kaya tinulungan ko na lang s'ya nakakaawa naman eh.
Nagkwentuhan kami pagtapos namin linisin ang kwarto n'ya. Tinanong n'ya rin kung sino 'yung lalaki na kasamahan ko at pinapalayo n'ya ako dahil hindi ko naman daw kilala pagkatao nun baka anong mangyari sa akin at biglang magkaroon ng unli kape at unli lugaw samin kaya pinaghahampas ko s'ya ng unan n'ya. Tinuruan din n'ya akong kumuha ng picture, photographer ito. Masmagaling nga lang ako.
//END OF CHAPTER 03//