CHAPTER 4.1

1140 Words
Younis POV Lunes na naman at ngayon ay nasa Jeep papasok na ako, gaya ng dati ay nakatingin sa labas. 10 minutes na lang at 8:00 am na pero wala pa ako sa kalahati ng byahe, buti na lang mabait mga teacher ko. Pinipilit ko naman na pumasok ng maaga, kaso paglabas ko ng C.R talagang late pa rin. Magugulat na lang ako, 20 minutes na lang start na ng klase eh parang kapapasok ko palang sa C.R tapos paglabas ko no effect 'di pag aalarm ko ng 5:00 am, dahil late din ako. "Take home na nga sis pero hindi ko talaga kayang ibalance!" Nilingon ko yung katabi ko sa kanan dahil driver na sa kaliwa ko. Tinignan ko ang hawak nito na lukot lukot na papel at isang columnar sheet na kulay dilaw na lukot lukot na din. Tinignan ko ang babae na mayroong kausap sa phone. Binalik ko na lang ang tingin ko sa labas. normal lang naman na mayroong gan'to akong na eencounter lalo na sa public. "Sis ayokong bumagsak pinakopya kita sa oral com. tapos sasabihin mo na bahala na ako?" Inis na banat ng babaeng katabi ko. Mukhang magkakaroon ng friendship over mamaya. Napangisi ako dahil sa iniisip ko. "Ano bang kurso mo ineng?" rinig kong tanong ng isang pasahero. "Grade 11 po ako ABM." Wow same strand pa pala kami. Marami akong nakikita sa f*******: na umiiyak sa accounting pero ewan ko kung OA ba sila or ano na ewan. "Hindi ko po talaga maintindihan kung paano ibalance ito pagbumagsak ako dito lagot ako kay papa." Kinuha ko ang phone ko para tignan ang oras at 5 minutes na lang late na ako. umayos ako ng upo at hindi ko maiwasan tignan 'yung babae. Tinignan ko 'yung papel ang daming erasure at halata ngang 'di nya mabalance, dahil wala pa ito sa kalahati nung trial balance na ginagawa nya. Napakamot sya sa ulo at kinuha ang calculator nya at nagsimulang ulitin. Seryoso kong pinagmamasdan ang ginagawa nya limang transaction ay ayos naman, kaso nagkagulo g**o na, nang mali 'yung lumabas at hindi na naman ito balance kaya binura nya ito. Binasa n'ya ulit ang problem. Hindi ko maiwasan na tignan s'ya. "Prepaid expense sa asset." Napalingon sya sa akin at binigyan ko sya ng isang malupitang ngiti.  "Pero expense ito so dapat nasa owner quity ito." Aba tinuturo ko na nga ang tama ayaw pang makinig ibang klase. "Thank me, later!" kinuha ko ang columnar sheet nya na ngayon ay lukot na at ready ng itapon sa basurahan.  "No time to explain! Prepaid expense sa asset 'yung. Ang unearn revenue sa liabilities at account recievable asset and drawing equity." Lahat ng accounts na 'yun ay nilagay ko sa tamang paglalagyan at kinuha ko ang phone ko para iadd lahat iyun. Hindi na ako nagsalita ng matapos kong iadd at pinakita na lang sa kanya yung total asset at total liabilities and equity. nanlaki ang mata nya na tumingin sa akin na akala mo kung ano na nagawa ko. isang ngiti ang binigay ko at napansin ko na malapit na ako sa school kaya pumara na ako sa jeep.  "Ate ano po name mo?" Tinaas ko ang kamay ko habang naglalakad pababa ng jeep at nagpeace sign. "Younis killpack" nakangiti kong sagot nag wave sya at umalis na ang jeep. "HOY!" Nawala ang ngiti ko ng makita kong sino ang sumigaw mula sa kabilang kalsada. "Bakit nandito 'to?" Agad akong tumawid at sinalubong nya akong nakangiti sa mukha baklang 'to nung nakaraan mukhang ewan tapos ngayon mukhang ewan na naman. Wait bakit ganto suot nito?  "Ayos ba?" Wala akong reaction na binigay sa kanya at pilit iniisip bakit ganyan suot nya, napakamot ako sa ulo tapos biniyan ko sya ng tingin na naguguluhan. "Ganto talaga pag gusto mo mapalapit sa isang tao." Sabay tawa n'ya naka uniform kasi s'ya ng STI hindi ko naman alam kung saan s'ya nag-aaral dahil wala akong pake hahahha  "Hindi ko tinatanong!" naglakad na ako papunta sa loob ng school dahil late na nga ako nakuha ko pang makipagdaldalan sa monggol na yun. "Hey classmate kami ni Emerson!" Napahinto ako sa paglalakad at nilingon sya, sobrang saya nya yata tumakbo ako papalapit sa kanya. "Chat mo sakin room nyo dadalan kita Milktea!" lumawak ang ngiti nya sa labi, syempre pagkakataon ko na yun para mameet si Emer "Ganto talaga pag gusto mong mapalapit sa isang tao" natatawa kong sabi tinaas nya ang kanan nyang kamay at nakipag apir ako. "Pero medium lang!" sabi ko sabay talikod dahil 20 minutes na akong late dahil sa kanya. nakangiti akong pumasok sa room.  shems dapat ba bili ko rin sya o ano ay hindi wag na baka isipin nya na sya yung pinunta ko dun, pero sya naman talaga pupuntahan ko tama tama bibili ko na rin sya. "Um chocolate almond milk tea large po and.." ano naman kaya kay Carlo wait ano kaya pinakamura. "And original milktea nai cha po medium!" di ko pa naman dala yung pera ko lahat wala na akong pamasahe pa uwi dapat di ko na pala binili si Carlo, kaso nilibre nya ako dati kaya sige na nga baka maiyak pa yun. "Sugar level ma'am?" bigla akong kinabahan anong sugar level yun, hindi naman kasi ako muorder dito laging si Kent shems paano 'to. nginitian ko si kuya na naghihintay ng sagot ko. "Level one?!" hindi ko sure na sagot, ano ba kasing level yun. napalingon ako sa likodan ko dahil sa tawang narinig ko. Gwapo naman ni kuya bagay sa kanya ang bangs nya tapos bagsak pa yung buhok pero mas gwapo pa din Emer ko walang makakapantay sa kanya. "Level 25" sabi ng lalaki sabay tingin sa akin. "miss ikaw po?" napabalik ako sa katinuan ng tawagin ako ni kuya na yun. "25" ginaya ko na lang ang sinabi ng lalaking nasalikodan ko at umalis na ako, malay ko ba naman kasi na may level yung sugar dun. Syempre nilikad ko lang ang STI lapit lapit lang saka sayang pera, pero sa milktea di nanghinayang.  Ngayon ay nasatapat na ako ng building ng STI at kinakabahan ako dahil ayaw pa magreply ng kumag sa si Carlo yun. Pumasok ako at nakatingin sa akin yung guard kaya lalo akong kinabahan baka di ako papasukin hihinto na ako sa paglalakad para umatras sana kaso bigla nyang binuksan ang glass door kaya napangiti ako, ngumiti naman sya pabalik shems akala ko naman mahigpit sila buti pa dito aircon agad sa hallway. Tumunog ang phone ko at nakit ako ang chat ni Carlo na room 306 daw sila kaso di ko alam kung anong floor yun. Konti lang ang student na nakakalat dito, nakatapat ako sa elevator pero di ko talaga alam ang floor kung saan ba yun chinat ko na si Carlo pero ang bagal bagal magreply pektusan ko sya mamaya, mayroong lalaking nagmula sa likod ko at nilagpasan ako papasok na sya sa elevator kaya agad akong sumunod at pumasok nakatalikod sya sa akin ngayon dahil pinindot nya yung 4th floor. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD