Ang Pag-ibig Nga Naman

1262 Words
Galit pa rin ang tatay ni Grace sa kan'ya. Hindi siya papayag sa gusto ng anak dahil sa siya ay ngayon lang nakakabawi dito. "Ano ba ang pinakain sa 'yo ng lalaki na 'yan para mahumaling ka sa kan'ya nang ganiyan!" wika ni Don Leon sa anak. Mayaman ang tatay niya at kabi-kabila ang mga negosyo nito hindi lamang libo kinikita sa isang buwan kung hindi million. "Anak, ikaw ang akin prinsesa at lahat ng ito ay para sa iyo kaya sana huwag ka umalis sa piling ko dahil ano pa ang saysay nito kung ikaw ay mawawala muli!" "Papa hindi po ako mawawala sabi nga ni ina noon, minsan lamang darating ang tunay na pag-ibig kaya panghawakan mo nang mabuti upang ito ay hindi makuha nang iba!" turan ni Grace sa ama na hindi pa rin makapaniwala. "Anak, hindi mo pa kilala si Bryan Montejo. Mapaglaro ang lalaki na 'yon at marami nang babae ang pinaluha nito kaya makinig ka sa akin sana anak!" sambit nito sa anak na tingin ni Leon nabulag nang dahil sa pag-ibig nito kay Bryan. "Hindi talaga ako papayag kaya kakausapin ko Bryan Montejo na 'yan. Wala siyang magagawa sa Magestic bar at hindi ko papayagan ang banta niya kung 'yon kinatatakot mo kaya ka sasama sa kan'ya!" Kinabahan si Grace sa sinabi ng ama. Ayaw niya malaman ni Bryan ang totoo. Gusto niya makilala ang lalaking ito nang mabuti. "Papa, huwag po! Hayaan po muna ninyo ako sumama. Huwag po ninyo sana sabihin ang totoo kung sino ako sa kan'ya," saad ni Grace na nagsusumamo sa ama. "Bata ka pa anak at marami pa ang lalaking tiyak mamahalin ka at sasambahin sa habang buhay," turan pa ng ama ni Grace sa dalaga. "Ama, patawarin mo ako sa gagawin ko at mapatawad mo sana balang araw dahil ikaw ay mahalaga sa akin. Ako man ay magkamali wala ako sa inyong sisisihin. Asahan ninyo na tatayo ako muli kung saan ako madapa at babangon muli upang tuparin ang aking mga pangarap." Wika ng dalaga na umiiyak na sa lungkot na siya ay mahiwalay na sa ama. Napaiyak na ang ama ni Grace ayaw niya pumisan ang anak kay Bryan pero ito ang pinipili ng anak ngayon. Kahit siguro ikulong niya ang anak o kaya ay bogbugin aalis at aalis pa rin ito. "Anak kapag si Bryan trinato ka nang masama umuwi ka rito at ikaw ay tatanggapin ko nang maluwag sa aking puso." Ani Don Leon sa anak na si Grace. "Kapag nangyari po 'yon, ako ay babalik sa piling ninyo at hindi na aalis magpakailaman man." Maluwag nang tinanggap ng ama ni Grace ang pasya ng anak na tumira kasama nitong binata. "Ama, kahit nasa malayo ako huwag mong kalilimutan na palagi ka nasa puso ko!" turan pa ni Grace sa ama saka siya nito niyakap at hinalikan pa sa noo. "May ilang araw ka pa anak para pag-isipan ito mabuti. Ako ay hindi kunsintidor na ama at hindi pabaya ang hangad ko lamang lumigaya ka sana." Naluluha pa si Grace na yakap ang ama at alam niya na babaunin sa puso ang mga pangaral ng ama. "Paano pala ang pag-aaral mo?" tanong ng ama. "Ipagpapatuloy ko po kahit ako ay naroroon. Hindi po ako hihinto para maipagmalaki rin ninyo ako balang-araw at papa, salamat po!" Ngumiti na rin ang ama niya dahil alam niya na kahit na ang anak ay lumayo hindi nito ipahahamak ang sarili. Nakikinig pala si Enrique sa mag-ama at siya man ay para na ring sasabog ang dibdib. Ang dalaga ay tinuring na rin niya na parang anak. Sa mansion naman ni Bryan ay biglang dumating ang ina nito na hindi maipinta ang mukha dahil sa nabalitaan niya sa taong kan'yang binayaran para sundan ang binata tungkol dito kay Grace. "Bryan, ano itong nabalitaan ko na nahuhumaling ka raw sa isang tagahugas lamang sa kusina ng isang club?" galit na wika ng ina niya kay Bryan. "Ano na naman ba ang tsismis na nasagap ninyo, ma!" Tumingin nang matalim ang ina sa binata. Malaking babae ang ina nito at may katabaan kaya madaling hingalin kapag ito ay nagsasalita. Hindi pa naman gaano ito na matanda, nasa singkuwenta pa lamang ito. Kung ang ina niya ay ihahambing sa mga aristokratang ginang masabi na ito ay pasado na rin. "Sinasabi ko sa iyo, Bryan ang gusto ko ay mayaman na gaya natin. May pinag-aralan at ito ay puwede mo iharap sa mga kasosyo mo at mga kakilala na kabilang sa ating mundo." Napatingin siya sa ina at ito ay napabuntong-hininga saka nagkibit-balikat na lang dahil ayaw niya na makipagtalo pa sa ina. Kinuha na niya ang susi ng kan'ya sasakyan, nagpaalam na aalis na muna dahil tiyak na matagal ang sermon nito. "Saan ka na naman pupunta? Huwag mo pupuntahan ang babae na 'yon at malintikan ka sa akin!" sigaw nito sa anak na palabas na ng pinto. Sumakay na ang binata sa kan'ya sasakyan na dinala ng driver niya sa hàrapan nitong mansion at dali-dali na itong pinaandar. Dumating ito sa parking lot ng Magestic bar at bumaba ito para makita si Grace gusto na niya kasing tanungin ito kung ano ba ang pasya ng dalaga. Tinanaw niya ang Magestic bar at totoo nanghihinayang rin siya kung ipapasara niya ito. Ang totoo ay nabigla nga lang siya dahil sa galit niya sa dalaga kaya nasabi 'yon. Marami siyang koneksiyon sa gobyerno at isang pitik lang niya tiyak na magsasara ito pero alam niya na lalaban din ang may-ari nito. Ang Magestic bar ay mayroon tatlong palapag. Sa ibaba ang bar, sa pangalawang palapag ay ang mga VIP rooms at sa ikatlong palapag ay opisina. Sa gilid ay may isang gate na mataas na may bantay dahil ang likod nito ay may golf course, gym, tennis court at mayroon malaking hotel sa gitna na may swimming pool. Malaki talaga ang Magestic bar and country club kaya dinadayo ito ng mayayaman at mga kabataan mahilig sa mga sosyalan katulad nito. Maaga pa at mamaya pa ang bukas ng bar pero alam niya na maaga dumarating itong si Grace kaya balak niya sa likod dumaan pero nakita niya ang dalaga pababa sa magarang sasakyan na Mercedes Benz. "Grace, Grace!" Nagulat bigla ang dalaga dahil paano niya mapaliwanag sa lalaki kung bakit siya sakay ng mahal na sasakyan. Kinakabahan ito sa palapit na binata. Hindi niya alam kung ano ang isasagot kapag ito ay nagtanong nang bumaba na rin si Enrique rito. "Bryan, ang aga mo yata para bukas," biro nito sa binata na nasa harapan na nila. "Sinundo mo ba si Grace? Ang tanda mo na para pumorma ka pa sa tulad niya," turan nito kay Enrique na may ngiti parang nang-iinsulto. "Kay aga mo para magselos, hindi ka pa nga sinasagot ng aking alaga. Saka mo sabihin 'yan kapag talaga kayo na!" sagot naman ni Enrique na tatawa-tawa na para naman nakakaloko. "Hintayin mo at baka ikaw ay umiyak. Hindi mo ba nakikita ang katotohanan na ako at siya ay may koneksiyon!" sabi nito na mayabang kay Enrique tahimik na hinatid ang dalaga sa likod. "Siya ba ang iyo nagustuhan at gustong samahan? Anak, sayang ang kabataan mo kung magpapadala ka sa lalaki na 'yan, baka magsisi ka lamang!" babala ni Enrique sa dalaga na tahimik lamang at hindi rin siya pinapansin. "Kahit yata ano ang sabihin namin ng ama mo talaga yatang yari na ang pasya mong sumama diyan sa damuhong lalaki na 'yon." Tahimik lamang si Grace at ayaw niya sumama ang loob ng lalaki na tinuring na niya na parang tiyuhin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD