Pagkukunwari

1479 Words
Lingid sa dalawa ay narinig ni Enrique ang sigaw ni Bryan sa dalaga at hindi niya gusto ang mga nangyayari pero sino nga ba ang hindi magkakagusto sa alaga niya. Mula nang si Grace ay makita niya at makilala tinuring niya ito na anak kaya sa kan'ya na pinagkatiwala ng amo niya ang dalaga. Nagpakita siya kay Grace ng ito ay pabalik na ng Magestic bar na siyang kinagulat nito. "Saan ka galing at bakit ka lumabas ng kusina?" tanong nito kay Grace na para bang ito ay pinagpawisan. "Nagpahangin lamang po sa labas." paliwanag pa nito sa lalaki. "Ay naku, nahuli na gusto pa yatang lumusot," anya pa sa sarili na tatawa-tawa. "Payo ko lamang anak, bata ka pa at marami pa ang tiyak na mag-aalay sa iyo nang wagas na pagmamahal kaya huwag ka sana magmadali." Napatingin si Grace sa lalaki at siya ay napaisip kung ang ginawa niya ba ay nakita nito kaya kinabahan ang dalaga dahil baka isumbong siya sa ama nito. Lumipas ang ilang araw at si Bryan ay hindi na napagawi sa Magestic bar kaya si Grace ay walang gana na nakatalungko sa may kusina. Pumasok sa may kusina si Enrique nang mapansin niya si Grace na hihikab-hikab at mukhang matamlay. "Anak, gusto mo ba sumama sa akin sa labas. Manood tayo ng banda dahil may bago sila na recruit at kasing idad mo raw ito." Turan nito kay Grace na parang walang naririnig. "Sige na at tumayo riyan nang kahit paano ay ganahan ka na kanina ka pa tinatamad," saad nito sa dalaga na hindi pa rin kumikilos. "Kanina pa yata si Sir Montejo na naroon kaya mauna na ako at baka may iutos," dagdag pa ni Enrique na talaga pinarinig sa dalaga. "Si Sir Bryan ba ang sinabi mo na Montejo?" tanong ni Grace. "Oo, bakit? kilala mo ba siya at nanlalaki ang mata mo?" sabi ni Enrique na natatawa pa. "Ah, hindi narinig ko lamang ito. Sige lumabas na tayo." Kapansin-pansin ang bigla na sigla ng dalaga at mabilis pa sa alas kuwatro nito tinungo ang pinto. "Teka po Tito Enrique, hindi po ba magagalit si papa kasi ako ay lumabas sa kusina?" bigla niyang tanong sa para niyang ama-amahan. "Huwag kang mag-alala hindi malalaman ni amo gagawin natin," sagot ni Enrique upang si Grace ay mapanatag. "Sandali lang tayo, huwag ka lalapit sa kan'ya nang hindi ka makarinig ng kung ano-ano." Isinama na nga ni Enrique ang dalaga at dala-dala nito ang mga malinis na kopita binigay niya ito sa may waiter sa bar. Nagtaka pa ang waiter dahil hindi naman kailangan ito at sapat ang dami ng mga kopita roon pero napansin kasunod nito si Enrique kaya ito bigla tumahimik na lamang. "Tito Enrique wala po talaga problema na narito ako?" wika muli ni Grace. "At bakit naman magiging problema na naririto ka?" ani ng isang tinig sa likuran nang lingunin niya ay si Bryan pala ang nagsalita. "Menor de edad pa lamang kasi siya, sir at bawal po kaya doon lamang siya sa kusina." Napatingin si Bryan kay Grace at humingi nang permiso ito kay Enrique na makausap ang dalaga. Hinila ni Bryan si Grace sa likuran bahagi ng club ng ito ay napatingin sa kanilang mga kamay na magkahawak. "Menor de edad ka pa pala pero bakit dito mo naisipan na magtrabaho? Hindi ka natakot man lang na may mangyari sa 'yo!" galit na bulyaw ni Bryan sa babae na nakamata lang sa binata. "Alam ba ng 'yong magulang ito?" dagdag pa ng lalaki. "Teka lang ha! Una wala na akong ina at hindi ko alam kung nasaan ang tatay ko, pangalawa kailangan ko ang kumain at mabuhay kaya ako ay nagtatrabaho rito kaya ako ay huwag mo husgahan dahil hindi mo ako kilala!" sigaw ni Grace sa binata na para bang naapakan nito ang pride niya. "Sorry pero ako ay nagagalit dahil hindi mo inaalagaan ang sarili mo. Paano na lang kung sa pag-uwi mo ay hatakin ka na lamang ng isang lasing!" Hinawakan ni Bryan sa mukha ang dalaga hindi makatingin sa mga mata ng binata dahil para siya natutunaw sa mga titig nito. "Magpaalam ka na sa amo mo at isasama kita sa amin. Doon ka magtrabaho sa akin bilang personal assistant ko." Tiningnan ni Grace si Bryan at parang siya ay nagsisisi dahil sa pagsinungaling niya rito sa tunay niya pagkatao. "Hindi puwede, magagalit sila sa akin," sagot nito kay Bryan hindi alam ang gagawin. "Sasama ka ba sa o ipasasara ko ang club na ito!" Hindi nakakilos si Grace dahil ano ang gagawin niya. Hindi alam ng binata na ama niya ang siya may-ari ng club na 'yon. "Puwede ba huminahon ka at pakinggan mo ako. Tatapusin ko lamang ang buwan na ito saka ako magpapaalam na sa amo ko. Okay na ba 'yon?" ani Grace na kinakabahan pa rin. "Sige pagbibigyan kita pero ito ay dalawang linggo lamang at kapag hindi ka pa rin umalis dito ay ipapasara ko ito!" saad nito na seryoso at hindi mo ito mababakasan nang kahit ano. Pinagtapat ni Grace ang lahat kay Enrique para hingin payo nito. Nagulat ito at tinanong si Grace nang deretsa. "Mahal mo na ba ang lalaking 'yon at kahit bago mo pa lang siya nakilala pumayag ka na kaagad na siya magdesisyon nang buhay mo?" Yumuko si Grace na nahihiya dahil tama si Enrique hindi pa niya gaano kilala ang lalaki na ito pero kaagad pinagkatiwala niya ang buhay at ang bukas. "Kausapin mo ang ama mo at ipaliwanag ang lahat. Talaga bang tatalikuran mo kung ano ang mayroon ka ngayon?" ani Enrique nalulungkot na ito sa posible pagkawalay sa kan'ya tinuring na anak. Ngayon ay haharapin niya ang ama at ipapaliwanag ang mga pagbabago sa buhay nila. Ang dalaga ay kinakabahan hindi nito alam kung paano ba niya uumpisahan. "Papa, mayroon sana akong gusto sabihin sa inyo, hindi po ba kayo busy?" Kasama niya si Enrique nang humarap siya sa ama kaya ito ay hindi maipinta ang mukha at napatayo ito na salubong ang dalawang kilay. "Mukhang alam ko na gusto mong sabihin sa akin at ang masasabi ko ay hindi!" galit na hinampas ng ama nito ang mesa. "Pa, wala pa po ako sinasabi sa inyo. Please po pakinggan sana muna ninyo ako," turan ni Grace sa ama na nakiusap. "Ito ba ang walanghiya lalaki na gusto mo sabihin sa akin ha, Grace!" sambit ng ama ng dalaga na nagsisimula nang sumabog ang galit. "Ho? Nagkamali po kayo, papa narito po si Tito Enrique kasi gusto niya tulungan ako," ani Grace na natawa bigla sa ama dahil inakala na sila ni Enrique ay mayroon relasyon. Nawala ang kaba ng ama sa mga narinig sa anak at ito ay napangiti na saka tinawag si Enrique upang maupo. "My princess, ano ba gusto mong sabihin sa akin para kailanganin mo pa ang isang padrino?" tanong ng ama sa dalaga. Nagsimula na magkuwento si Grace at sa bawat salita niya ay nakikita niya ang pagtaas ng kilay ng ama. Kinakabahan ang dalaga pero tinapos niya nang maliwanag sa ama ang lahat. "Totoo ba ang sinasabi nito sa akin, Enrique?" hindi pa rin na makapaniwala ang ama nito. Napalunok si Enrique bago pa siya nakasagot dito. Halos ito mautal sa pagsasabi sa amo nang mga nangyari. "T-totoo po amo, si Sir Bryan po ang lalaki na sinasabi niya at sorry po dahil hindi ko po siya nabantayan mabuti." Sabi nito habang may butil-butil na pawis ang namumuo sa noo. "Paano niya nakilala ang anak ko? Hindi ba kabilin-bilinan ko sa iyo huwag siya palabasin sa kusina!" Sinabi ni Enrique ang dahilan nang pagkikita nila ni Bryan Montejo at ang mga sumunod na pangyayari. "Tatlong beses lamang kayo nagkita anak, paano nangyari na sasama ka na kaagad sa kan'ya?" "Mayroon ba siya pinainom sa iyo at nagayuma ka niya?" ang dagdag na tanong ng ama. Pinaliwanag muli ni Grace sa ama nang maliwanag at siya man ay parang nahirapan na kumbinsihin ang ama. "Sino matinong ama ang sa 'yong palagay ay papayag sa gusto mong mangyari? Titira ka sa bahay ng lalaki na 'yon!" galit nitong nasabi at halos na lamunin siya sa tingin nito. "Alam mo ba kung sino siya ha, anak? Siguro dahil bata ka pa kaya madali ka niya nabola pero hindi ako dahil ngayon pa lamang sasabihin ko na sa kan'ya ang totoo na hindi ka lamang isa sa taga-hugas sa bar na 'yon kun'di prinsesa ng Magestic Club!" Sumasakit na yata ang ulo ni Grace dahil lalo pa lumabo ang usapan nila ng ama at hindi na niya alam gagawin. Sino nga ba ang magulang na papayagan ang anak niya na menor de idad ang sumama sa isang lalaki na kailan lang nito nakilala. Tanga lamang ang magulang niya kung pumayag sila pero sa murang isip ni Grace ang lalaking ito ang kan'ya prince in shining armour!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD