bc

The Millionaire's Secret Daughter

book_age18+
611
FOLLOW
3.5K
READ
second chance
playboy
goodgirl
drama
sweet
first love
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Tadhana talagang maituturing ang pagkikita ni Mary Grace at ng kan’yang ama na hindi niya nakikilala simula ng siya ay bata pa. Kalilibing lamang noon ng kan’yang ina nang maisipan ni Mary Grace Alcantara, 16 years old na maghanap nang trabaho dahil ubos na ang pera niya na natanggap buhat sa mga taong nakiramay sa kan’ya. Wala sila ni isang kamag-anak ng ina kaya wala itong malapitan para hingan nang tulong. Sa paglalakad niya ay napunta siya sa isang bar na may karatula na naghahanap ng taga hugas sa kusina kaya naisipan niya magtanong sa isang lalaki na nagbabantay sa harap nitong bar. Sino ba ang mag-aakala na ito pala ang babago sa buhay niya at dito rin niya makikila ang lalaki siyang mamahalin niya ngunit ito rin pala ang mananakit sa kan’yang batang damdamin.

Nakilala niya si Bryan Montejo na isang binata, mayaman pero playboy. Sumama siya rito at sinuway ang ama na bago pa lamang niya nakilala. Ano kaya ang magiging buhay niya sa piling ni Bryan na sampong taon ang agwat nang idad nito sa kan’ya? Paano kung malaman niya na gusto lamang nito siya paglaruan? Atin tunghayan ang kuwento ni Mary Grace at ang kan'yang pakikipagsapalaran sa magulong buhay.

chap-preview
Free preview
Prologue
Nasa harap si Mary Grace Alcantara ng Magestic bar and country club, 16 years old pa lamang siya at nasa high school kaya nagdadalawang isip siya. Tinitingnan niya ang karatula na nakasabit sa may pinto nito. Akma na sana papasok nang mayroon tao humawak sa braso niya. Malaking lalaki ito pero may edad na parang kasing idad ng nanay niya ito. Sa unang tingin para itong nakakatakot at tiyak kang kakabahan. “Girl, what are you doing in here? This is not a place for a young girl like you!” sabi nito kay Grace sa salitang english na mayayabang at tinitigan ang dalagita. “Magtatanong lamang po ako kung may bakante po sana na trabaho,” sagot nito sa lalaki nang nakatungo dahil nahiya siya bigla rito. “Trabaho ba ang hanap mo? Maganda ka pero bata pa at mahirap ka namin tanggapin dahil baka kami ay mahuli!” turan ng lalaki kausap parang guwardiya sa bar na ‘yon. “Sige na po, mr. kahit po sana tagahugas ng pinggan aking tatanggapin para lamang po may pangkain ako!” Tumingin ang lalaki rito sa dalagita at nag-isip saka siya pumasok sa loob ng bar at mayroon itong kinausap. Maya-maya ay bumalik ito at kinausap ang dalagita. Muli naman niya itong tiningnan mula ulo hanggang paa. “Kakausapin ka na raw ng boss ko, halika na mabait ‘yon huwag mo lamang lolokohin.” Pinapasok niya si Grace at sinamahan sa isang lalaki na nakaupo sa isa sa mga silya naroroon. “Boss, ito ‘yong sinasabi ko na batang babaeng gusto nang trabaho,” wika pa ng lalaki na kausap ni Grace kanina. “Enrique, baka naman tayo mapahamak diyan kapag siya ay aking tinanggap?” Minasdan ng boss si Grace saka tinawag ang dalagita na lumapit sa kan’ya para ito ay kausapin at tanungin. Tiningnan niya ito nang mabuti at para bang may kahawig at naalala niya ang larawan ng babae pinahanap ng amo nila. “Ilang taon ka na, iha?” “Sixteen na po ako.” Napabuntong-hininga ang boss ni Enrique at bumaling ang tinggin sa may kusina at may tinawag na babae. Hinintay lumabas ang tinawag pero walang lumitaw kaya habang wala pa ang tinawag na babae ay kan’ya tinanong pa si Grace na nakayuko pa rin. Humitit ang lalaki ng sigarilyo at ito ay humarap muli sa kan’ya. “May mga magulang ka pa ba? Alam ba nila na ikaw ay naghahanap nang trabaho rito sa club na ito?” tanong niya kay Myla nang sunod-sunod. “Wala na po akong nanay dahil kamamatay po lamang niya noong isang linggo at ang aking ama ay hindi ko po kilala. Bata pa po ako nang iwan po raw niya kami ng nanay ko,” kuwento pa ni Grace sa boss na tinatawag ni Enrique habang ito iiling-iling. “Hay, ito talagang si Enrique palagi na lang dumadampot nang basang sisiw sa kalye, baka sa susunod naman ay buntis na aso ang dalhin mo sa harap ko!” wika ng boss ni Enrique na hawak pa ang likurang bahagi ng ulo niya. Si Enrique kasi ay masiyado maawain at kung lahat ng nasa kalye ay kaya niyang tulungan baka mayroon na siya ngayon na orphanage. Noon kasi ay walang-wala rin siya at hindi matanggap sa trabaho dahil bagong labas sa kulungan pero naawa sa kan’ya ang boss niya ngayon at kinupkop siya nito. Pinakain siya at binigyan nang trabaho nang tinatawag niyang boss ngayon kaya mula noon naging panata niya tumulong sa mga tao nangangailangan. “Ano ang pangalan mo at saan ka ngayon nakatira?” patuloy nito na pagtatanong sa dalagita. “Mary Grace Alcantara po at ako po ay nakatira sa may Sapang Palay.” Sagot ng dalagita sa amo ni Enrique ng bigla itong napatayo sa mga narinig. “Mary Grace Alcantara ba ika mo? Ano ba ang pangalan ng nanay mo na namatay?” “Nilda Rivas Alcantara po.” Sagot ni Myla. Napahilamos ang lalaki at para ba itong binuhusan ng isang balde nang malamig na tubig na tumingin kay Grace saka ito dinala sa maliwanag na lugar at kan’ya minasdan ang maamo nitong mukha. “Enrique, tawagan mo ang boss natin! Dalian mo at sabihin mo na pumunta siya kaagad rito at baka itong dalagita na ito ang anak niya!” sigaw nito kay Enrique na tuwang-tuwa. Matagal nang Pinahahanap nang boss nila ang mag-ina nito na lumayas noon pero hindi nila mahanap kaya ito ay naging mainitin ang ulo. “Hindi mo akalain na ito pa ang lalapit sa atin, mapagbiro nga ang tadhana!” ani pa ng boss ni Enrique na si Samuel. “Boss, sigurado po ba kayo na siya nga ang anak na hinahanap ni Among Leo?” ang tanong dito ni Enrique na hindi makapaniwala. “Okay, pagdating ni amo makukumpirma kung siya nga nawawalang anak nito.” Sambit nito habang hawak ang larawan na mayroon nakasulat na pangalan ng mag-ina. Nakatingin lamang si Grace at hindi niya malaman kan’yang gagawin. Narinig niya ang pag-uusap ng dalawa pero hindi niya tiyak kung siya nga ang tinutukoy nito na anak ng amo nito. “Ehem mga sir, tanggap na po ba ako?” wika pa ni Grace sa dalawang nag-uusap. “Pasensiya ka na pero tumawag kasi ako sa amo namin ng ikaw ay makausap. Siya ang magsasabi sa iyo kung tanggap ka na rito. Mahirap na baka kami ay magkaroon nang problema.” Ani Enrique sa dalaga habang siya ay pinagmamasdan. “Akala ko ba siya ang boss mo pero may boss pa pala kayo?” sabay turo niya sa lalaki na tinatawag ni Enrique na boss. “Siya ang boss ko dito sa bar dahil siya ang nagbigay nang trabaho sa akin pero ang amo na sinasabi namin ay ang may-ari nitong bar na ito!” paliwag ni Enrique kay Grace. “Ah, ganoon po pala. Ang akala ko kasi siya ang may-ari nito,” saad ng dalagita. Napangiti si Enrique biglang naaliw sa dalaga na si Grace. Maganda ito kahit na saan mo ito tingnan. Magulo lamang ang buhok nito at ang damit ay tagpi-tagpi pa pero kahit na ganoon hindi matatakpan ang nakatagong ganda nito. Ang sinelas niya ay luma na at ang isa pa ay kalahati na lamang. Payat ang dalagita at namumutla pa parang hindi kumakain ito nang ilang araw. Himas-himas ng dalagita ang tiyan kumukulo kaya kaagad napansin ni Enrique, ito ay nagtanong sa dalaga. “Nagugutom ka ba?” turan ni Enrique kay Grace na parang naaawa rito. Tumango-tango naman itong dalagita dahil sa talagang siya ay gutom na gutom. Huling kain kasi niya ay noon isang araw pa kaya ngayon siya ay nanghihina na at masakit na rin ang tiyan. Kaagad siya hinila ng lalaki sa may kusina. Malaki ang lugar at mayroon mga lalaki at babae na naglilinis dito. Kaagad naman na nagsilingon ang mga ito nang makita sila. “Mora, may pagkain pa ba tayo riyan? Kawawa naman kasi ang batang ito, mukhang tatlong araw na itong hindi kumakain!” bulalas nito sa matandang babae na si Mora. “Tumingin ka sa fridge at ang aking mga kamay ay marumi kaya ikaw na sana bahalang kumuha nito.” Tumalima ang lalaki saka binuksan ang refrigarator at tiningnan kung ano ba ang pagkain na puwede ibigay sa dalagita. Nakakita ito ng tinapay at jam kaya ito ay nilabas kasama ang natira na juice sa pitsel. “Pasensiya ka na at sila ay marami pang ginagawa rito kaya hindi pa makapagluto, ito muna ang kainin mo.” Ani Enrique habang binibigay kay Grace ang tinapay na may palamang jam sa loob nito. Kumain kaagad naman ang batang babae at nilantakan na nito ang ibinigay na pagkain sa kan’ya ni Enrique. Hindi niya alintana ang mga mapanuring mata na ngayon ay nakatingin sa kan'ya. “Pagkatapos ninyo riyan ay ipagluto na ninyo si Ma’am Grace nang masarap na mga pagkain.” Sabi pa ni Enrique kila Mora. Nagkatinginan ang mga babae at lalaki na naglilinis sa kusina. Hindi nila kasi kilala ang dalagita at ngayon lang napunta ito roon pero bakit ma’am ang tawag dito ni Enrique. “Ric, sino ba ang batang ‘yan at ma’am ang tawag mo sa kan’ya?” usisa ni Mora kay Enrique na may pagtataka. “Mamaya, malalaman din ninyo pero sa ngayon ay bilisan ninyo ang ginagawa ninyo na paglilinis nang makapagluto na kayo para sa ating bisita!” turan nito kay Mora na naghihintay nang paliwanag.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
249.7K
bc

WHAT IF IT'S ME

read
68.9K
bc

Rewrite The Stars

read
97.9K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
142.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook