Sa Piling ni Bryan

1369 Words
Hindi makatulog si Grace at iniisip ang naging pasya niya kung nagkamali ba siya nang piliin niya sumama kay Bryan. Totoo niyaya siya tumira ng lalaki sa bahay nito pero hindi nito sinabi o kinumpirma kung ano ba ang relasyon nila sa isat-isa. "Kailangan ba kumpirmahin ko sa kan'ya kung mahal ba niya ako o hintayin ko siya magsabi nito sa akin?" tanong ni Mary Grace kay Mora ang tagaluto sa Magestic bar. Si Mora halos kasing tanda ni Enrique ay isa sa kaibigan dito ni Mary Grace at isa sa mga nagbibigay nang payo sa kan'ya 'pag kailangan niya. "Ano ba ang nasa puso mo, iha? Mahal mo ba ang lalaki na ito kaya naguguluhan ka?" Tahimik lamang si Mora kan'ya pinagmamasdan si Grace nakatungo lamang at nag-iisip. "Bata ka pa naman anak para sa ganito relasyon. Ayaw ko pagsisihan mo ang naging pasya mo balang araw." Sabi ni Mora sa dalaga na tahimik rin. "Pero kung hindi ko susundin siya baka ako ay magsisi rin balang araw na pinalagpas ko pagkakataon makasama ang lalaking mahal ko!" turan nito kay Mora nagdadalawang isip rin. "Marami pa ang darating na lalaki sa buhay mo kaya sana pag-isipan mo ang pagsama sa kan'ya," payo ni Mora sa dalaga nangamba ito na sinasamantala ng lalaki ang batang puso nito. "Hindi ko alam bakit pinayagan ka ng 'yong ama sumama sa Bryan na 'yan?" Napatingin si Grace kay Mora isa lamang pinangambahan nito at 'yon ay ang ginagamit lamang siya ni Bryan na hindi tunay pagmamahal nito sa dalaga. Bata pa nga siya at maari na magkamali siya pero ang tiyak niya ngayon umiyak man siya at mabigo ay wala siyang pagsisihan ginawa niya ito nang dahil sa pag-ibig. Nakita niya si Bryan sa labas at kagaya nang dati tulala pa rin siya tuwing nakikita ang lalaki. Makisig ito at kahit yata bagong gising hindi siya magsasawa titigan ang binata. "Flowers for you my little star!" wika nito nakangiti kay Grace parang kinikilig pa. Natutuwa ang binata na makita ang dalaga parang kinikilig at ito ay alumpihit pagkaharap siya. "Ang cute mo alam mo ba 'yon at palagay ko ikaw pinakamagandang babae rito sa club!" saad pa nito sa dalaga na parang nakakita ng bituin sa oras na 'yon. "Binobola mo na naman ako, ano? Tama na dahil pumapayag na ako sumama sa bahay mo." Bigla naman na kinarga siya ni Bryan parang bagong kasal tuwang-tuwa ito na inikot ang dalaga na siya kinagulat ni Mary Grace. "Teka, teka! Ibaba mo ako at nahihilo na ako. Ano ba? Para kang nanalo sa lotto ah!" ani Mary Grace sa lalaki natatawa rin sa aksiyon nito sa sinabi niya. "Kailangan mo ba nang tulong sa paglipat mo sa bahay ko?" "Hindi na dahil kaunti lamang ang aking mga gamit siguro isang bag lamang 'yon kaya kahit dito mo ako sunduin sa lunes." Wika nito kay Brian na hindi mawala ang mga ngiti sa labi. "Bakit hindi na lamang doon sa bahay mo?" tanong ni Brian sa babae na may pagtataka. "Huwag na kasi magpapaalam pa ako kila Mora, Enrique at sa iba pa," "Sige kung iyan ang gusto mo wala akong magagawa pero aagahan ko punta rito para hindi ka gabihin mag-ayos ng mga gamit mo," "Salamat din at naiintindihan mo ako," "Ano nga pala ang magiging papel ko sa bahay mo?" "Ano nga ba? Puwede siguro na maging personal assistant kita tutal marami rin trabaho ang secretary ko na si John." "Oo maganda nga 'yon tapos ituro mo sa akin dapat gawin bilang personal assistant mo!" "Ngayon pa lamang ipalilinis ko ang isang kuwarto para mayroon kang sarili lugar!" ani Bryan dito sa dalaga natutuwa rin. "Salamat muli sa 'yo! Alam ko abala sa 'yo ito pero hayaan mo na ako ang maglinis ng aking kuwarto nang maayos ko ito ayon sa gusto ko," "Sige kung 'yan ang gusto mo hindi ako kokontra. Ikaw ang boss pagdating sa kuwarto mo!" Ilang araw ang dumaan at si Mary Grace ay handa nang lumipat kila Bryan. Niyakap niya ang ama at hinalikan sa noo. "Papa, huwag ninyo pabayaan ang sarili ninyo kahit wala na ako rito. Mahal kita at asahan mo babalik akong nakangiti at isasama ko kayo kung nasaan ako!" "Kaawaan ka ng maykapal at dalangin ko mahanap mo ang pag-ibig na inaasam! Sana ay maging ligtas ka sa lahat ng oras," "Salamat po sa lahat, papa at asahan po ninyo 'pag ako ay nabigo wala akong babalikan kung hindi kayo!" Nagyakapan muli mag-ama at panay ang hingi nang tawad ni Grace sa ama dahil tingin niya hindi siya naging mabuting anak. "Huwag mo sabihin 'yan anak dahil para sa akin wala kang naging kasalanan sa akin ako pa nga ang dapat humingi sa 'yo nang tawad at hindi ako naging mabuting ama!" Hindi matapos ang paalaman ng mag-ama nang nagsalita si Enrique sa mga ito na oras na para umalis saka lamang lumayo ang dalaga sa ama at nagmadali sumakay sa kanila sasakyan. Hilam sa luha ang dalaga kan'ya tinatanaw ang amang nasa may pinto. Alam niya baka hindi na siya makabalik pa sa mansion ng ama. Habang binabaybay nila ang papunta sa club, nagpaalam ang dalaga kay Enrique at nagpasalamat dito dahil inalagaan, prinotektahan at minahal din nito siya tulad sa isang anak. Malayo pa sa club ay bumaba na ang dalaga para hindi siya makita ni Bryan pagbaba sa sasakyan ng ama. Sa isang banda, si Bryan at mga kaibigan nito ay nasa may vip room umiinom ng alak. Tatawa-tawa itong si Aldrin habang tinutukso si Bryan. "Ngayon ba ang lipat ni Grace sa bahay mo kaya ba hindi ka umiinom ngayon?" tanong ni Aldrin dito sa kaibigan walang pagsidlan sa tuwa. "Oo at baka nga naghihintay na 'yon sa akin sa ibaba," sabi ni Bryan bakas ang tagumpay sa mukha. "Pare, sigurado ka ba na wala maghahabol sa 'yo sakali man ito mabuntis mo?" tanong rin ni Raffy kay Bryan napangiti sa kaibigan. "Huwag ninyo ako alalahanin hindi ako tanga! Siyempre bago ang lahat nag-imbestiga muna ako!" Nagtawanan na magkaibigan sa tinuran nito at nagpatuloy na sila nang maya-maya ay tumayo na si Bryan at tinapik ang mga kaibigan. "Oras na mga parekoy, wish me goodluck sa unang araw namin na magkasama. Sana nga makapagpigil pa muna ako ng hindi siya matakot sa akin alaga na anaconda!" natawa nitong biro sa mga kaibigan. "Baka dragon kasi bumubuga 'yan ng mainit na apoy, pare!" Nagtawanan na tuloy silang magkaibigan sa sinabi nitong si Raffy saka nagpaalam na si Bryan sa kanila. Paglabas niya ay nakita niya ang dalaga na may dala ng dalawang bag na katamtaman ang laki. "Kanina ka pa ba?" tanong ng binata sa dalaga lumapit ito upang halikan siya sa pisngi na kinagulat ng dalaga. "Ops, I'm sorry at nabigla lang ako. Sanay kasi ako maki-beso sa mga kaibigan ko," sabi nito para ba itong lumulusot pa. "Okay lamang saka hindi pa ako matagal dito dahil sa kinausap ko pa sila Mora para magpaalam." Sambit niyang nakatungo at nahihiya pa sa ginawa ng binata. "Halika na sa kotse ko. Ako na ang magdadala ng bag mo mukhang mabigat 'yan!" turan pa ni Bryan sa babae. Sumakay sila ng sasakyan at habang palayo ay naiiyak ang dalaga na tinatanaw ang bar na naging tahanan na niya sa loob ng isang taon. Nakarating sa bahay ni Bryan sila Grace at namangha ang dalaga sa laki at lawak na sakop ng lupain nito. "Wow, ang ganda rito at ang laki ng bahay mo mukha itong palasyo!" bulalas nito sa binata nanlalaki ang mga mata habang ang lalaki naaliw sa kan'yang sinasabi. Ginala pa nito ang tingin nang makapasok ng gate ang sasakyan at ang malalaki niyang mga mata lalo namilog pagpasok sa loob ng bahay. "Maganda hapon po Senyorito Bryan at senyorita!" bati pa ng mga kasambahay sa kanila ng mayroon paggalang. "Ito si Manang Selya ang akin mayordoma rito. Ang kan'yang mga kasama naman ay sila Liza, Erica, Marie, Joan at Dencio." "Ang kasama ko naman ay si Grace, ang aking magiging personal assistant kaya sundin ninyo lahat nang pag-uutos niya at gusto ko ring igalang ninyo siya ." Ani Bryan sa kaniyang mga kasambahay na may diin at pagkadominante.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD