Si Bryan Montejo

1218 Words
Tapos nang maligo si Bryan at kan’yang hinanap si Enrique. Kilala niya ito dahil palagi sila ng kan’yang mga kaibigan dito sa Magestic bar pero hindi na niya makita ang lalaki kaya pinasya niya magpunta na lamang sa VIP room kung saan naroon ang kan’yang mga kaibigan. “Oh, bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa namin dito hinihintay. Saan ka pa ba nagpunta at para ka yatang bagong ligo pa?” anito kay Bryan nagtataka sa ayos niya. Alam kasi nila na ito ay galing sa opisina kaya bakit ito ay naka t-shirt lamang at cargo pants. “You will not believed what I encounter but this is the best day of my life! I met the most gorgeous woman I have ever seen!” excited na kuwento ni Bryan sa mga kaibigan. Natatawa si Aldrin kay Bryan dahil para ba itong bata na nakakita nang bagong laruan walang pagsidlan sa tuwa. Hindi pa ito na kontento kaya kan'ya hinawakan pa ang noo ni Bryan baka ito ay mayroon lagnat. “Mga pre, hindi ako nagbibiro at totoo ang aking sinasabi!” dagdag pa ni Bryan sa mga kaibigan na si Aldrin, Raffy at Chero. “Saan mo naman ito nakita, loverboy?” Nagkuwento na tuloy si Bryan mula ng siya ay dumating dito sa Magestic bar hanggang sa dinala siya ni Enrique sa may kuwarto kung saan siya naligo at nagbihis. “Wow, taga-hugas ba kamo? Paano ang isang magandang babae magiging taga hugas lamang? Baka nagkamali ka lamang nang dinig, loverboy!” ani Raffy kay Bryan mayroon ngiting nakakaloko. “Nilinaw ko ito kay Enrique pero ‘yon din ang sinabi nito sa akin,” wika pa ni Bryan. “Pare, uminom ka na yata bago ka nagpunta rito kaya nalasing ka na at ano-ano na ang pinagsasabi mo!” turan ni Chero na may pag-alinlangan sa kuwento ni Bryan. “Mabuti pa yata ay umuwi na tayo dahil lasing na ang ating kaibigan.” Nagkatinginan sila Raffy at Aldrin sabay kindat nila sa kabilang mesa kung saan may mga magagandang babae na nakaupo. “Mabuti pa nga nang tayo ay makarami!” ani Aldrin sabay yugyog ng balakang niya. Natawa tuloy sila Raffy at Chero sa inasal niya pero nang tumalikod ito sumunod ang dalawang babae nasa kabilang mesa nila. Napapito sila Chero sa nakita at pati si Bryan ay nagulat sa bilis nitong kaibigan kaya nakapag-isip tuloy ito na hanapin sa kusina si Mary Grace. Umalis na ang mga kaibigan ni Bryan pero siya ay nagsabi na pupunta muna sa banyo bago umuwi. Nang makita niya na wala na ang mga ito ay pinuntahan niya ang dalaga na bumihag sa puso niya. Sumilip siya sa pinto ng kusina dahil alam niyang bawal ang mga hindi empleyado roon at ayaw niya mahuli. Luminga-linga siya pero hindi niya nakita ang dalaga. Lalo pa niyang binuksan ang pinto para makita ang hinahanap nang bigla may tumapik sa balikat niya na kinagulat niya kaya muntik na siyang masubsob. “Ay, sorry sir! Sino po ba ang inyo sinisilip sa loob ng kusina?” sabi ng babae may magandang mga matang gusto makita ni Bryan. “E-ehem, ikaw ang gusto kong makita at sana mapaunlakan mo ako na makausap ka kahit sandali lamang,” hiling nito kay Grace na hindi nakapagsalita bigla. “Ako nga pala si Bryan, binata at walang kasabit-sabit pero kung ikaw ang sasabit sa akin kahit saan at kahit kailan hindi ka magsisisi!” pabiro nitong litanya sa dalaga na biglang lumingon-lingon pa at baka mayroon makakita sa kanila. Humahanap si Bryan ng lugar kung saan puwede niya sana makausap ang babae pero wala siyang makita dahil lahat ng sulok ng Magestic bar ay maingay, madilim at puno ng usok. “Ano nga ba ang inaasahan niya? Bar ‘yon at talagang maingay kaya kung gusto niya ang tahimik ay doon na lang sana siya sa may simbahan nagpunta.” Anas niya sa sarili na natutuwa sa naisip. Hinawakan ni Bryan si Grace at hinila ito sa may likuran bahagi ng bar. Nang sila ay makalabas hinanap ni Bryan ang kan’ya sportcar at siya ay nagtungo roon hila-hila ang dalaga na hindi malaman ang gagawin. “Teka, saan mo ako dadalhin? Mayroon pa akong trabaho. Nababaliw ka na ba!” sigaw nito sa lalaki pagkatapos na mapagtanto sa sarili ang mga nangyari. “Sa lugar na tahimik, maingay dito hindi tayo makapagusap nang maayos,” Humawak si Grace sa pinto ng kotse at ayaw niya sumama sa lalaki. Ewan niya pero hindi siya natatakot dito kaya nga lamang ay hahanapin siya ng bantay niya. “Pero teka lang at ako ay magpapaalam sa mga kasama ko para hindi sila mag-alala sa akin,” ani Grace kay Bryan na nalilito pa rin kung sasama ba siya o hindi dito sa lalaki. “Hindi ako masamang tao, Grace. Gusto lamang kita makausap. Sige, para huwag ka nang matakot ay dito na lamang tayo sa akin kotse mag-uusap!” pagpapakalma ni Bryan kay Grace. Binuksan na ni Bryan kan'ya kulay blue na sasakyan at pinapasok ang dalaga habang alalay niya ito nang maayos bago umikot upang sumakay naman sa driver’s seat. Pagkaupo ni Bryan tiningnan niya ang babae at ngumiti ito rito. Kinakabahan siya at ramdam niya ang bilis nang t***k ng kan’yang puso. Para bang kumakapal ang ulo niya at ito ay nag-iinit. “Uulitin ko sa iyo, ako si Bryan Montejo. Nag-iisang anak, 25 years old at may trabaho. Girlfriend, marami pero sinisiguro ko na taob silang lahat sa iyo dahil unang kita ko pa lamang sa ‘yo ako ay na in love na kaagad sa iyo!” “Hep, teka! Ang bilis mo naman yata Mr. Bryan Montejo. Sa pagkakaalam ko ikaw at ako ay nagkakilala kanina lamang kaya paanong in love ka na kaagad sa akin?”ani Grace na litong-lito na sa binata pero siya ay nakaramdam nang kilig sa sinabi nito. “Sorry, talaga akong ganiyan wala nang paligoy-ligoy! Kung gusto mo ako, bakit pa natin patatagalin?”derekta niyang sabi sa dalaga na natulala sa mga narinig. Biglang nanlaki ang mga mata ni Grace dahil ano ba ang tingin sa kan’ya ng lalaki na ito kaya napalunok muna siya bago pa niya sagutin ang binata. “Una, ako nga ay nagtatrabaho dito sa bar na ito pero malinis ang trabaho ko. Pangalawa, hindi ko gusto ang tono nang salita mo at pangatlo, hindi ko kailangan ang isang gabi na lalaki dahil may respeto pa ako sa sarili ko!” galit na wika ni Grace kay Bryan na napangiti sa nakitang galit sa mukha ng dalaga. “Teka, teka huwag ka muna magalit sa akin. Ang gusto ko lamang ay makilala mo ako nang lubusan, 'yong walang pagkukunwari at no pretention!” “Tapos na ating pag-uusap, babalik na ako sa aking trabaho. I hope this will be the last time that we will see and talk to each other. Kalilimutan ko lahat ng mga sinabi mo ngayon at magandang araw!” Binubuksan ni Grace ang pinto ng kotse kaya walang nagawa si Bryan kung hindi hayaan ang babae makababa ng sasakyan niya. "Hindi one night stand ang gusto ko dahil marami ako niyan! Pero ikaw ang gusto ko, gustong-gusto!!"pahabol na banggit ni Bryan kay Grace bago ito ay makaalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD