Katatapos lamang maligo ni Mary Grace at nasa harap siya ngayon ng salamin sinusuklay nito ang kan’yang mahabang buhok. Siya ay hindi pa rin na makapaniwala dahil para ba panaginip lamang ang lahat.
Parang kailan lamang ng siya ay napagawi sa Magestic bar upang maghanap sana ng trabaho. Kamamatay lamang ng ina niya at naubos halos lahat ng perang abuloy ng mga tao sa kan’ya.
Sino ba ang mag-aakala na sa bar na ‘yon pala niya makilala ang ama na hindi nakita mula noong bata pa siya.
Pagdating sa bar ng amo nila Enrique na Leon ang pangalan ay kay dami ng mga tanong nito kay Mary Grace.
Isa-isa naman ito na sinagot ng dalagita nang magalang kahit nagtataka pa ito lalo nang pinakita ng lalaki ang larawan nila mag-ina ng bata pa siya.
Dinala pa siya ng lalaki sa hospital at nakumpirma sa DNA result na siya nga ay anak nito at diyan nagsimula ang mga pagbabago sa buhay ni Mary Grace.
Nalaman ni Mary Grace kung bakit umalis ang ina sa poder ng ama. Bata pa siya at hindi niya masabi na tama o mali ang ina sa pag-alis nito sa piling ng ama.
Hindi na nila maitatama ang lahat dahil sa patay na ang ina. Ang magagawa na lang nila ay ang mabuhay na may pagpatawad at alam niya na ito rin marahil ang gusto ng ina niyang namayapa.
Naging maganda ang turing ng ama sa kan'ya. Wala itong naging asawa at siya lamang ang nag-iisang anak nito.
Bumawi ang ama sa kan'ya at sinabi nito na 'yon na lamang ang way nang paghingi niya ng tawad sa pumanaw na ina nito.
“Anak, talaga bang pupunta ka sa ating bar? Hindi mo naman kailangan pumunta roon dahil may mga tauhan ako na siya timitingin sa lugar na ‘yon,” turan pa ng amang nakangiti hawak ang madulas na buhok ng anak.
“Hindi ako maglalaro doon, Papa Leon magtatrabaho ako roon kaya ako ay payagan na ninyo!” sagot ng babae sa ama na malambing dito.
“Anak, paano ako papayag samantala ang anak ni Leon Gustavo Alcantara isa sa mayamang tao sa lungsod ng Quezon magtatrabaho sa isang bar!” hiyaw nito hindi malaman ang gagawin para mabago ang isip nItong anak.
“Doon lamang po ako sa kusina kasama sila Manang Mora at iba pa. Sila ang mga tao na gusto kong kasama maliban sa ‘yo papa.” Sagot pa na makumbaba ni Grace.
“Sige, pero huwag ko sanang malaman na ikaw ay lumabas buhat doon dahil hindi na kita pa papayagan, maliwanag ba?” wika nito sa anak niya na matigas ang ulo.
Tuwang-tuwa si Grace na yumakap sa ama. Mula nang makasama ang ama binigay nito ang lahat nang luho at ang pagmamahal sa kan’ya.
“Kumusta naman pag-aaral mo, my princess?” tanong pa muli ni Leon sa anak.
“Wala kayong dapat sa akin ipag-alala kung ito ay tungkol sa aking pag-aaral papa, dahil ako ang siya nangungunang estudyanye ng AL University.” Tugon nito na mayabang sa ama.
Mula nang Ito ay mag-aral muli ay tatlong beses na ito accelerated. Nasa kolehiyo na siya dahil naipasa niya ang mga pagsusulit na binigay sa kan’ya noong nag-enroll siya sa paaralang 'yon.
Noon pa naman siya na nasa grade school kinakitaan na siya ng mga teacher niya nang pambihirang dunong pero dahil ito ay tumutulong sa ina para kumita ng pera kaya minsan lamang sa isang linggo ito nakakapasok.
“That’s my girl! Mana ka nga sa akin kaya huwag mong kalilimutan ang mag-ingat!”
Gusto siya ipakilala ng ama sa mundo nito pero siya na ang nagsabi sa ama na saka na lamang kapag siya ay handa na kaya kahit isang taon na ang lumipas ay wala pa rin nakakilala sa kan’ya maliban kita Enrique, Samuel at Mora.
“Sabihan mo sila Samuel at Enrique kapag mayroon na nang-bastos sa iyo at sila ang bahala magparusa sa taong ‘yon.” Dagdag na bilin ni Leon sa anak na si Grace.
“Huwag na po kayo mag-alala sa akin, papa dahil kaya kong alagaan ang aking sarili!” wika pa nito sa ama na hindi pa rin mapakali.
“Gaano ba kahalaga sa ‘yo ang magtrabaho sa Magestic bar at hindi mo maiwan-iwan ito? Puwede ka naman pumili sa ating mga negosyo kung gusto mo ng trabaho,” saka
tumingin muna si Grace sa ama at ito ay naglalambing na yumakap.
Sinabi na nito sa kan’ya ang iba’t-ibang negosyo ng ama at hinihintay na lamang nito siya makatapos sa kolehiyo upang ito ay iwan ng ama sa kan’ya pangangalaga.
“Papa, alam ko na kayo ay nag-aalala sa akin pero ako po ay masaya sa ginagawa ko sa Magestic bar kaya sana ay magtiwala kayo sa akin!” ani Grace na humalik sa noo ng ama bilang pamamaalam dito at saka tumalikod papunta sa may pinto.
Nakarating na si Grace sa Magestic bar at papunta na siya sana sa may kusina nang mabangga ang waiter na may dalang alak. Ito ay natapon sa isang lalaki na matangkad at may matipunong katawan.
“What the heck?” sigaw nito habang ito ay nakahawak sa polo niyang nabasa saka ito ay nanglilisik na tumingin sa kan’ya.
Kilala siya ng waiter bilang taga-hugas nila sa kusina kaya nakasimangot ito kay Grace saka tiningnan ang natapunang lalaki na takot na takot.
“Sorry po, Sir Bryan! Hindi ko po talaga sinasadya. Kasi naman Grace bakit dito ka pumasok, puwede ka naman dumaan sa may likuran!” inis nitong bulalas dahil siya ang magbabayad nang natapon na alak at kagagalitan pa siya.
“Huwag ka nang mag-alala Rico at ako ang magbabayad sa alak na natapon mo.” Sabi nito sa waiter na napanganga sa sinabi ni Grace.
“A-ano sinabi mo, ikaw ang magbabayad nito? Baka akala mo mura lamang ito!” saad pa nito na nakataas ang kilay kay Grace dahil alam niya kung magkano lamang suweldo nito sa bar bilang taga-hugas kaya natawa siya rito.
“Kilala mo siya?” tanong ng lalaki tinawag ng waiter na Sir Bryan kanina.
“Opo Sir Bryan, siya po ang taga-hugas namin sa kusina na si Grace.”
Pinagmamasdan ito ni Bryan mula ulo hanggang paa. Ito ay simple lamang at luma ang suot na damit ng babae pero hindi mo ito papansinin dahil sa mata pa lamng nito ay para nang gusto kumawala ang puso niya.
“Taga-hugas sa kusina? Bakit parang diyosa ang tingin ko sa kan'ya, nababaliw na yata ako!” bulong pa sa sarili nito habang malagkit na tinitigan ang babae nasa harapan niya.
“Sorry po Sir Bryan, hindi po sinasadya ng batang ito ang ginawa niya,” turan ni Enrique na napalapit nang marinig niya ang kaguluhan na ‘yon.
Natulala ang waiter dahil ilang beses na nangyari 'yon pero hindi man lamang kinagalitan ni Enrique ang dalagang si Grace samantala kung sila ang may gawa nito tiyak na sasabunin sila nito nang walang banlawan.
Pinaalis na kaagad ni Enrique ang waiter na nagtataka at binalingan si Bryan nakatayo pa rin at parang basang-sisiw nakatingin lamang sa kan’ya.
“Ako po ay muling humihingi sa inyo nang despensa. Kaya sumama po kayo sa akin nang makapagbihis nang malinis na damit. Talagang mayroon kaming nakahandang damit para sa ganito pagkakataon!” sambit pa nito maliwanag sa binatang si Bryan.
“Salamat pero ano na ang mangyayari sa magandang dilag na ‘yon?” tanong nito na may pagkabahala sa babae na pumukaw nang attention niya.
“Huwag po kayo mag-alala dahil wala pong mangyayari sa kan’ya hanggang ako ay naririto sa bar na ito!” may diin niyang wika kay Bryan.
“Ano kaya ng babae na ‘yon ang lalaking ito? Sayang at naunahan na pala ako,” anas na pabulong nitong si Bryan sa sarili.
Malungkot na hinubad ni Bryan ang maruming polo at tinapon sa sofa saka kinuha ang nakasabit na tuwalya sa sabitan bago pa tumungo ng banyo para maligo.
Habang naliligo ay hindi pa rin maalis ang babae mayroong magandang mga mata at may mahabang mga pilikmata.
Mayroon siya panghihinayang at kahit ano ang gawin niya ay hindi ito maalis sa kan’yang isipan. Gusto niya ito, kan'ya talaga itong gustong-gusto!