Dahil sa ginawa ni Bryan dito sa lalaki naka face masks, ang baril nito na hawak ay tumilapon kaya ito sana ay dadamputin niya pero mabilis din si Bryan at Enrique nakipag-agawan sa lalaki. Si Grace gulat sa pangyayari ay napayakap na lamang sa anak niya at hindi malaman ang gagawin. Nagpambuno si Bryan at ang lalaki na naka face mask, si Enrique naman ay tumulong sa binata pero mayroon pala na kasama itong lalaki na nakaabang sa labas ng kuwarto. At nang makita pinagtulungan ang kasama niya ay bumunot ito ng baril at nagpaputok din upang ang attention nila Brian ay mawala sa lalaki na kalaban kaya nakatakas ito. Sa itaas naman, ang female ward kung saan nanggaling si Grace ay narinig din ang mga putok ng baril. "Totoo nga at nangyari na ang kinatatakot ni Dr. Catayan. Sana naman ay