Nakangisi na nakatitig si Bryan kay Grace na hindi na mapakali sa upuan at ito ay mapusok niyang hinalikan. "Yes, but first please tell me that you forgive me and that you want to marry me!" wika ni Bryan kay Grace na nainis sa tagal ng lalaki. "Oo na nga, kung ano-ano pa ang tinatanong mo!" saad nito sa binata nawalan na nang gana. Hinalikan ni Bryan ang dalaga at muli niya ito nilambing at kaniyang pina-init muli ang katawan ng babae na kumapit pa sa batok niya. Gabi na nang si Grace mahatid ni Bryan sa mansion ni Don Leon. Sinalubong sila ng dalawang lalaki na pareho pang nakahalukipkip ang mga kamay. "Bakit ngayon lamang kayo?" tanong ng ama ni Grace at ito ay nakasimangot. "Ano ang ginawa mo sa mama ko?" tanong naman ng anak ni Grace na lalaki sabay sipa pa sa tuhod ni Bryan. N
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books