Katulad ng mga nakaraang araw nagising si Bryan na ang hawak niya ay ang bote ng alak. Masakit ang ulo ng binata na pumunta sa may mini bar ng mansion. Alam ng ina na iinom naman ito kaya inutos nito sa mga kasambahay na itago na ang mga natitirang alak sa mansion. "Nasaan ang mga alak ko!" ani Bryan na sumisigaw at galit niya na binalingan ang mga kasambahay. "Ilabas na ninyo ang mga alak ko dahil kung hindi lahat kayo ay palalayasin ko!" dagdag pa ni Bryan na banta sa lahat. "Huwag ka sana magagalit sa kanila because I was the one who ordered them to hide all your wines," sabi ng nanay ni Bryan na si Sonia. "Kayo na naman! Bakit ba kayo ay palaging nakikialam sa buhay ko? Wala na ba kayo magawa sa buhay ninyo?" Naiinis nito sinabunutan ang sarili dahil hindi niya kaya na saktan an