XI: New Boyfriend

2233 Words

“Mano po, ‘nay… ‘tay.” Kinuha ko ang mga kamay ng aking magulang para magmano, pagkatapos ay inalalayan silang sumakay sa kotse. Ang dalang isang bag at isang basket ay sa compartment ko na inilagay. Sinundo ko sila rito sa terminal ng bus na biyahe mula sa Quezon. Sa bayan kasi ng Tiaong nagtitigil ang mga magulang ko, samantalang ako naman ay sa Maynila dahil na rin sa trabaho. Isa o dalawang beses sa isang buwan naman kung umuwi ako roon, o hindi kaya tulad ngayon ay sila ang dumadalaw rito. Ang sabi ko sa kanila ay sa Biyernes na lang pumasyal dito para day-off ko at masundo sila. Nakakahiya naman kung kapapasok ko lang ay mag-off na naman ako. Mabuti na lang din pumayag sila, iyon nga lang pagsakay ko ng kotse ay agad na sinalubong nila ako ng mga tanong. “Bakit naman mukha kang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD