I: Fiancé and Bestfriend (SPG)
“Irasshaimase!”
Ngiting-ngiti ako habang bumabati sa dalawang matanda na pumasok sa store nitong pinagtatrabahuhan kong fast food restaurant. Hindi man ako pinansin ng mga ito ay hindi pa rin nawawala ang ngiti sa aking mga labi.
In-assist sila ni Lharm, isa sa mga staff namin habang ako naman ay dumiretso na sa kitchen para tingnan kung ano ang kulang na stocks.
“Hi, Ma’am Astrid!” bati sa akin ni Gerry na may dalang tray.
Nginitian ko siya at tinanguan bago tuluyang pumasok sa kitchen. Nasa bungad pa lang ako ay nalalanghap ko na agad ang bango ng burger patties na niluluto.
“For table number 6!” Naabutan ko si Philip na inilalagay ang tray na may lamang kumpletong order sa dispatch area.
“Ano, kumusta kayo? Kaya pa ba?” Napangisi ako sa mga kasamahan na nandito sa loob.
Magkakasabay silang lumingon sa gawi ko.
“Kaya pa, ma’am. Basic!” Kinindatan ako ni Aaron na siyang naka-assign sa griddle area.
“Daming tao, ma’am. Batak na batak na naman tayo nito ngayon!” ani naman ni Rommel na inaayos iyong fries sa frying basket.
Abalang-abala ang mga tao rito sa loob, paano’y eksaktong lunch time na kaya dagsa ang mga customer. Hindi na bago ang senaryong ito sa buong store.
“Kayo lang. Maaga akong mag-out ngayon, ‘no?!” biro ko sa kanila na nakuha pang mag-flip ng buhok habang naglalakad papunta sa kung nasaan ang freezer namin.
“Naku si, ma’am… mukhang madidiligan mamaya!” pang-aasar ni Alvin na dinugtungan ng malakas na tawa, kahit ako ay napatawa rin.
“Hoy, g*go! Hindi ‘no!”
“Kaya nga laging blooming, dahil laging may dilig. Basta, ma’am ah? Dapat may lumpiang shanghai sa kasal mo!” Kahit si Philip na abala sa pag-aayos ng mga for dispatch order ay nakisali rin sa pang-aasar sa akin.
Mahigit limang taon na kaming magkakasama sa trabaho kaya naman kilalang-kilala na namin ang bawat isa at normal na lang sa amin ang ganitong usapan. Kumportable na sa isa’t isa kaya kung magbiruan ay parang magkabarkada at magkakapatid lamang. Pero alam din naman nila ang kanilang mga limitasyon, nando’n pa rin ang respeto lalo na at alam nilang mas mataas ang posisyon ko sa kanila. At siyempre ganoon din ako, nirerespeto ko ang bawat staff dito sa trabaho.
I am a manager in one of the leading fast-food chains in the Philippines—Burganic. It is originally from Japan, but they branch out worldwide including our country.
Napahalakhak ako. “Mga walanghiya kayo, bahala nga kayo r’yan! Pinag-ti-tripan n’yo na naman ako!”
Napapailing na binuksan ko ang freezer. Hawak ko sa kabilang kamay ang checklist ng mga produkto. Patapos na ang linggo kaya kailangan ko na ulit gumawa ng listahan ng kailangang order-in sa warehouse.
“Kumusta pala ang quality ng product? Any comments or suggestion?” Habang nagtitingin ng mga item sa loob ay tinanong ko na rin ang mga nandito sa kitchen station dahil sila ang mas nakakaalam ng produkto namin.
“Okay naman ‘yong buns natin, ma’am. Okay rin ang kulay at lasa. Hindi purong hangin.” Si Alvin ang sumagot sa akin dahil siya ‘yong setter at nakatoka sa pag-aayos ng mga burger.
“‘Yong patty lang natin, ma’am. Medyo nag-shi-shrink,” ani naman ni Aaron.
Tumango-tango ako at nagsimulang isulat ‘yong mga sinabi nila. I’ll just report this to the purchasing manager, tapos sila na ang bahala na mag-report sa commissary.
Pagkatapos ng ginagawa ay pumasok naman ako sa office para tapusin itong report at maipasa na rin. I have to double my time today because I won’t have all day to duty.
Pagdating ng mag-alas dos ng tanghali ay dumating naman si Ma’am Darlene, ‘yong manager na kapalitan ko ngayong araw.
“Ikaw na muna ang bahala rito, ma’am. Thank you!” Nagpaalam lang ako sa kanya at sa iba pa naming staff bago lumabas na ng store.
***
“I miss you, babe. Sana magkasama tayo ngayon.” Napangiti ako sa malambing na boses ni Dione, ang aking boyfriend.
Tatlong taon na kaming magkasintahan, at sa isang buwan nga ay ikakasal na kami. Noong isang taon ay nag-propose siya sa akin, hindi naman namin minamadali ang pagpaplano. Gusto kong nasa maayos ang lahat dahil isang beses lang darating ito sa buhay natin kaya kung puwede ay walang magiging problema sa espesyal na araw para sa aming dalawa.
“I’m sorry, babe. I miss you too. I promise, babawi ako sa ‘yo. Medyo busy lang talaga sa work ngayon…” Nilungkutan ko pa ang boses para mas maging kapani-paniwala.
Ang totoo niyan kaya ako nag-half day ngayong araw ay para puntahan siya. Isang linggo na kaming hindi nagkikita, busy rin kasi siya sa trabaho.
Dione is working as a real estate agent. Isa siya sa pinakamasipag at responsableng tao na kilala ko. Hindi lang iyon, mabait at gentleman din si Dione kaya naman hindi siya mahirap mahalin. Sa loob ng tatlong taon ay ipinaramdam niya sa akin ang pagmamahal niya.
“I love you, babe. I wish you were here.” Sadness is visible in his voice, and I can’t help but get sad.
“This weekends, promise I will make it up to you. I love you too, babe.” Nakangiting ini-off ko ang tawag at pinaandar na ang makina ng sasakyan.
Hindi naman natatapos ang araw nang hindi kami nag-uusap sa cellphone, iyon nga lang hindi kami nagkikita sa personal. Pero hindi bale, babawi naman ako sa kanya. Kaya nga sosorpresahin ko siya ngayon dahil ang alam niya ay nasa trabaho ako.
Naka-base kasi siya sa Laguna, habang ako naman ay sa Metro Manila. Halos tatlong oras din ang biyahe ko papunta sa kanya pero wala lang iyon kapag nagkita na kami. Mabuti na lang din at may sasakyan ako kaya hindi na mahihirapang mag-commute.
Dadaan muna ako sa Supermarket para bumili ng ilang grocery bago dumiretso sa condo niya. I am planning to cook him his favorite, kalderetang baka.
I’m excited to see him and hug him. I miss Dione so much.
Malapit nang mag-alas sais nang makarating ako sa condo. Kilala na ako ng guard kaya hindi na ako nagtagal pa sa lobby.
Nasa loob pa lang ako ng elevator ay hindi na mapuknat ang ngiti sa aking labi. Kumakabog din ang aking dibdib sa sobrang excitement na nararamdaman. Finally, we will be going to see each other after a whole hectic week.
Huminto ang elevator at nagbukas sa ika-dalawampung palapag. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at lumabas na agad. Hawak ko sa kanang kamay ang isang plastic na naglalaman ng mga lulutuin ko, sa kabilang kamay ay isang mamahaling bote ng wine.
Nasa bandang dulo ang unit ni Dione kaya halos doblehin ko ang bawat hakbang. Noong makarating sa tapat ay ibinaba ko muna ang plastic para ma-input ‘yong lock. Alam ko naman ang passcode kaya hindi na ako nahirapan pa.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at halos walang ingay na isinara rin ito. Hindi ko siya naabutan sa salas, dimmed na rin ang ilaw rito sa loob.
Maingat na ibinaba ko muna ang grocery bag sa bar counter. Mamaya na ako magluluto kapag nagkita na kami. Papunta ako sa kuwarto para ipaalam sa kanya na nandito ako. Sa sobrang excited ko ay hindi ko napansin na hindi ko pala naiwan sa kusina itong bote ng wine.
Napansin kong medyo nakaawang ang pinto, at nang malapit na ako ay halos mapahinto ako nang maulinigan na parang may nag-uusap sa loob—uhm, no… Hindi lang basta pag-uusap ang nangyayari sa loob.
Inilapit ko ang tainga sa pinto at halos manlamig ako nang marinig ko ang ilang mahihinang halinghing at ungol na tila ba nasasarapan ito.
“Ohh… f*ck! Ah, yes! Harder, Dione. Ahh!”
“Ang sarap, honey! F*ck! Ang sikip-sikip mo…”
“Deeper, hon. Ahh, there... Yes! Ohh… oh, god!”
Nakakapangilabot at nakakanginig ng laman ang bawat ungol na tila ba walang pakialam ang mga ito kung may makarinig sa kanila. Sabagay, sino nga ba ang mag-aakalang may bibisita sa kanila ng ganitong oras?
Mga hayop!
“You ride really good, honey. You are so f*cking tight! Hmm…”
Humigpit ang hawak ko sa bote na para bang dito na lang ako kumukuha ng lakas dahil pakiramdam ko ay anumang oras ay mabubuwal ako mula sa pagkakatayo.
“I’m c*mming, honey. Don’t stop. Ahh! Put your c*m inside me!”
A-ano ang nangyayari? Parang biglang naging blangko ang laman ng utak ko at hindi ko alam kung ano ang sunod kong gagawin.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nandito lang sa labas ng pinto, pinakikinggan ang fiance ko nakikipagtalik sa ibang babae sa loob ng kuwarto niya.
“Mas masarap ba ako kay Astrid, ha? F*ck! Ako lang ang kayang magpalib*g sa ‘yo ng ganito, Dione. Ahh… akin ka lang! ‘Wag ka nang magpakasal sa kanya!” Pakiramdam ko ay mabibingi ako sa lakas ng kabog ng aking dibdib lalo na at pamilyar din sa akin ang boses ng babae.
Hindi ko magawang sumilip sa loob dahil alam kong kapag ginawa ko iyon ay ikamamatay ko. Bawat paglangitngit pa lang ng kama ay sapat na para durugin ako.
Kailan pa? Kailan pa niya ako niloloko?
“Mahal ko si Astrid, Nikita… ‘wag na natin siyang pag-usapan…” Narinig kong sagot ng g*go kong fiance pero ang mas masakit ay nang makumpirma ko ang binanggit niya na pangalan ng best friend ko.
Kap*tanginahan! Anong mahal?! P*tanginang pagmamahal ‘yan! Kung ganito ang basehan ng pagmamahal ay ayoko na!
Nanginginig ang kamay na sinarhan ko ang pinto at kasabay nang pagtalikod ko roon ay ang pagkabasag ng aking puso. Two of the most important people in my life just broke my heart and trust.