“‘Nay! ‘Tay!” Gulat na gulat na tawag ko sa mga magulang ko. Ang lakas ng kabog ng aking dibdib. Pakiramdam ko ay nasuko ako sa isang krimen na hindi naman ako ang may gawa. “Nasaan si Dione?” tanong agad ni nanay, inililibot ang paningin sa paligid. Nakakawit ang kanyang kamay sa braso ng aking tatay habang mabagal na naglalakad papunta sa gawi ko. Lumapit naman ako para alalayan sila na makaupo sa sofa. Ramdam ko ang panlalamig ng aking mga kamay, hindi ko lang alam kung ramdam din nila iyon. Nanginginig ang tuhod na umupo ako sa carpet, sa paanan sa gilid ng aking nanay. “Umuwi na po…” sagot ko sa mahinang boses. “G-gutom na po ba kayo?” Nakalimutan ko nang mag-asikaso ng kakainin namin dahil kay Dione. “Naku, inaway mo na naman ba? Ikaw naman, anak… parati mong inaaway ang b