“I-I will just prepare the foods.” Mabilis na inalis ko ang kamay sa kanyang braso at agad na tinalikuran siya. Nakakailang hakbang pa lang ako palayo nang marinig ko ang muling pagsasara ng pinto. Hindi ko man lingunin ay ramdam ko ang pagsunod niya sa aking likod. Akala ko ay hindi niya pauunlakan ang pag-imbita ko kaya ganoon na lang ang tuwang nararamdaman ng aking puso na hindi ko na lang ipinahalata. Hindi naman masamang alukin siyang kumain, hindi ba? After all, sa kanya naman galing ang mga pagkain na ito. Totoo rin naman na hindi ko kayang ubusin itong mag-isa, so why not share with the one who actually bought it? Mabilis na tinungo ko ang dining area. Kinuha ko agad ang mga pagkain doon at dinala sa bar counter. Pagsulyap ko ay nakatayo na siya sa gilid ng mesa. “Sit, first