“Toothpaste ba kamo? As in ‘yong… sa n-ngipin?” Pag-uulit ko sa sinabi niya. Hindi pa rin ako kumbinsido, syempre baka nagkamali lang ako ng dinig, ‘di ba? Baka iba pala ang tinutukoy niya. “Yes. Is there another meaning for it?” pilosopong sagot niya. Tingnan mo ‘tong isang ‘to! Siya na nga lang ‘yong nanghihingi siya pa ‘yong hindi maayos sumagot. Hindi kita bigyan diyan, e! Napairap ako. “Sinisiguro ko lang!” Seryoso ko siyang tiningnan. Bukod sa sobrang guwapo niya at parang modelo itong nakatayo sa harap ko ay walang halong bakas ng pagbibiro ang kanyang perpektong mukha. God, he is really serious! “Ang pogi mo! Ang macho mo pa! Siguradong hindi ka rin naghihikahos sa buhay tapos manghihingi ka lang ng toothpaste?” Tuluyan na akong napatawa. Napahawak ako sa aking tiyan habang