VI: A box of XXL...

2207 Words
Hindi ko na matandaan kung ilang minuto akong nakaupo lang sa bowl habang nakatulala. Makalipas pa ang ilang sandali ay nagpasya na akong kumilos. Humarap ako sa salamin na namumula ang mga mata, pero ang mas nakaagaw ng pansin ko ay ang namumula kong pisngi at ang nakaangat na sulok ng aking labi. “Hoy, bakit ka ngumingiti r’yan? Hindi ba’t heartbroken ka ha?!” Tinuro ko ang sariling repleksyon na parang sinisermunan ito. I am damn smiling like an idiot! Hindi ko na maintindihan ang mood ko, kanina lang ay parang baliw na umiiyak, hanggang sa parang bulkang sasabog sa inis, tapos ngayon naman ay ngumingiti na parang loka-loka! “Astrid, brokenhearted ka, tandaan mo!” Paalala ko sa sarili bago tanggalin ang suot na contact lenses. Muntik ko nang makalimutan na may suot ako nito, disposable lang naman kaya pagkatapos ng isang gamitan ay pwede nang itapon. Nagsimula na rin akong maghubad ng damit. Nakusot ang aking mukha nang maamoy ang kumapit na suka rito kahit na pinaliguan ko na ng pabango kanina. Yuck, kadiri! Naligo na ako para mawala ang init sa aking katawan… na dulot ng alak. Oo, tama. Alak ang dahilan nito at wala nang iba pa. Walang kiyemeng pinakialaman ko na rin ang mga gamit ng lalaking iyon dito sa loob ng banyo niya, tutal naman ay hinayaan na niya akong gamitin ito. Amoy na amoy ko pa nga ang shampoo at body wash na ginamit niya pagpasok ko. Tinandaan ko rin ang brand nito dahil parang gusto kong ito na ang gamitin ngayon. The cool menthol scent smells so refreshing, hindi masakit sa ilong. Medyo natagalan pa ako rito sa loob dahil nilabhan ko pa itong suot kong dress pati na rin ang undies ko. Lahat-lahat. Wala akong ibang damit dahil hindi ko naman expected na mangyayari ito. May nakita akong nakatiklop na bathrobe kaya iyon muna ang sinuot ko ngayon. Mabuti na lang din mayroong blower kaya para mabilis matuyo ang damit ay ginamitan ko na nito, pagkatapos ay sa loob ko na lang din sinampay. “Ano ba naman ‘yan, wala man lang cream na makita rito!” nayayamot na bulong ko habang inililibot ang paningin sa loob. Hindi ako sanay na hindi naglalagay ng cream sa mukha. ‘Yong makinis na nga lang na mukha ko ang asset ko tapos pababayaan ko pa. Tsk! Mayroong cabinet sa gilid pero hindi ko naman abot iyon. Nakasara ito kaya hindi ko alam kung ano ang laman noon, titingnan ko sana kung may cream man lang na naligaw. Naghanap ako ng pwedeng matungtungan. Bakit kasi ang taas-taas nito? Sabagay, ang height kasi ng lalaking iyon ay nasa 6ft yata kumpara sa akin na nasa 5’4 lang. Napairap ako sa hangin. Oh, e ‘di siya na ang matangkad! “Kaya naman siguro ako nito,” bulong ko nang may nakitang trash bin na walang laman na basura. Itinaob ko ito at iyon ang ginamit kong tungtungan. Humawak ako sa sink bago tumuntong dito. Abot-abot ang dasal ko na ‘wag bumigay. Stainless naman kaya kakayanin naman siguro ako nito. Kailangan ko pang tumingkayad para maabot nang tuluyan dahil hindi kayang suportahan nang buo ang taas ng cabinet. Pagbukas ko ay agad na bumungad sa akin ang iba’t ibang kulay ng mga kahon. May blue, red, at may violet din. Iyong kulay asul ang kinuha ko. “Trust… wow, buti pa ‘to may tiwala.” Napatawa ako pero agad ding nawala ang ngisi sa aking labi nang mabasa ang kasunod. “Condom? Trust condom?! Ay pucha!” Sa gulat ay halos mapasigaw ako. Nahihintakutang ibinalik ko iyon sa cabinet. Kumuha pa ako ng ibang box at iba’t ibang brand ng condom ‘yon. ‘Yong iba ay may tatak pa ng luxury brand. “Bakit ang dami naman?! May factory ba siya ng condom dito?” Baka kaya yumaman siya ay dahil distributor siya ng condom. Charot! Naipilig ko ang ulo at muling kumuha ng isang box para tingnan kung ano ang size. Wala lang! Curious lang ako sa size ng 8th wonder of the world. “Ay g*go! XXL?!” Muli akong napasigaw habang nanlalaki ang mga mata. “Gaano kalaki ang lintek na hotdog na ‘yon!” Hindi ako makapaniwala na paulit-ulit na binasa ito, nang biglang may kumatok sa pinto na siyang ikinagulat ko. “Hey, how are you there?” Sa sobrang gulat ko ay nawalan ako ng balanse mula sa tinutuntungan kong trash bin, at dahil tiled floor ay dumulas ito. Hindi ko na rin nagawang makahawak sa sink, kaya kasabay nang pagtumba ng trash bin ay siya ring pagkahulog ko sa sahig. “Ay hotdog na malaki!” Nagdulot iyon ng malakas na kalabog. Unang tumama ay ang pang-upo ko sa sahig, mabuti na lang naitukod ko ang siko para hindi tuluyang tumama ang ulo ko sa tiles. “Hey, woman. What happened?” Sunod-sunod ang naging pagkatok mula sa labas. I tried getting up but I just winced. P*tangina ang sakit! “Are you still alive—” “Malamang! Pinatay mo naman agad ako!” Nakuha ko pang sumagot nang pabalang kahit na napapaigik ako sa sakit. Nahulog lang ako hindi pa patay. Geez! Napairap ako sa ere habang sapo ang pwet. Lintek! Kapag tinamaan nga naman ng kamalasan. “What happened to you? Why are you there?” Paglingon ko ay muntik nang mahulog ang aking panga. Nakatayo siya sa harapan ko, at dahil nga nasa sahig ako ay ang halos humalik sa mukha ko ay iyong mismong ‘harapan’ niya, kung saan nakabukol ang 8th wonder of the world. Bakit ba kasi laging nakaumbok ‘yon? Para bang laging sakal na sakal sa suot niya. “Eyes up, woman, not there…” He held my chin and lifted it. Our gazes met and I suddenly get thirsty when my eyes landed on his upper body. He is not wearing any shirt, tanging jogger pants lang ang suot niya. Hindi pa uso sa kanya ang t-shirt o kahit sando man lang? Hindi pa nilalamig ang isang ito? “Sorry naman! Ikaw kasi, bakit ka nakatayo r’yan sa harap ko?! Siyempre ang una kong mapapansin ‘yang ano mo…” Umirap ako at tinanggal ang kamay niya sa aking baba. Hindi na halos maituloy ang sasabihin. “Ang ano?” Tumaas ang kanyang kilay. Napalunok ako at nag-uumpisa na namang mag-init ang aking pisngi. “Tinatanong pa ba ‘yon? Siyempre ‘yang 8th wonder mo!” “What? Anong 8th wonder? What the f*ck are you saying?” naiinis na tanong niya. I rolled my eyes. “Secret! Ako lang ang nakakaalam noon!” Nuncang sabihin ko na binigyan ko ng pangalan ‘yong pototoy niya, ‘di ba?! “Ang dami mong tanong. Dati ka bang teacher, ha?” masungit na ani ko pa. Lesson number 2: Magsungit na lang para hindi mapahiya! “Tsk! You are talking nonsense! Come on, get up!” Tumayo na siya at akmang tatalikuran ako nang pinalo ko ang binti niya. “Wala kang puso! Hindi mo man lang ako tutulungan na makatayo rito? Ang sakit na nga ng balakang ko—ay!” Hindi ko pa natatapos ang sinasabi nang pangkuin niya ako. Mabilis na napayakap ang dalawang braso ko sa kanyang leeg. “Ang daming sinasabi! You are too loud!” Asik niya bago walang kahirap-hirap na binuhat ako palabas ng banyo. Napanguso ako. Ang sungit-sungit talaga ng isang ito. Diretso lang ang tingin niya samantalang ako ay hindi maalis ang tingin sa kanyang mukha. There is no doubt, he is really good-looking. Not just good-looking, but extremely… to the highest level of handsomeness. But this man is a walking red flag. Masungit, ang bilis-bilis magbago ng mood niya, at higit sa lahat hanggang ngayon ay hindi pa siya nagpapakilala sa akin. Maybe he is a walking red flag… but I could feel his flagpole on my back. Habang naglalakad ay ramdam ko ang lamig na nanunuot sa katawan ko, bathrobe lang ba naman ang suot ko. Feeling ko ay sumusuot iyon hanggang sa loob. I am wearing nothing beneath this robe, and I should act normal so he won’t suspect anything. “Bakit ang sungit mo? Ikaw naman ang may kasalanan kung bakit nahulog ako.” Nahulog sa ‘yo. Charot! Sinamaan lang niya ako ng tingin bago dahan-dahang ibinababa sa kama. “Wait here. I’ll go get you cold compress.” “Okay,” tipid na sagot ko bago ipinikit ang mata. Naramdaman kong umalis naman na siya kaya noong sa tingin ko ay nakalayo na siya ay saka ko iminulat ang mata. He is preparing something on his kitchen when I noticed something in my hand. At muntik na akong mapamura ng malakas nang makita kung ano ang hawak ko. Ito ‘yong isang box ng condom niya na kinuha ko para i-check ‘yong size. P*cha! Why do I still have this? Bakit hindi ko man lang napansin na hawak ko pa rin ito hanggang ngayon?! “Saan ba masakit? Put some cold compress on the painful area.” Nanlaki ang mata ko nang makitang palapit na siya sa akin kaya bago makalapit ay maibilis na naitago ko sa likod iyong box. Baka kung ano pa ang maisip niya kapag nakita ‘to. “T-thanks.” Akmang aabutin ko ‘yong ice pack nang ilayo niya ito. “Let me help you—” “No! Ako na!” Halos maisigaw ko iyon. His forehead knotted but he still gave me the ice pack. “T-thank you…” Kinuha ko iyon at bahagyang tumagilid para ipatong sa aking balakang. Hindi naman masyadong masakit, mabuti na lang mababa lang din ‘yong binagsakan ko. “Ano ba kasi ang kinukuha mo, bakit ka nahulog? Sinira mo pa ‘yong trash bin ko,” saad niya habang pinapanood ako sa ginagawa. Napakurap ako nang sunod-sunod. Bigla akong kinabahan. “Naghahanap lang ng ano… ng c-cream. Alam mo ‘yong sa mukha? K-kaso wala pala.” “So what did you find out in my cabinet?” His eyebrow arched while giving me a suspicious look. “Wala.” Mabilis akong umiling. Feeling ko alam na niya pero hinuhuli lang niya ako pero nuncang magpapahuli ako! “Okay,” he said but still not convinced. Natahimik kaming pareho, pinilit ko ring ituon ang atensyon sa ginagawa. Makalipas ang ilang sandali ay inabot ko na sa kanya iyong ice pack. “Okay na, hindi na masakit. Thank you ulit.” Tipid akong ngumiti sa kanya nang kinuha niya iyon sa kamay ko, pero napalitan nang pagtataka ang ekspresyon ng aking mukha nang hindi pa rin siya umaalis sa tapat ko. “May kailangan ka pa?” “Give me that.” Inilahad niya ang kamay sa akin. Ako naman ay muling nangunot ang noo. “Alin?” Nang mapagtanto ay mabilis na niyakap ko ang sarili. “Pwede ba, wait lang? I know this is yours, pero wala akong gagamitin kapag binigay ko sa ‘yo ‘to.” Grabe naman siya! Ano ang gusto niya, mag-bold ako rito sa harapan niya?! Siya naman ang nangunot ang noo. “Huh? What are you saying?” Namewang siya sa harap ko. Umayos ako ng upo at sumandal sa headboard. “Hinihintay ko lang matuyo ang mga damit ko. Don’t worry pagkatapos sa ‘yo na ‘tong robe na ‘to! Lalabhan ko pa kung gusto mo!” He is damn cold-hearted. Maaatim niya ba na wala akong suot?! Bakit, ito rin ba ang susuotin niya?! Marahas na napabuga siya ng hangin na para bang ubos na ubos na ang pasensya niya. He even massages his temple. Damn! He is hot when he is annoyed! Kainis! “I am not talking about the robe. What I mean is give me the f*cking condom that you are holding a while ago,” sunod-sunod na sabi niya na ikinabilog ng aking mga mata. My face heated up. Walanghiya! Paano niya nalaman?! Ang bilis naman ng mata niya! “H-how did you k-know?” Nakakahiya ka talaga kahit kailan, Astrid! “That doesn’t matter. Akin na.” Seryosong naglahad siyang muli ng palad kaya wala akong nagawa kung hindi iabot iyon sa kanya. Mabagal na kinuha ko ang box sa aking likod. “Are you interested with the size?” Isinilid niya iyon sa bulsa ng kanyang jogger pants na suot. Hindi ako makasagot. Hindi ako pwedeng umamin! “Don’t be. Matatakot ka lang kapag nakita mo nang malapitan,” aniya at halos mapasiksik ako sa gilid nang lumapit siya sa akin. “And don’t be too curious… nanunuklaw ito kapag nagalit,” pabulong na aniya sa aking tainga at halos magtaasan ang lahat ng balahibo sa aking katawan nang tumama ang hininga niya sa aking leeg. Pigil ko ang hininga hanggang sa makalayo siya at bago tuluyang tumalikod ay nakita ko pa ang nakalolokong ngisi sa kanyang labi. My eyes widened in horror. Is it that big? Real big? Oh my gosh! Okay… there is no way I wouldn’t see it tonight! Akala ba ng Dione na iyon ay siya lang ang may kaya noon! Dare me… I can do that as well!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD