Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako, noong oras na iminulat ko ang aking mga mata ay ang medyo madilim na silid ang sumalubong sa akin. Ramdam ko ang malambot na kutson na yumayakap sa aking katawan. Pagkatapos ay naaalarmang napabangon nang mag-sink in sa utak na hindi pamilyar ang lugar na ito, pero halos mapaigik naman ako nang sumakit ang aking ulo na sinabayan ng pag-ikot ng paningin.
Hindi na talaga ako iinom nang ganoong karami kahit kailan. Parang binibiyak ang ulo ko!
Pinalipas ko muna saglit ang p*******t ng ulo bago sinapo at pinasadahan ng tingin ang buong katawan, at matinding kaginhawaan ang lumukob sa aking dibdib nang makapa ko na kumpleto pa naman ang aking suot. Intact pa naman ang suot kong lace panty. Naka-hook pa rin ang suot kong bra.
“Hay salamat sa Diyos. V*rgin pa po ako!” mahinang usal ko sa sarili.
Sinuklay ko ang aking buhok bago dahan-dahang isinandal ang likod sa headboard ng kama. Wala akong ideya kung nasaan ako ngayon, pero base sa lugar na kinaroroonan ko ay lalaki ang nagmamay-ari nito. Naaamoy ko rin ang pabango ng estrangherong lalaki na kasama ko kanina.
Inilibot ko ang paningin sa paligid, ang kamang kinaroroonan ko ay pwedeng magkasya ang tatlo hanggang apat na tao. Dimmed ang ilaw at wala akong masyadong makitang kung ano-anong abubot bukod sa malaking T.V. na nakasabit na katapat ng kama. Sa paanan din ng kama ay mayroong sofa, pagtingin ko naman sa gilid ay babasaging salamin na makikita ang labas na puno ng mga naglalakihang gusali. Bahagyang nakabukas ang kurtina pero sa tingin ko ay hindi kita ang nasa loob. Nahagip din ng mata ko ang oras, ala una na ng umaga, at wala pa ako sa pamamahay ko.
Habang abala ako sa pagmamasid sa lugar ay naririnig ko ang lagaslas ng tubig na nagmumula sa pinto hindi kalayuan sa kinaroroonan ko. Siguradong ang bukod na pinto na iyon ay ang bathroom.
Hindi ko alam kung bakit sa halip na umalis ay ipinahinga ko na lang muli ang likod sa kama at habang nakatulala sa mamahaling kisame ay nag-init ang aking mga mata. Hindi ko na napigilan nang muling umagos ang luha rito, pero hindi na rin ako nagtangkang punasan ito. Naiiyak ako habang naaalala si Dione.
Iniisip ko kung ano ang kulang sa akin, kung may mali ba sa akin para maranasan ito. I have been faithful to him, alam kong hindi ako masyadong magaling manamit hindi katulad ng ibang babae pero sigurado akong mahal ko siya.
Isang buwan na lang ang hihintayin bago ang kasal namin tapos nangyari pa ito. I am already twenty-seven years old, ang saya ko pa dahil bago man mawala ang edad ko sa kalendaryo ay maikakasal ako pero malabo nang mangyari iyon. Mahirap nang magtiwala sa mga lalaki, siguradong pare-pareho lang naman sila.
“You’re awake.” Napapitlag ako nang may magsalita, pagtingin ko sa aking gilid ay halos bumagsak ang panga ko sa sahig nang makita ko ang kabuuan niya.
“Susmaryosep kang tao ka!” Napabangon ako sa kama, muntik pa akong mauntog at ‘yong luha ko ay kusa ring umurong pabalik sa aking mata. Nag-e-emote ako rito bago siya lumabas, ngayon ay parang laway ko yata ang tutulo.
Nanginig ang aking labi habang tinuturo siya. “B-bakit g-ganyan ang suot mo, h-ha?!”
He is wearing only a freaking towel to cover his… his lower body. Ang itaas niya ay walang kahit anong suot at bumalik yata ang pagiging 20/20 ng vision ko dahil ang HD ang lahat ng nakikita ko. Mabagal na tumutulo ang tubig sa dibdib niya pababa sa namumutok niyang abs. Ang magkabilang braso ay umiigting habang nagpapatuyo ng buhok gamit ang isa pang tuwalya.
“Why? What’s wrong with it?”
Nagtatakang pinasadahan din niya ng tingin ang katawan, ako naman ay napalunok nang dumako ang tingin ko gitnang parte na ‘yon na natatakpan naman pero parang may gustong kumawala. May umbok na bumabakat doon at alam kong wala pa akong karanasan pero alam ko kung ano ang nagtatago ro’n.
We have seven wonders of the ancient world, at sa tingin ko ay nadagdagan na iyon ng isa. ‘Yong ika-walo ay nagtatago roon sa loob ng kanyang tuwalya. I wonder how it looks like, hmm…
Napukpok ko ang ulo. Ano ba naman ‘tong utak ko, ang dumi!
“Eyes up, woman.”
Para akong batang nahuli na nangungupit. Nanlalaki ang aking mga mata nang mag-angat ng ulo at eksaktong nagtama naman ang aming tingin. Nag-init ang aking magkabilang pisngi at gusto ko na lang magtalukbong ng kumot.
Nakakunot ang noo niya at halos mapasiksik ako sa gilid nang magsimula siyang maglakad palapit sa akin. Para bang sinasabi ng nasa Itaas na nilalapitan na ako ng palay, kaya kailangan ko nang tukain.
Oh my goodness! Ano ba itong pumapasok sa utak ko? Nilumot yata ang utak ko noong nakainom ako ng tequila.
“A-ano ang ginagawa mo? ‘Wag kang lalapit, sisigaw ako—” Hindi ko na naituloy ang sasabihin nang tumama sa mukha ko ang tuwalya na gamit niya. Halos mapapikit ako sa bango nito, pero halos magpitikan din ang ugat sa aking ulo sa isipin na aling tuwalya ba ‘yong ibinato niya? ‘Yong ipinupunas sa buhok o ‘yong…
“I have no spare towels, you can use that. That’s clean. Wala rin akong sakit kaya ‘wag kang mag-alala,” aniya habang nakatakip pa rin sa ulo ko ‘yong tuwalya.
Marahan akong tumango at nagsimulang kapain ang paligid. Wala akong planong tanggalin ito sa aking ulo, paano na lang kung may makita ako na hindi dapat makita, hindi ba? Oh no! My v*rgin eyes! Hindi pwede!
Noong makapa ko ang kanto ng kama ay dahan-dahan akong bumaba. Ramdam na ng aking mga paa ang carpet, ang kailangan ko na lang problemahin ay ang makarating sa banyo nang hindi nadadapa.
“What the hell are you doing?” I heard him ask but I just shushed him. Nawawala ako sa konsentrasyon, boses pa lang niya ay nanginginig na ang buo kong pagkatao.
Ang kanan kong kamay ay nakaalalay sa tuwalya na nasa ulo para hindi mahulog, habang ang kaliwa kong kamay naman ang ginamit ko para sa pagkapa sa paligid. Unang dalawang hakbang ay safe pa naman, pero noong sumunod ay nauntog na ang ulo ko sa matigas na bagay.
“Aray!” Bakit naman pader agad?
Itinaas ko ang kaliwang kamay para kapain ito, pero hindi naman sobrang tigas. Mainit at malambot, medyo basa rin. Pinasadahan ko pa ng kamay pababa, tinusok-tusok ko pa at hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko na mabibigat na paghinga sa paligid. Ipinagpatuloy ko ang pagkapa rito hanggang sa makita ang dapat na lampasan, pero nabitin lang iyon nang may humawak doon, kasabay nang pagkakatanggal ng tuwalya sa ulo ko.
“Ay gwapong g*go na kukuha ng v*rginity ko!” Bulalas ko habang namimilog ang mga mata nang ang mukha ng lalaking ito ang sumalubong sa akin.
Ilang pulgada lang ang layo namin sa isa’t isa, kulang na lang ay langhapin namin ang hininga ng bawat isa. He smells so damn good… and I probably smell the worst. Eeww! Nakakahiya ka, Astrid!
“Naliligaw ang kamay mo,” aniya na walang kangiti-ngiti sa mga labi.
“Ha?” Nagbaba naman ulo ko. “Ay p*tangina! Paano napunta ‘yan diyan?!”
Gulat na gulat ako, paano ba naman ‘yong kamay ko ay nakahawak na sa ibabaw ng puson niya, at siguradong iba na ang madadakma nito kung hindi lang niya agad nahawakan ang aking kamay para pigilan.
“Ikaw ang naglagay niyan diyan, ano?” Pag-aakusa ko kahit alam kong ako ang may kasalanan.
Lesson number 1: ‘Wag aamin ng kasalanan, ituro sa iba para hindi ikaw ang pagbintangan!
“Ewan ko. Bakit kasi may pagtakip ka pa ng tuwalya sa ulo mo?” inis na saad niya bago ako bitawan, agad naman akong napaatras.
Okay, may suot pa naman siyang tuwalya at ang ibinigay niya sa akin ay iyong ipinunas niya sa mukha at ulo. The 8th Wonder of the world is still safe!
Hindi ko alam kung manghihinayang ako na hindi ko nakita, o matutuwa na wala pa ring bahid ang aking dalisay na mga paningin.
“Nag-iingat lang, paano kung mabahiran ang birhen kong mga mata? Pananagutan mo ‘yon!” mabilis na sabi ko na ikinakunot ng noo niya.
“What?” Okay, hindi niya na-gets. Isang beses ko lang sasabihin ‘yon.
“Wala, sabi ko salamat sa tuwalya. Pagamit na rin ng banyo mo!” Hindi ko na hinintay ang sagot niya at mabilis na nilampasan siya. Sa pagmamadali ko ay tumama pa ang hinliliit ko sa kanto ng mesa.
“Ay nanay ko! Ang sakit!” Halos mapaluhod ako sakit!
“What happened?” Narinig ko ang papalapit na boses niya kaya bago pa siya tuluyang makalapit ay nagmamadali na akong gumapang papunta sa banyo.
“Weird.” Narinig ko pang bulong niya bago ko sarhan ng malakas ang pinto.
“Sorry, hindi sadya!” sigaw ko rito mula sa loob, baka kasi isipin niya ay balak ko pang magsira ng gamit niya.
“Lord, kayo na po ang bahala sa akin… Baka po lumabas ako sa kuwartong ito nang naisuko na ang bataan,” bulong ko habang nanghihinang napaupo sa bowl.
Kung pagsubok man po ito… maluwag sa kalooban ko po na tatanggapin. Basta ‘wag lang po masyadong masakit.