Nakatayo ako sa tapat ng bintana habang nakatanaw sa labas, bukod sa mga ilaw na sumasakop sa buong siyudad at nagpapaliwanag dito ay wala na akong maaninag na kahit ano dahil wala naman akong suot na salamin. Naniningkit ang aking mga mata para makita ang mga sasakyan na tila langgam lang mula rito sa kinaroroonan ko. Buhay na buhay pa rin ang siyudad sa ganitong oras. Some people were still busy making a living even at this late hour. I hope they didn’t forget to make a life as well. Mahigpit ang yakap ko sa robang suot na siyang tanging yumayakap sa aking katawan para hindi tuluyang lamigin, kasabay noon ay ang malalim na pagbuntong-hininga. Sa mga ganitong oras ay dapat natutulog na ako, may pasok pa ako kinabukasan pero mukhang malabong makapasok pa. Tahimik lang ako habang hindi al