“Nakausap ko kanina ang Tita Tess mo, pati na rin ang Tito Ben mo. Nasabi ko na sa kanila na hindi na tuloy ang k-kasal mo…” mahina lang ang boses ng aking tatay mula sa kabilang linya. Napabuntong-hininga ako. Inaayos ko ang bag na dadalhin sa trabaho nang maisipan kong tumawag sa kanila. May isang linggo na rin na nakabalik sila sa probinsya noong araw rin na umuwi sila rito. Ayoko man na umalis sila agad at gusto kong makasama pa sila pero hindi na nagpapigil si nanay, at alam kong kahit na anong sabihin ko ay hindi ko na mababago ang desisyon niya. “S-salamat po, ‘tay. Nagkaroon pa tuloy kayo ng isipin dahil sa akin…” Hindi ko na iniisip ang sasabihin ng mga kamag-anak ko sa akin, ang nakakapagpalungkot lang ay kung ano ang masasabi nila sa mga magulang ko. Nasabihan ko na rin hal