IV: P*KE /pyo͞ok/

1735 Words
“Nahihilo na ako! Ibaba mo ako, maderpaker!” Hindi ko alam kung paano niya nagawang makalabas sa bar habang buhat ako nang walang kahirap-hirap. Lintek, siya lang ang hindi nahirapan samantalang ako ay hilong-hilo na sa posisyon ko. Kanina pa panay ang padyak ng aking paa sa pagbabaka sakali na kapag naglikot ako ay ibababa na niya ako pero hindi naman iyon nangyari. Nakaharap ako sa matambok niyang pang-upo at amoy na amoy ko ang nakakahumaling niyang pabango. “Stop wiggling! Are you a freaking worm?!” Napanguso na lang ako. Sa ganda kong ito ay mukha ba akong bulate?! Pinagsiklop niya ang dalawa kong binti gamit ang kanyang braso. Napalunok ako dahil ngayon ay ramdam na ramdam ko ang balat niya na dumadampi sa akin. Ang balahibo niya sa braso ay nagdudulot ng kakaibang kiliti sa aking katawan kaya naman bahagya akong natahimik. “Get my car, Leon.” Narinig kong mariing utos niya sa kung sino at nang magpilit akong tumunghay ay ang papalayong bulto na lang ng isang lalaki ang naabutan ko. What does he mean by that… ‘wag niya sabihin na isasama niya ako pauwi? Oh my gosh! It’s freaking no way! “A-anong car? May sasakyan ako. Put me down na kasi, Mr. Epal!” Nandito na kami sa labas, malamig ang simoy ng hangin pero hindi iyon nakatulong sa kakaibang init na nararamdaman ko ngayong gabi. Sa gigil ko ay hinampas ko ang pwet niya pero hindi man lang siya natinag doon. “Bingi ka ba? Ibaba mo na nga ako, ano ba ang hindi mo maintindihan doon?!” Hindi ko maigalaw ang aking mga binti dahil talagang mahigpit ang hawak niya rito, kaya naman bilang pambawi ay kinurot ko ng pino ang kanyang pang-upo. Naging dahilan din iyon para bahagyang lumuwag ang hawak niya sa akin. “Damn, woman! Stop pinching my ass!” Ramdam ko ang gigil sa kanyang boses pero napataas lang ang aking kilay. Pinagpatuloy ko ang pagkurot sa pwet niya kaya panay rin ang pagpadyak niya ng paa. Hindi ako titigil hangga’t hindi niya ako ibinababa. Aba malay ko ba kung saan niya ako dadalhin? Baka ipa-salvage niya ako, e ‘di kawawa naman ang mga magulang ko na hindi alam kung saan ako hahanapin. Hindi ko pa nga nasasabi sa kanila na hindi na matutuloy ang kasal ng unica hija nila. “You are really a pain in the ass, woman!” Nanlaki ang mata ko at halos maestatwa nang paluin niya rin ang aking pang-upo. Kumalat ang init sa aking buong mukha na kanina pang alam kong pulang-pula. It doesn’t hurt but it shook the hell out of me. Sa halip na masaktan ay may rumagasa pang kiliti sa buo kong katawan at para bang may nabuhay sa aking sistema. Damn it! “Baba mo na ako, p-please…” Naging maliit ang aking boses, at hindi ko alam kung saan napunta ang lahat ng pagtataray ko kanina. “I-I want to g-go home…” ani ko pa. Wala na akong narinig mula sa kanya dahil nakuha na ang atensyon ko ng humintong sasakyan sa harap namin. May kung sinong nagbukas ng pinto at sa isang iglap lang ay nakita ko na lang ang sarili sa loob ng sasakyan. Bago pa ako makapagsalita ay nagsara na ang pinto sa aking tabi at kahit anong pilit kong buksan ito ay hindi mabuksan. Sa kabilang side ay nagbukas din ang pinto at pumasok doon ang lalaking epal na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan. “W-what do you think you are doing, huh? B-bakit pati ako ay kasama rito sa sasakyan mo? I-I have a car and I can go home by myself…” Unti-unti na akong kinakabahan. Paano nga kung… kung ipatapon niya ako sa kung saang lupalop at walang makaalam? Oh my god! Hindi ko pa na-cancel ‘yong sa wedding preparation namin… hindi pa po ako pwedeng mamatay. Wala pa ngang nakikinabang sa v*rginity ko tapos mamamatay lang ako nang gano’n ganoon lang? Tahimik na inayos niya ang kanyang seatbelt at mas lalo akong naalarma nang paandarin niya ang sasakyan. Napapadyak ako. Papalayo na kami sa bar kaya muli ko siyang hinarap. “Hey, mister… k-kung may nagawa man ako sa ‘yong kasalanan… okay, I’m so sorry. But please, let me g-go.” Hindi ko naman tuluyang nabasag ‘yong shot glass sa bar niya kaya wala akong kailangang bayaran. Kaya wala naman talaga akong kasalanan sa kanya. Tsk! Hinawakan ko siya sa braso pero nang tingnan niya ako ng masama ay mabilis ko ring inalis iyon. Ayoko namang guluhin siya sa pagmamaneho, ‘yong mga napapanood ko kasi sa mga teleserye na gustong bumaba ng sasakyan nauuwi lang sa aksidente, e ‘di mas napaaga naman ang buhay ko kung ganoon? “S-saan tayo pupunta? N-nandoon pa nga ‘yong kotse ko…” Panay ang salita ko rito sa loob pero parang kumakausap lang ako sa hangin dahil wala akong nakuhang sagot sa kanya. Nanghihinang napasandal na lang ako sa upuan at tumingin sa labas. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak ng isang ito, kinakabahan ako pero hindi ko alam kung bakit hindi ako tuluyang makaramdam ng takot. Tumahimik na lang din ako nang maramdaman kong sumisirko ang aking sikmura. Parang masusuka pa yata ako kaya naman ipinahinga ko muna ang sarili. Nakakahiya naman kung dito pa ako sa loob ng sasakyan niya magkakalat, samantalang mukhang mamahalin pa naman ito. Ilang minuto pa ang nakalipas noong mapakiramdaman ko ang sarili na okay na ay muli ko siyang hinarap. Huminga ako ng malalim. “This is k********g, mister. Isusumbong kita sa mga pulis!” Pananakot ko na alam ko namang wala siyang pakialam. “k********g? You are not a kid anymore.” Napabuga ako ng hangin at agad na napasimangot. “Ano gusto mo oldnapping? Dati ka bang bobo ha?!” Pinagkrus ko ang dalawang braso sa dibdib, bumabalik na naman ang inis ko sa lalaking ito. “What do I have to do to shut that loud mouth? Ang ingay mo!” Binalingan niya ako ng masamang tingin bago muling hinarap ang pagmamaneho. Aba’t! Pakiramdam ko ay biglang umusok ang tainga ko. Siya pa talaga ang may karapatang magalit samantalang ako itong binitbit niya rito nang walang paalam? “Hoy, lalaki! For your information, you are the one who brought me into this situation, so you have no right to—” “What the—” Pareho kaming natigilan dahil sa hindi inaasahang pagkakataon ay hindi ko na tuluyang napigilan ang pag-aalburoto ng aking sikmura. I freaking p**e… at dahil sa kanya ako nakaharap ay nasukahan ko ang kanyang braso. Mariin akong napapikit kasabay nang sunod-sunod na pagmumura niya. “I’m sorry…” Muli kong tinakpan ang aking bibig nang maramdaman ang muling pag-angat ng lahat ng ininom ko. Hindi ko alam kung lulunukin ko para lang bumalik pero mas lalong bumabaliktad ang sikmura ko. Damn it! Nakakahiya. Naiiyak ako sa kahihiyang ito. “Shush. D-don’t talk. Wait, I will stop the car.” Mabilis na inihinto niya sa isang tabi ang sasakyan. Mabuti na lang wala nang masyadong dumadaan ngayon dahil anong oras na rin. Mabilis na lumabas siya at umikot papunta sa aking gawi, siya na rin ang nagbukas ng aking pinto at inalalayan ako na lumabas. “Careful.” Pagtapak pa lang ng aking paa sa semento ay nagmamadali akong pumunta sa gilid para ilabas doon ang lahat ng ininom ko. I freaking swear. Hindi na talaga ako iinom pagkatapos nito. Panay ang suka ko habang panay rin ang hagod niya sa aking likod. “Iinom-inom, hindi naman pala kaya.” Naririnig ko siyang bumubulong sa aking tabi pero hindi ko na iyon pinansin. Ang gusto ko lang ay gumaan ang aking pakiramdam. “Wait, I’ll get you water.” Umalis siya saglit sa aking tabi habang ako naman ay pilit na inilalabas ang lahat nang nagpapabigat sa aking sikmura. Maya-maya ay bumalik siya na may dalang tissue at tubig. Inabot niya sa akin ang bukas na bottled water, agad naman akong nagmumog. Nakakadiri, pero kahit paano ay gumaan naman ang pakiramdam ko. Tumayo ako at muntik nang mabuwal kung hindi niya nahawakan ang aking braso. “Okay ka na? Get in the car.” Tumango lang ako at hindi na nagmatigas pa noong igiya niya ako pabalik sa sasakyan. Nakakapanghina, daig ko pa ang nakipagbuno sa isang sumo wrestler. Nakabukas ang pinto at nakatayo siya sa gilid ko. Nagulat ako nang abutin niya ang aking bibig at maingat na pinunasan iyon ng tissue. He is so serious while wiping my lips. Nakakunot ang kanyang noo na para bang kailangan ng matinding konsentrasyon ang ginagawa. Nagtama ang aming mga mata at mabilis na naglikot ang mga paru-paro sa aking sikmura. Bahagya akong natakot dahil kahit si Dione ay hindi nakuhang iparamdam sa akin ito. “A-ako na…” Hindi ko alam kung ano ang biglang gagawin kaya kinuha ko na lang iyong tissue na hawak niya. Hindi naman na siya nagpumilit pa. Ipinatong niya sa hita ko ang box at kumuha ng ilan doon, bago punasan ang braso niya na kanina ay nasukahan ko. I closed my eyes in embarrassment. Nakakahiya ka, Astrid! “S-sorry. M-may alcohol ako rito,” ani ko sa maliit na boses bago kinuha sa bag ko ang maliit na bote ng alcohol. Iniabot ko iyon sa kanya, at agad na naman niyang kinuha. Walang naging imikan sa pagitan namin habang inaasikaso ang bawat isa. Mabuti na lang hindi masyadong marami ang naisuka ko sa kanya kanina at purong alcohol lang iyon. Pero nakakahiya pa rin. “Are you done?” Nag-angat ako ng tingin at muling nagtama ang aming mga mata. Kiming tumango ako, pinaayos lang niya ako ng upo at sinarhan na ang pinto. Pinanood ko siyang umikot papunta sa driver’s seat. Muling namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa hanggang sa muling umandar ang sasakyan. Okay… where to go? Isinandal ko na lang ang likod sa upuan at pumikit. Bahala na kung saan dalhin ng lalaking ito, dahil ubos na ang lahat ng energy ko para magtanong at makipagtalo pa. Tutal, ang goal ko naman ngayong gabi ay ang makalimot… at in fairness, sa pinaghalong inis at kahihiyan ko sa lalaking ito ay kahit paano nakalimutan ko ang ginawang panloloko sa akin ng ex-fiancé at ng best friend ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD