Marahas na ipinilig ko ang aking ulo habang nagmamaneho pabalik ng Maynila. Mahigpit ang hawak ko sa manibela sa pag-aalala na baka mabitawan ko na lang ito bigla dahil sa dami ng mga tumatakbo ngayon sa utak ko.
“Lintek na mga manloloko ‘yon! Mga salot sa mundo!” Panay ang mura ko sa loob ng kotse.
I don’t usually curse. I came from a conservative family that’s why until now, I haven’t given my v*rginity to my long-time boyfriend. Naniniwala kasi ako na hangga’t hindi pa kasal ay hindi ko ibibigay ito, at mabuti na lang pala talaga dahil tama ang naging desisyon ko. That jerk doesn’t deserve it at all, he is a goddamn cheater!
Pero ngayon ay hindi ko na mabilang kung ilang mura ang namutawi sa aking bibig sa sobrang sama ng loob. Mag-alas diyes na ako nakarating sa condo. Nagsayang ako ng anim na oras na buhay ko para lang makita ‘yong walanghiyang manloloko na ‘yon.
I feel so drained when I got home. Hindi ko na nagawang makapagbihis ng damit at dumiretso na agad ako sa kama, at sa hindi malamang dahilan, paglapat pa lang ng likod ko sa malambot na kutson ay awtomatikong umalpas ang luha sa aking mga mata. Ini-off ko rin ang aking cellphone dahil panay ang tawag ng manlolokong Dione na iyon.
Sa katahimikan dito sa loob ng kuwarto ay tanging mahinang pagtangis ko lang ang maririnig. I didn’t cry when I learned the truth and when I confronted them, ngayong mag-isa na lang ako ay saka naman parang gripo ang aking mga mata na walang humpay sa pag-iyak.
I feel betrayed and it hurts so much. And what makes it sadder is this betrayal didn’t even come from my enemy. It hurts knowing that the person I trusted and loved for years was not even honest with me and pretended everything was fine while planning on breaking my heart.
Hinayaan kong iiyak lang ang lahat pero wala rin akong planong magmukmok mag-isa. Wala naman akong mapagsasabihan ng problema dahil iyong taong dati kong sinasabihan ay isa sa mga dahilan ng problema ko ngayon. Malayo rin ang pamilya ko sa akin dahil nasa probinsya sila ngayon, kaya hindi rin nila alam ang nangyari at hindi ko alam kung paano maipaaalam sa kanila.
I get up from bed and went straight to the bathroom. Pagharap ko pa lang sa salamin ay akala ko mangkukulam ang nakita ko sa repleksyon. Hindi ko alam kung matutuwa, maaasar o mas lalo lang akong maiiyak sa nakikita.
I looked like a mess. Tinanggal ko ang suot kong eyeglass na nag-moist na dahil sa pag-iyak, kitang-kita rin ang pamumula ng aking mga mata. I am wearing eyeglasses before I graduated from college, so basically it is almost seven years.
Naghilamos lang ako pero kalaunan ay napagpasyahan ko na rin na maligo. I scrubbed my whole body, thinking that all the kisses that I’ve shared with Dione will get erased as well. Ayokong maalala ang labi na iyon na may iba namang hinahalikan. It is freaking disgusting!
Pagkatapos maligo ay naghanap na ako nang maisusuot bago mag-ayos sa harap ng salamin. Nagsuot ako ng contact lenses para hindi ko na kailangang magsalamin. I put make-ups and even put fake eyelashes. Pulang-pula rin ang aking labi.
Pakiramdam ko ay ibang tao ang kaharap ko ngayong suot ko ang isang bestidang kulay itim na hapit na hapit sa aking katawan na umaabot lang sa kalahati ng aking hita. My cleavage is almost exposed but I don’t care. This is my first time wearing this, because like what I have said, I came from an old-fashioned family… but I have to do this. Kahit isang gabi lang, gusto kong mamukhang ibang tao, baka sakaling makalimutan ko ang ginawang panloloko sa akin.
Kinuha ko lang ang aking bag at lumabas na ng unit. Plano kong mag-club ngayon. Kinakabahan ako lalo na’t mag-isa lang ako, pero pilit kong pinatatatag ang aking loob. I want to be free from the pain just for once.
I drove my car and took only few minutes when I arrived at PM’s Hideout. Mabilis na kinabig ko ang manibela para i-park ang sasakyan sa parking lot bago nagpasyang pumasok. Wala nang atrasan ito.
Agad na sinalubong ako ng maingay na kapaligiran at nakaliliyong makukulay na ilaw sa loob. Muntik na akong mapamura lalo na noong hagurin ako ng tingin ng mga kalalakihan sa nadaanan kong table.
“Hi, miss sexy! May kasama ka ba?” Sinitsitan ako ng mga ito at akmang tatayo ang isa kung hindi ko pa binilisan ang paglalakad, mabuti na lang din may ilang grupo ng kababaihan ang lumapit sa kanila.
Ang lakas ng loob kong pumunta rito, tapos doon pa lang ay kakabahan na ako. Napapailing na nagdiretso ako patungo sa bar at kaagad na nag-order ng isang bote ng tequila. Balak kong magpakalasing at makalimot ngayon. Bwisit ang lahat ng lalaki sa mundo! Mga salot sa lipunan!
Ilang minuto pa lang akong nakakaupo pero halos makalahati ko na ang bote ng tequila, nagsisimula na ring umikot ang aking paningin pero alam ko pa naman ang nangyayari sa aking paligid. Eksaktong pagbaba ko ng baso ay naramdaman kong may umupo sa aking tabi pero hindi ko na ito nilingon pa. Langhap na langhap ko ang pinaghalong bango ng aking katabi at ng alak na iniinom ko.
“One Vodka Martini.” I heard him say in his deep baritone voice, and I don’t know why something inside me stirred up.
“Coming right up, sir…” Agad na tumalima naman iyong bartender na siya ring nag-serve ng inumin ko.
Pagkatapos ay wala na akong narinig mula sa lalaki. Umayos ako ng upo at muling ipinagpatuloy ang planong pag-ubos sa bote ng tequila na ito.
Marami pa akong kailangang gawin pero nandito ako ngayon at nagpapakalango. I have to contact our wedding organizer to cancel this bullsh*t. Ayos na ang lahat, fully paid na. Talagang araw ng kasal na lang ang hinihintay pero nakuhang magloko ng hayop na groom na ‘yon! Binigyan pa ako ng problema sa pagkakansela ng lahat at pagpapaliwanag kung bakit walang matutuloy na kasal. Wala na akong pakialam sa mga ginastos namin, dahil sino ba ang gusto pang magpakasal matapos mong mahuli ‘yong fiance mong ikinakama ang best friend mo?!
Pero lahat ng ito ay bukas ko na aasikasuhin. Sa ngayon ay gusto ko na lang muna makalimot, pero sa dami na nang nainom ko ay hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari.
“Mga walanghiya talaga!” Sa sobrang inis ko ay malakas na naibagsak ko ang baso sa mesa, halos sumabay iyon sa malakas na tugtog dito sa loob.
Nag-iigting ang aking panga at handa nang magmura nang marinig kong magsalita ang lalaking katabi ko.
“Twenty dollars,” aniya na nagpakunot ng noo ko.
“What?” I looked at him with creased eyebrows.
“That’s twenty dollars. You have to pay for it once you broke it.”
Laglag ang panga ko pero hindi ko alam kung saan—dahil ba sa sinabi niyang presyo ng kopita na hawak ko o dahil akala ko isang Greek God na bumaba rito sa lupa ang nasa harapan ko? Umiikot na ang paningin ko pero hindi naman ito naging hadlang para hindi ko mapag-aralan ang kabuuan ng lalaking ito.
He was, uhm… well different from the others. He had that appearance that could make him stand out in the crowd. Nakatingin siya sa hawak niyang kopita ng alak kaya naman kitang-kita ko kung gaano katangos ang kanyang ilong. Naka-army cut ang kanyang buhok na mayroong pang style na guhit sa gilid na hindi ko na alam ang tawag. May ilang stubbles din sa gilid ng kanyang panga na mas lalo lang nagpadagdag sa appeal na mayroon siya.
Nagbaba naman ang tingin ko sa braso niya na nag-umigting sa loob ng suot niyang polo shirt. Napansin ko rin ang maliit na itim na hikaw sa kanyang tainga.
Damn! What is happening and I can’t stop looking at this man?!
Naipilig ko ang aking ulo at marahas na ibinalik sa baso na hindi ko na napansin na napahigpit na pala ang hawak ko.
“I will pay…” naisagot ko na lang at magsasalin sana sa baso ng tequila pero nang mapansin kong nagsimulang manginig ang aking kamay ay sa bote na ako uminom.
Napapikit ako nang sunod-sunod na gumuhit sa aking lalamunan ang alak.
“Do you plan on getting wasted, huh?” he asks once again.
Hindi ko alam kung bakit nakikipag-usap siya sa akin ganoong hindi naman kami magkakilala. Gusto kong mapag-isa, ayaw ko nang kausap kaya hindi ko na lang sinagot iyon. Bahala siya r’yan!
Sa halip na sumagot ay inubos ko na lang ang laman ng bote. At pakiramdam ko ay mayroon akong na-fullfill na isang bagay sa tanang buhay ko.
“Hey, mister…” Itinaas ko ang aking kamay para kunin ang atensyon ng bartender pero muntik na akong mawalan ng balanse sa upuan nang makalimutan kong wala nga palang sandalan itong inuupuan ko. Mabuti na lang may matipunong braso na pumalupot sa aking bewang para tulungan ako na hindi tuluyang mabuwal.
Damn! My world is spinning!
“Careful,” ani ng katabi ko sa matigas na ingles.
Hindi ko siya pinansin at mabilis na tinanggal ang braso niya sa bewang ko dahil sa hindi malamang dahilan ay may kung anong kuryenteng idinulot ito sa aking katawan.
“Okay. I’m just helping…” I heard him murmur but my attention is already on the bartender in front of me.
“Give me the s-strongest in the h-house!” Napasinok ako. “Make it faster, mister!”
Pagkatapos ay tumungo ako sa counter dahil pakiramdam ko ay nakasakay ako sa roller coaster. Nahihilo ako.
“That’s enough, Joseph. She already finished one bottle.” Narinig kong ani ng lalaking nasa aking tabi kaya muli akong nag-angat ng ulo.
“Yah! That’s my order! Bakit mo ako pinipigilan?!” Tinuro ko siya pero ibinaba lang niya ang kamay ko.
Sinamaan ko siya ng tingin kahit na ang totoo ay pakiramdam ko ay nadadagdagan ang bilang niya.
“You can’t even sit properly and you want to drink more?” Nagbaba ang tingin niya sa hita ko kaya ganoon din ako. Tumataas na iyon nang hindi ko napapansin at hindi na ako nakahuma nang dumikit ang daliri niya sa balat ko para hilahin pababa ang suot kong bestida.
Napanganga ako, sumikdo ang aking puso at awtomatikong gumalaw ang kamay ko para paluin ang kamay niya.
“Manyak ka!” Akusa ko habang hindi pa rin nawawala ang pagkakatalim ng tingin sa kanya.
Iba na talaga ang mga lalaki sa mundo. Kung hindi manloloko ay manyak naman!
“What the f*ck?!” napasigaw na mura niya. “I’m just helping you out!”
Napaingos ako. “Helping?! Tapos ano? Pagkatapos mo akong tulungan, makikipag-kaibigan ka? Manliligaw. Hihintayin mo akong ma-fall sa ‘yo tapos kapag alam mo nang hulog na hulog na ako sa ‘yo ay saka mo ako iiwan? Pare-pareho naman kayong mga lalaki, manloloko!” sunud-sunod na ani ko na ikinalaglag ng panga niya.
Oh, ‘di ba? Hindi siya makapagsalita dahil totoo ang sinasabi ko?
“What the goddamn f*ck?! What are you even saying, woman?!” Ramdam ko ang gigil niya sa aking tabi pero inirapan ko na lang siya at ibinaling muli ang tingin sa bartender na nakatanga lang sa amin. Kinatok ko ang counter para kunin ulit ang atensyon niya.
“Pakibilis, mister. Kahit ano nang nandiyan. I’m thirsty!” Muli akong napasinok. Ang tagal naman niya, kanina pa ‘yong order ko. Magbabayad naman ako.
“No, Joseph. Don’t give her anything!” Singit ng pakielamero sa tabi ko.
Aba’t! Talagang hindi titigil ang epal na lalaking ‘to!
“Dati ka bang papansin, ha?” Inis na tiningnan ko siya. “Akin ‘yon bakit nakikialam ka, ha?! Kung gusto mo, mag-order ka ng sa ‘yo!”
Hindi pa nga niya nauubos ‘yong iniinom niya tapos pati ‘yong sa akin pinakikialaman niya.
Inis na inis na ako. Ang contribution lang ba ng mga lalaki sa buhay ko ay ang pestehin ako?!
Kanina ay gwapong-gwapo ako sa lalaking ito pero ngayon ay para siyang kuto sa paningin ko na gusto kong tirisin! Kanina ay si Dione at Nikita lang ang nagpapainis sa akin pero may dumagdag na sa listahan ko. Kung ano man ang pangalan ng poncio pilatong ito ay basta kasama siya sa listahan ng kinasusuklaman ko!
“This is my bar and I can make you leave this place!” maangas na aniya.
Kaya naman pala napakayabang ng isang ito. E ano naman?!
“You can’t! Magbabayad naman ako sa kung ano ang bibilhin ko!”
Gusto ko lang naman uminom. Gusto kong makalimot pero bakit kahit dito ay hindi ko magawa?
“H-hey, are you c-crying? Damn…” He touched my shoulder but I just harshly removed it.
Hinarap ko siya nang nangingilid na ang luha sa aking mga mata. Hindi ko namalayan na naiyak na pala ako, na-frustrate ako sa mga nangyayari.
“Damn!” sunod-sunod ang naging mura niya habang pilit na inaabot ang braso ko pero pilit ko ring iwinawaksi ang kanyang kamay. “I didn’t make you cry, woman. Stop crying!”
Mas lalong nanginig ang aking labi at hindi ko na napigilan ang paghikbi. “M-manloloko! Mga manloloko kayong mga lalaki! Bakit hindi n’yo magawang mag-stick sa isang babae lang? Hirap na hirap ba kayong magpaka-loyal na mga p*tangina n’yo ha?!”
Dala na rin siguro ng alak kaya malakas ang loob kong magmura. Wala na akong pakialam, gusto ko lang ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko sa mga oras na ito.
“‘Wag mong lahatin, babae. ‘Wag mo akong itulad sa kung sino mang g*gong nanloko sa ‘yo,” balik na sagot niya.
“Ilang butas ba ang gustong pasukan niyang mga lintek na t*t* n’yo—” Hindi ko na naituloy ang sasabihin nang hilahin niya ako sa bewang at takpan ang aking bibig, at sa isang iglap din ay bumaliktad ang lahat. I mean, literal na baliktad ang lahat ng bagay na nakikita ko sa aking paligid.
“P-put me down, assh*le! Yeah! Hoy, pakshet ka!” This jerk just lifted me on his shoulder like I am a freaking sack of rice.