Chapter 3

1031 Words
Chase POV "F–ck!" Bigla akong napamura nang umatras ang kotse na nasa unahan ko, inihinto ko saglit ang kotse dahil tumunog ang cellphone ko. Akala ko kasi ay deretso na ang kotse sa unahan 'yon pala ay aatras pa ito. Damn it! Kabibili ko lang sa bagong Porsche na ito last week, napapailing na lang ako. Binasa ko ang email ng secretary ko na nag-notify sa cellphone. Kompleto na raw lahat ng nag-apply ng intership dito sa kompanya ko na nakapasa sa initial interview last week at handa na ang mga ito for final interview. Ako lang naman si Chase Wilson King, the 29 years old CEO of this big Advertising Company. Eight years ago, ipinasa ng ama ko ang pagiging Chairman ng kompanya nang mag-retiro ito. Huminga ako ng malalim saka ibinalik ang cellphone sa bulsa ng pantalon ko. Tumingin ako sa harapan, my mouth gape when I saw a beautiful woman standing in front of the car, kagat-labi nitong sinusuri ang damage ng dalawang kotse. Napatitig ako sa babaeng nakatayo na para bang ang lalim ng iniisip, nakapamaywang pa ito. Sumilay ang ngiti sa labi ko habang tinitingnan ito. She was enticing, ito ang tipo ng babae na kapag tinitigan mo ay halos ayaw mo ng mawala sa paningin mo. Damn! Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sa isang babae. I admit, marami ng mga babaeng dumaan sa mga kamay ko at ang klase ng nararamdaman ko sa babaeng tinititigan ko ngayon ay hindi ko naramdaman sa iba. Kahit simple lang ang suot nitong damit, tingin ko ay napaka-sexy nitong tingnan sa suot na v-neck plain white t-shirt na naka-tuck in sa suot nitong fitted jeans. Hindi naitago ang magandang kurba ng katawan nito. Her stunning mid-length full bangs hairstyle–ay mas lalong nakadagdag sa s*x appeal nito. Sa sobrang lalim ng iniisip nito ay hindi nito napansin ang paglapit ko. "Are you okay?" tanong ko. "Ha?" mahinang usal nito. "I said if you're okay." Malumanay kong ulit sa tanong ko kanina. Nagtanggal ito ng bara sa lalamunan at halatang kinakabahan, baka iniisip nito na kakasuhan ko siya o pababayaran ko ang damage. Siguro kung sa iba nangyari ito ay malamang pinabayad ko na. "Yes, I'm okay." Sagot nito saka nag-iwas ng tingin samantalang ako ay hindi ko magawang iiwas ang mga mata sa maganda nitong mukha. "You look pale." Puna ko rito, gusto kong pakalmahin ito. "Are you an employee here?" Napakagat-labi ito na mas lalong nagbigay ng init sa katawan ko pero hindi ako nagpahalata, I don't want to scare her–pero hindi ko talaga maiwasan na hindi mapatitig sa labi nito. Damn it! "Hindi ako empliyado rito. Pasensya ka na, na damaged ko ang harapan ng kotse mo. Ipapaayos ko na lang at babayaran ang damage–" "No need." Putol ko sa sinasabi nito. "What do you mean?" tanong nito na tila nakabawi na sa pagkabigla kanina. "You don't need to pay the damage, may kasalanan rin ako." Turan ko. "Pasensya na, kailangan ko ng pumasok sa loob. Hinihintay kasi ako ng anak ko. Kung sakaling magbago ang isip mo, I will give you my calling card." Sabi nito sa akin saka nagmamadaling bumalik sa kotse nito. Naningkit ang mga mata ko nang mabanggit nito ang salitang anak, hindi naman halata na may anak ito. Shit! Pinagnanasaan ko ang babaeng may asawa na. Damn you Chase! Asik ko sa sarili. I can't help to stare at the back of her sexy body, the way she walk and the way she sway her hips, it was very arousing to see. Mabilis itong bumalik palapit sa akin, ang mga tingin ko ay naka-focus lang sa kanya. "Here's my calling card. If you change your mind, you can contact me to this number." Sabi nito sabay abot sa calling card. Sinipat ko ang daliri nito, nakahinga ako ng maluwang dahil wala namang suot na wedding ring. Gusto kong ngumisi pero pinigilan ko. Pormal pa rin akong nakatayo at nakaharap sa kanya maliban sa tingin ko na halos hinuhubaran ko na siya. Inabot ko ang calling card pero hindi ko napigilan ang sarili na damhin ang palad nito. Lihim akong napamura nang maramdaman ang kakaibang sensasyong gumapang sa buong katawan ko. Damn it Chase! Bakit ang libog mo? Saway ko sa sarili na gusto ko ng sapakin. She stared at me dumbfounded, naramdaman din kaya nito ang spark na naramdaman ko?Kaagad itong umiwas ng tingin sa akin. Sumilay naman ang munting ngiti sa labi ko. "I won't change my mind, but thank you for this," sabi ko, saka itinaas ang calling card na binigay nito. "I can use it for personal purposes." Nagsalubong ang dalawang kilay nito sa sinabi ko at isang tipid na ngiti lang ang isinagot sa akin saka bumalik na sa kotse nito at umalis. Inilabas ko ang cellphone at pinindot ang numero ng personal assistant kong si Jeff. "Yes, sir?" sagot nito sa tawag ko. "Come to the parking area, ikaw na ang bahala sa sasakyan ko." Utos ko rito sa mahinahong boses. Bukod sa personal assistant ko ito ay kaibigan ko na rin. Approachable akong tao, but in regards of my business I am ruthless. "Copy, boss." Sagot nito sa masiglang boses. Nagmamadali akong pumasok sa loob ng building nagba-baka sakaling maabutan ko pa ito. Kusang bumukas ang censored sliding door pagpasok ko sa loob. Katapat ng lounge area ang private elevator ko kaya kitang-kita ko na may niyayakap itong dalaga. Ito ba ang anak niya o kapatid? Napapaisip ako, kung ang niyayakap nito ngayon ay anak. Then, her age must be in 40's or 50's. Damn it! Malakas akong napamura sa isipan, not my cup of tea. Biglang bumaling ang tingin nito sa akin at ngayon nga ay nagkatitigan kami kahit malayo ang distansya namin sa isa't isa. Ito na rin mismo ang unang umiwas ng tingin saka pumasok na sa loob ng lounge area. Godammit! I can't believe that I am lusting a woman that twice of my age! Napapailing ako sa sarili, this is not happening. Kailangan kong kontrolin ang pagnanasang nararamdaman sa babaeng iyon. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD