Olivia's POV
Puno ng agam-agam ang dibdib ko ng lumabas sa kotse. Kagat-labi akong nagtungo sa likuran at iyon na nga, na atrasan ko ang kotse na may tatak na Porsche logo sa harapan.
Binalot ng kaba ang dibdib ko dahil malaki ang naging damage sa harapan ng kotse at kung sakali na ipaayos nito sa akin ang damage ay malaki ang mawawala sa savings ko.
Tinted ang salamin ng kotseng may logo na Porsche kaya hindi halos makita kung sino ang nagmamaneho. Hindi pa kasi bumababa kaya hinihintay ko. Inilagay ko ang dalawang kamay sa balakang at napapaisip ako kung magkano ang mababayaran ko sa damage.
Hindi ko namalayan na nakalabas na pala ang nagmamay-ari ng kotse dahil may lumapit sa akin kaya napapitlag ako lalo na ng marinig ang malalim na boses nito.
"Are you okay?"
His voice is deep and husky, a kind of voice that is so very easy to fall in love with and something inside of me awaken.
"Ha?" usal ko. Parang wala ako sa sariling napaharap sa lalaking nagmamay-ari ng kotse. Napanganga ako ng matitigan ang kabuuan nito.
My God!
He looks like a Greek-god, incredibly attractive and good-looking. Hindi naitago ang magandang hubog ng katawan nito sa suot nitong tuxedo. Saka mukhang nasa 30's pa ang edad nito at halatang six footer. Humakbang pa ito palapit sa akin kaya napatingala ako.
"I said if you're okay." Malumanay nitong ulit sa sinabi kanina. Nagtanggal ako ng bara sa lalamunan.
"Yes, I'm okay." Naiilang kong sagot dito, hindi ko rin ito magawang matitigan ng deretso sa mga mata dahil kung makatitig ito sa akin ay para bang tagos hanggang buto.
Pakiramdam ko tuloy ay bumalik ako sa pagkabata. Pero wala naman sigurong masama kung mag-admire ako sa isang lalaki, 'di ba? Tama, admiration lang naman.
"You look pale." Puna nito sa akin, saka muling nagsalita, "Are you an employee here?"
Muli kong nakagat ang pang-ibabang labi, ngayon lang ako ni-nerbyos sa isang lalaki.
"Hindi ako empliyado rito, pasensya ka na atrasan ko ang harapan ng kotse mo. Ipapaayos ko na lang at babayaran ang damage–"
"No need."
Putol nito sa sinasabi ko. Bakit ba napaka-buo ng boses nito na para bang gusto mo na lang na magsalita ito nang magsalita. Nakakabasa ng panty dahil sa pagiging husky ng boses nito. Gusto ko ng sampalin ang sarili dahil kung anu-ano na ang naiisip ko.
"What do you mean?" tanong ko nang makabawi sa pagka-shock sa kaguwapuhan nito.
"You don't need to pay the damage, may kasalanan rin ako." Turan nito.
Nakahinga ako ng maluwang saka napatingin sa suot na relo. Hindi ko akalain na tatlumpung minuto na ang nakalipas at hindi pa ako pumapasok sa loob. Sigurado akong nababagot na ang anak kong si Jasmin na naghihintay sa akin sa lounge area.
"Pasensya na, kailangan ko nang pumasok sa loob. Hinihintay kasi ako ng anak ko. Kung sakaling magbago ang isip mo, I will give you my calling card." Sabi ko sa kanya sa nahihiyang boses, naglakad ako pabalik sa loob ng kotse at kinuha ang calling card ko na nasa shoulder bag pagkatapos ay binalikan ko ito.
Nailang ako sa klase ng titig nito sa akin habang papalapit ako ulit dito. Isa akong agent sa isang real state company kaya sanay na ako sa mga mapanuring tingin na ibinibigay nila sa akin lalo na sa mga lalaki kong clients, pero hindi ko naramdaman ang ganitong kakaibang pakiramdam na para bang gusto kong pagpawisan ng malamig dahil lang sa titig ng lalaking kaharap ko ngayon.
"Here's my calling card. If you change your mind, you can contact me to this number." Sabi ko sabay abot dito sa calling card. Pinilit kong maging professional at itago ang atraksyong nararamdaman sa kaharap.
Itinaas nito ang isang kamay at inabot ang calling card na binigay ko, biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang sumagi ang kamay nito sa palad ko na para bang sinadya pa nito. Libo-libong boltahe ng kuryente ang naramdaman ko na biglang dumaloy sa kaugatan ko dahil lamang sa saglit at simpleng pagdidikit ng palad namin.
At dahil doon ay napatitig ako sa gwapo nitong mukha, pamilyar sa akin ang mukha nito pero hindi ko maalala kung saan ko nakita. Naiilang akong ngumiti rito saka ako na mismo ang nag-iwas ng tingin. Kung meron mang pa-contest ng titigan challenge, siguro panalo na ang lalaking ito dahil grabe kung makatitig.
"I won't change my mind, but thank you for this," sabi nito, saka itinaas ang calling card na binigay ko. "I can use it for personal purposes."
Nagsalubong ang dalawang kilay ko sa sinabi nito pero hindi ko na lang pinagtuonan ng pansin dahil kailangan ko ng pumasok sa loob. Isang tipid na ngiti lang ang isinagot ko rito saka bumalik na ako sa loob ng kotse, binuhay ang engine at pinatakbo kung saan may nakita akong space kanina para i-park ang kotse.
"My gosh! What is wrong with that man?" bulong ko sa sarili pagkalabas sa kotse at mabilis na naglakad papasok sa loob ng building.
Agad akong nagtungo sa lounge area kung saan kadalasan ay doon nagtatambay ang mga employees o bisita. Pangalawang beses na akong nakapasok sa building na ito, una ay nang may kinatagpo akong client at nagkataon na dito nagta-trabaho kaya alam kong may malaki at malawak na lounge area ang loob. Papasok na ako nang salubungin ako ni Jasmin.
"Mommy, bakit ang tagal mo? Pupuntahan na sana kita buti na lang dumating ka. Magsisimula na rin ang final interview ko, aakyat na ako sa taas." Sabi nito.
"Nahirapan lang akong maghanap ng parking, sige na umakyat ka na sa taas at hihintayin kita rito. I know, you can do it." Nakangiti kong sabi rito, huminga ito ng malalim saka niyakap ako ng mahigpit na para bang kinukuha ang lahat ng energy ko kaya natawa ako.
Nakasunod ang tingin ko kay Jasmin habang papalayo siya sa akin hanggang sa magtama ang paningin namin ng lalaking nagmamay-ari ng Porsche, mariin itong nakatitig sa akin habang hinihintay na magbukas ang private elevator.
Ano ba ang problema ng lalaking ito?
Naitanong ko sa sarili ko saka pumasok na ako sa loob ng lounge area dahil nagwawala na ang puso ko.
***